Chapter 28

121 2 0
                                    

Chapter 28

 

 

 

Start na ng intrams. Libre kami ngayon kasi walang lessons, walang exams at higit sa lahat, WALANG DETENTION. Ang kapalit kasi ng detention ngayon eh yung deduction sa overall score. 

Sumali ako nun sa track relay. Yun lang kasi ang pwede kong salihan na sport. Kung meron kasing BOY MAGNET, meron din namang BALL MAGNET. Oo, kahit anong bola, basketball, volleyball, soccer ball, football, kahit nga jackstone ball eh lapitin ako. at ang kamalas malasan dun eh, sa mukha madalas tumatama. Buti nga at hanggang ngayon hindi pa naman nadedeform yung mukha ko.

“Shocks! Waterpolo na! andoon si AD!!”

 

Hay, at syempre, dahil intrams na nga, na-on na naman yung paka-pervert mode ng mga babae sa mga swimming players, particulary kay AD. Syempre ako, siblings daw kami kaya legal yun. 

Palusot!

 

Totoo!

Nanalo yung seniors nun. Okay lang naman sakin kasi sophomores lang naman kalaban nila at hindi yung batch namin. pagkatapos nung laro eh pinagkaguluhan si AD. Nung nakita niya ako eh bigla siyang nagexcuse sa ibang tao tapos lumapit siya. Wow, special?

“Nanood ka?!”

 

Kumunot yung noo ko nun tapos tinaasan ko siya ng kilay. Bakit masama??

“Bawal ba??”

 

“Hindi..pero…nakakahiya.”

 

Ano namang nakakahiya dun eh nanalo sila? Ang weird niya grabe.

“Weh, eh ano naman nakakahiya dun?”

 

“Basta sa susunod wag ka na manood!”

 

Halatang nairita siya nun kaya hindi na ako sumabat pa. actually, hindi na ako nagsalita at umalis na ako. tinawag pa niya ako nun pero hindi ko siya nililingon. 

Nakakainis ha. Siya na nga itong sinusuportahan tapos ganyan pa siya. Wow ha.

May game narin ako nun kaya medyo natanggal siya sa isipan ko. sobrang nilayuan ko talaga siya nun kasi naiinis ako. He can make me feel special and down all in one meeting. Grabe, kakaiba talaga siya.

Naging okay naman yung results nung game ko. may isang 2nd place lang at meron din namang first place. Yung isa kasi by group, para bang marathon.

Nung matatapos na yung araw eh nagkaroon ulit kami ng batch meeting. Syempre, napag-usapan yung mga panalo namin at yung student leader namin eh minotivate pa kami na gawin pa daw namin yung best namin. lahat naman kami ganado para sa susunod na araw. 

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon