Chapter 21
“Anong nangyari?”
Ahh, tsismoso nga.
“Talagang dumayo ka dito at naghintay para lang malaman?”
Inikot niya yung mata niya nun tapos minadali pa ako. wow ha. Sarap batukan.
“dali na.”
“I…hindi ko na tinuloy.”
“Huh??! Bakit??”
Kumunot naman yung noo ko nung mga oras na yun. Anong gusto niyang gawin ko? eh sa hindi eh.
“Ewan ko..”
“Ano ba yan---”
“I might like him.”
Natigilan siya nun. Medyo nanlaki nga yung mata niya tapos tumango tango nalang siya.
“I see.”
Tumayo na siya nun tapos nag-ayos ng gamit. Nung bumaba si Kuya eh nagpaalam narin siya.
“Una na ako. Bye.”
Teka, ano bang problema nito?
“Oh bakit ganyan ka??”
“Wala. Gusto ko lang umuwi.” Naiinis na talaga ako sa kanya nun kaya hinila ko siya.
“Hindi eh! alam ko namang ayaw mo si Kyle para sakin.”
“Alam mo naman pala eh, bakit mo tinatanong pa?”
Sa sobrang inis eh hindi ko napigilan na umiyak. Ano ba yan, ang iyakin ko naman ngayong araw.
“Sobrang nakakainis ka na! para bang ayaw mo akong sumaya eh!”
Tumakbo na ako papasok nun. Hindi ko na siya nilingon kahit na tinawag niya ako ilang beses. Nakakainis siya. Nung siya yung gusto ko kinaiinisan niya ako. ngayong may possible na “pumalit” sa kanya eh ayaw niya naman dun sa lalaking yun. Ang weird niya talaga! nakakainis.
Ni hindi p anga ako nakakaget over sa kanya tapos ganyan siya?? Paano na ako makakamove on niyan?!
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Ficção AdolescenteJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...
