Chapter 5
Napahawak ako sa ulo ko nun. Sobrang sakit. Tumalsik kasi ako nun eh.
Tinignan ko yung tao sa harap ko at nanlaki yung mata ko. Si…AD.
“Uh, Hi! Nagjojogging ka rin pala dito?”
Tumingin siya sa akin nun. Halata sa mukha niya na naiirita siya. Ngumiti nalang ako nun kasi wala akong magagawa. Kung ayaw niya eh hindi ko siya mapipilit. Di bale, may isang taon ako para mamilit.
“Umm, pwedeng sumabay?”
“If you can keep up.” ay gagi, sapul ako dun oh! Nainlove naman yata ako lalo!
Ngiting ngiti ako kasi kasabay ko siya. Feeling ko nga eh nagulat siya kasi nakakeep up ako sa speed niya. alam ko rin na tinry niyang i-outrun ako pero wala siyang nagawa. Sport ko nga to eh. kapag gusto ko yung ginagawa ko, ginagalingan ko.
Nung natapos kaming tumakbo eh hingal kaming pareho. Para narin kasi kaming nagmarathon dun sa park. May ibang matatanda nga na parang liliparin na sa sobrang bilis naming dalawa.
“Ang bilis mo palang tumakbo..”
Hindi siya nagsalita nun.
“Alam ko namang alam mo AD eh…”
Nung time na yun eh napatingin siya sa akin. Halatang nagtataka siya sa kung ano yung sinasabi ko.
“Alam kong hindi ka manhid at napapansin mong may gusto ako sayo. At hindi rin ako manhid para hindi maramdaman na naiinis ka kapag nilalapitan kita.”
Hindi ako makatingin sa kanya nun. Alam ko kasi magiging emotional ako kapag tinignan ko pa siya eh.
“Sasabihin ko sayo to, I am very persistent. Kahit anong paglayo ang gawin mo, susundan parin kita.
Kahit anong pagsusungit ang gawin mo, papalitan ko parin ng ngiti.”
Ngumiti ako nun at nagpause. Hinihingal kasi talaga ako nun. Siguro nga, nasobrahan yung pagbilis ko. “May nakapagsabi kasi sa akin dati na kapag yung taong gusto mong kaibiganin eh sinusungitan ka, palitan mo ng kabaitan. Kasi for sure, mapapagod siyang magsungit up to the point na normal nalang ang trato niya sayo. I know you would continue on being like this probably hanggang sa grumaduate yung batch niyo pero I promise you this…you can’t get rid of me.”
Nagpause ako nun kasi parang nahihilo na ako.
“And no matter how fast you run, I would still keep up with you.”
![](https://img.wattpad.com/cover/8169943-288-k50de38.jpg)
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...