Try kong maging masipag. Hahah :)
------------------------------------------------------------------------------------------------
“Kung hindi ka ba naman kasi tangengot eh hindi kita babatukan!”
Tadtad ng sermon na naman ako mula kay Julia. Paano, ni hindi ko daw alam yung pangalan nung lalaki tapos true love na yung turing ko.
“Hindi mo kasi ako magets friend eh. alam mo yun, nasa pakiramdam nalang yun. Hindi mo maexplain pero may nagsasabi talaga sayo.”
“Hay nako, buraot ka. Talagang hindi ko maiintindihan yung pag-iisip mo. O siya, anong year ba?”
Napa-hmm ako nun. Sa totoo lang? hindi ko kasi masyadong nakita yung id niya kaya hindi ko napansin. Masyado akong nahatak sa kagwapuhan niya.
“Yun ang problema pa. Hindi ko kasi nakita ng maayos yung ID niya eh.”
“Hay nako. Pinapahirapan mo ko eh!”
Medyo natawa ako nun. I wonder, makakailang “hay nako” kaya siya sakin?
“Sige na friend. Tulungan mo na ako? I can’t let this opportunity pass. Alam kong sign yung pagkakabangga naming dalawa kanina.”
“Oo nga sign nga.” Napangiti naman ako nun. Sa wakas eh sumang-ayon din siya! “Sign nga para maalog yung utak mo at magising ka na sa katotohanan!”
Agad akong sumimangot nun at nag-cross arms. Buhay nga naman oh, parang bato. It’s hard!
Pagkauwi ko sa bahay eh agad akong nag-computer. Naglog-in ako sa friendster nun tapos sinubukang maghanap hanap ng tao. Syempre, dahil taga school ko naman siya eh nalimit yung paghahanp ko sa mga taga St. Marcus Academy.
“Hay, kelan kaya tayo ulit magkikita?”
Todo hanap ako nun. Syempre nagtanung tanong din ako sa mga kakilala ko. dahil napakageneral ng description ko sa kanya eh maraming naasar. Syempre, hindi madaling mapinpoint kung sino yun dahil medyo karamihan yung mga gwapo sa school.
Pero alam ko talagang iba siya eh. unang kita ko palang sa kanya eh alam kong may kakaiba na sa kanya. may aura siya na nagsasabing siya talaga ang para sakin. I can feel it!
Pinatulog ako ng maaga nun kasi nalate ako kanina. Nagising naman akong maaga the next day sa kaiisip kay Mystery guy.
Pagpasok ko sa school eh sumalubong kaagad sakin si Julia. May initsa siya sa aking folder tapos naglean sa may table.

BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...