Chapter 27
Sobrang hindi kami magkatinginan nung time na yun. Kahit nga nung pinaggreet kami ng pari sa isa’t isa ng “Merry Christmas” eh hindi namin nagawa. Grabe, sobrang nabublush talaga ako nung mga oras na yun.
Nung pauwi magkasabay kaming naglalakad pero walang kumikibo. Pasakay na ako ng kotse nun nang tawagin niya ako.
“Nikki!” napalingon ako sa kanya nun. “Uhh…happy birthday.”
Ngumiti ako nun pero slight lang tapos nagthank you ako sa kanya. pagpasok ko sa loob eh tinago ko yung mukha ko sa kamay ko.
“Ayee…knikilig. Dalaga na siya.”
Tinignan ko ng masama si Kuya nun pero tumatawa lang siya. Kahit nga sina mama eh inaasar ako. Grabe talaga!
Naging masaya ang birthday party ko. syempre, maraming relatives na pumunta. at itong lokong kuya ko, inimbitahan si AD. Ayun, ang awkward na naman tuloy.
Hindi nakapunta nun si Julia kasi nag-out of town pala yung family niya. umuwi kasi sila sa probinsya. Binati nalang niya ako nung tinawagan niya ako at sabi pa niya eh babawi nalang daw siya. Si Kyle naman, ayun, sosyal nga eh…nagpa-lbc siya ng flowers tapos tumawag din siya sa landline. Grabe eh, ang yaman niya talaga ano? sobrang thankful naman ako nun.
Nung nagbubukas na ako ng regalo eh may natirang isa na walang pangalan. Binuksan ko siya tapos nagulat ako kasi may bracelet dun tapos may nakaengrave na N.D. tapos may heart. Kanino kaya galing to?
Imposibleng kay kuya kasi sinabi na niya in advance na sa susunod daw yung regalo niya. tska, hindi pa siya lumalabas ng bahay nitong huling araw aside from going to church. Si Julia naman…hindi ako nun bibigyan ng ganito so malabo. Lalo naman kina mama at sa iba kong relatives. Si AD…may regalo na siya sakin eh. Stuff toy na aso. Baka si Kyle…
Oo nga, baka kasama siya nung flowers. Tama. It makes sense.
“NIKKI! Alam mo namiss kita!”
Natawa ako sa classmate ko nun kasi todo hug pa siya sakin. Parang ilang taon kaming hindi nagkita eh. eh nung simbang gabi nakikita kita namin yung isa’t isa.
“Hahaha.”
“Ikaw ah…nakita ko yung nangyari dun sa Christmas eve mass!” sobrang namula ako nun. Bakit pa niya pinaalala?!
“Wala yun..si kuya kasi eh.”
“Yeah sure!”

BINABASA MO ANG
Be Your Girl
TeenfikceJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...