Epilogue

183 5 1
                                    

Epilogue

 

 

 

“Hoy tukmol ka! bumalik ka dito! Yung cheesecake kooooo!!”

 

Galit na galit akong tumingin kay Kyle nun. biruin mo ba naman, inagaw niya yung cheesecake ko. Napakasarap sapukin no?

“Akin na to Niks, order ka nalang ulit!” Ugali din nito oh. Kakarating lang nang-aagaw na ng pagkain! Anak ng tipaklong naman oh!

 

Nag-CSB itong si Kyle. More on arts kasi yung gusto niyang course kaya dun siya. Naging okay naman yung buhay niya dun. Syempre, nung una nahirapan kasi wala pa masyadong friends pero after a while, naging okay naman din. He even found a girlfriend. Ewan ko lang kung seryoso pero based on our observation…mukhang oo :]

 

“Naman eh, isang linggo akong nagcrave para diyan tapos aagawin mo lang?! Balik mo na yaaaan!”

“Eeeeh!”

 

*CLING CLING*

Napatingin kami ni Kyle dun sa pumasok. Aba,  himala yata’t hindi nalate nong bruhang to.

“Aba, hindi ka late. Sinunod mo payo ko no?”

 

“Tange! Special to kaya hindi ako late.” Kamusta naman diba.

Hiwalay kami ng school ni Julia pero hindi parin kami nagkakalimutan. Sa La Salle nag-aaral yang babaeng yan ngayon. Hanep nga ang course eh, nakakadugo ng ulo. Paano, kahirap na Math kelangan niya para pumasa. Eng kasi ang kinuha. 

“Juliaaa, si Kyle oh, ninakaw yung cheesecake ko.”

“Ano ba naman yan Codie, cheesecake nalang. Pagbigyan mo na, tumataba ka na eh oh.”

 

Tinignan ko ng masama si Kuya Nike nun. Minsan iniisip ko, kapatid ko ba talaga to? Paano, lahat nalang kinampihan, basta hindi ako. TSs. 

Hanep yang kapatid ko eh. Successful na siya kasi may sarili na siyang company. Sobrang lago nga rin eh.

At hindi lang yun ang malago, pati pamilya niya. Oo you read it right, may pamilya na si Kuya dearest ko. He finally gained enough courage to ask his pretty officemate out. Ayun, nagclick silang dalawa kaya after one year, tumunog na ulit ang wedding bells for my dearest brother. And this time, no runaway bride.

“One tall mocha frappe for Joey.”

 

Aba, tignan mo tong lokong to. Andito na pala eh hindi man lang nagsabi! Umorder pa muna ah!

“Sorry I’m late!”

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon