Chapter 30
Pagkadilat ko eh nakita ko si Julia na may kausap. Hindi ako kaagad bumangon nun kasi nahihilo hilo pa ako.
“Ugh..”
Napatingin silang lahat sakin nun tapos lumapit. Nagulanta nga ako kasi napakarami nilang tanong. Ano bang una kong sasagutin??
“Girls, go back to your class. Let miss Dizon rest. Bumalik nalang kayo mamaya.”
Tumango lang sina Julia nun at yung isa kong classmate tapos umalis na sila. Chineck naman nila ako kung okay ako nun at nagcomment yung nurse na dapat wag na daw akong magpuyat. Iniwan narin naman niya ako nang may dumating na bagong pasyente.
Pumikit ako saglit nun tapos nakatulog ako. pagkagising ko eh tahimik dun sa paligid. Hindi ko nga naririnig yung nurse nun eh, feeling ko lumabas lang saglit. Nagulat naman ako kasi nag-open yung door sa girls’ ward at nakita ko ang isang…AD Domingo.
“Nahimatay ka daw??”
Agad siyang lumapit sa tabi ko nun tapos umupo siya sa gilid ng kama.
“Uhh,yeah..hahaha.”
“Bakit? Anong ginawa mo??”
“Puyat.”
Kumunot yung noo niya nun tapos nilabas ko yung retreat letter ko para sa kanya.
“Ikaw kasi eh.”
Nagulat siya nun tapos napasimangot. Tinginan niya ako ng diretso tapos napabuntong hininga siya.
“Sa Wednesday pa naman ah..”
“Eeh. Basta…”
Halatang naguilty siya nun kaya hindi siya makapagsalita. May mga ilang minuto din kaming tahimik nun tapos nang magsasalita na siya dapat eh..
“Oo nga eh. teka nga, icheck mo nga yung patient mula Section 3-2. Tignan mo yung…”
kaya ayun. Napilitan siyang umalis na. pero yung look na binigay niya eh parang sinasabi na may next part pa yung usapan namin.
Nakapagpahinga naman ako nun. Siguro mga 2nd to the last subject na namin nang makabalik ako. ewan ko, tinamad rin siguro akong bumalik. Hahah. Bad eh no?
Kinamusta naman ako ng mga classmate ko. syempre sabi ko okay na ako kasi nakatulog na ako. sabi nga nila muntikan pang tawagan parents ko buti nalang walang tao sa bahay nung mga oras na yun. Lagot ako kapag meron. Baka bigyan ako ng curfew eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/8169943-288-k50de38.jpg)
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...