“Oh, bakit ganyan mukha mo? Para kang natalo sa lotto ah.”
“Hay nako Julia. Higit pa sa pagkatalo sa lotto yung naranasan ko. biruin mo ba naman, hindi man lang siya nagpaalam at nag get well soon sa akin. Iniwan lang niya ako sa clinic!”
Akala ko pa naman may care siya. Hayy…
“Anong inexpect mo? Eh saksakan ng kaweirdohan yung pinakita mo sa kanya kanina!” tignan mo to. Ako na nga yung down eh lalo pa akong idodown. Bait talaga.
“pero infairness ha! Record yun! Nakaholding hands ko siya ng matagal!”
Walang magawa si Julia nun kundi tumango nalang. Siguro hindi na niya ako makontra kaya tumahimik nalang siya.
Nagsimula naman yung klase nun. May iba akong kaibigan sa class namin na inintriga ako dun sa nangyari kahapon. May iba kinikilig para sa akin at syempre may ibang nainggit. Hottie kasi talaga itong si AD at habulin siya ng babae. Nasa kanya na kasi yung lahat, mayaman, sporty, musically inclined…kulang nalang yung pagkafriendly. Pero wag ka, dagdag sa pogi points niya yung pagiging tahimik niya.
“Gagi nakascore ka ah??”
Ito naman, parang iba ang ibig sabihin eh.
“di naman masyado…”
Tinawanan lang nila ako nun at binatukan.
Nung lunch time eh as usual magkasama kami ni Julia. Hinatak ko naman siya nun sa soccer field kasi syempre, baka naglalaro dun yung love of my life ko.
“May balak ka naman magpatama ngayon?”
Nag-grin lang ako tapos siya eh umiling iling lang.
Hinanap ko si AD nun pero wala siya sa soccer field. Syempre, medyo nadisappoint ako kasi hindi ko pa siya nakikita nitong araw na to. Nanutsot naman kami ng isang player dun, yung kabatch ko.
“Nasaan si AD?”
“Ah siya? Nasa music room. May practice yung band nila ngayon eh. tutugtog sila sa opening ng foundation week. Bakit?”
“wala lang..”
“Teka, diba ikaw yung natamaan niya kahapon?”
Tumango lang ako nun tapos tumayo na kami. Si AD yung gusto ko makaalala nun hindi iba kaya umalis na kami nun. Hinatak ko ulit si Julia papuntang music room para sumilip.
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Fiksi RemajaJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...