Chapter 24

134 1 0
                                    

Chapter 24 

 

 

 

 

Mabilis lumipas yung oras. Last day na ng practice namin ngayon kasi next week na yung Academic Week. hindi kami pwede sa weekend kasi parang rest day na namin yun. Isipin mo, araw araw kaming gabi umuuwi (well sila lang kasi si Kuya Nike ayaw ako payagan) tapos sa weekend mag-whowhole day pa kami? Nako, nakakasawa mga pagmumukha nila no! joke! Haha.

“Guys ayusin na natin to! Dali na, gusto ko rin namang manalo!”

 

Natawa lang kami nun kaya ayun, ginawa talaga nila (yung mga dancers) yung best nila para maayos yung ginagawa. 

Nung mga 6 nagtext si Kyle na hindi daw niya ako masusundo. Something came up daw. Tinanong ko naman kung okay lang siya, sabi niya bukas na daw niya sasabihin sakin. Medyo nag-alala naman ako nun. 

Pauwi na ako nun ng mga 7 nang biglang nagtilian yung mga babae.

“Si AD!!”

 

Anong ginagawa niya dito??

“Uh, pwede ka bang makausap?”

 

Nagpaalam na ako sa iba nun tapos sabay kaming umuwi ni AD. Habang nasa trike kami eh tahimik lang kaming pareho. Gusto ko siyang tanungin nung kung ano ba yung sasabihin niya kaso nga lang parang ang layo ng iniisip niya eh. 

Pagkarating namin sa bahay eh lumakad lakad lang muna kami sa labas. nagpakita naman muna ako kay Kuya nun para hindi siya mag-alala. May kung anu anong senyasan pa nga silang ginawa nun eh pero hindi ko nalang binusisi.

“Ano yung sasabihin mo?”

 

Tumingin siya sa baba nun na para bang may something interesting na tumubo. Nag-ehem naman ako nun at ayun, napatingin siya.

Medyo nagblush ako kasi nung tumingin siya eh sobrang seryoso ng expression niya tapos…shoot, ang gwapo niya.

Ngayon ko nalang ulit to naramdaman ah?

“Uhh…pwede ka ba bukas? May sobrang importante lang kasi akong sasabihin sayo.”

 

Teka, bakit hindi pa niya sabihin ngayon?

“Bakit hindi ngayon?”

 

“Matatagalan kasi..”

 

Wrong move yung nagawa ko kasi nang mapatingin ako sa mata niya eh sobrang nailang ako at lumakas pa yung tibok ng puso ko. dagdag mo pa yung pagkakahawak niya sa kamay ko. ano ba to? Bakit ba to nagkakaganito?

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon