Chapter 18
Sa buong buhay ko, ngayon ko lang hinawakan ng sobrang tagal yung cellphone ko. hindi ako palacellphone na tao kasi una, wala akong load at pangalawa, wala naman akong katext. Pero ngayon…
Sender: KUYA AD Message:
Nu gwa mo?
Sender: Kyle Message:
Hey ü
Araw-araw, oras-oras, minu-minuto ganyan silang pareho. Para bang alam nila na nagtetext din yun isa kaya nagpapaunahan sila. Si Kyle maiintindihan ko kung bakit niya yun ginagawa pero si AD? Parang…may nagbago yata.
“Oh, bakit tulala ka diyan?”
Okay na talaga si Kuya ngayon at sobrang saya ko kasi bumalik na siya sa dati.
“Wala, nagtataka lang ako.”
Tumabi siya sakin nun tapos umupo naman ako ng maayos.
“About?”
“Kay AD---este KUYA AD.”
Natawa sakin si Kuya nun tapos ginulo niya yung buhok ko. “Intindihin mo na yung tao, naguguluhan lang eh.”
Huh? Naguguluhan saan??
“Saan??”
“Basta. Maligo ka na, malapit na yung pasok mo.”
“Kuya Saan?? Ang daya naman nito eh!! sisimulan mo tapos bibitinin mo ko. Hmph!”
Tinawanan lang niya ako nun tapos lumabas na siya ng kwarto. Weirdo talaga yun.
Pagkarating ko sa school eh nakasalubong ko si Julia. Syempre, as usual, kung anu anong pinagkukwento sakin. Monthsary kasi nila kahapon kaya ayun, tuwang tuwa. Sinurprise daw kasi siya ni Lester. Hay, ano kayang feeling nang ganyan?
Medyo maaga akong nakarating nun kaya nag-ikot ikot muna ako. may mga tao akong nakasalubong na weird tumingin (yung mga batchmate ni AD) at may iba naman na friendly at nakasmile.
*TEET TEET*
Sender: Kyle Message:
Gud am ü
Nagreply naman ako nun at ayun, nagsimula kaming magtext. Sinilent ko narin yung phone ko kasi alam kong bawal siya sa school.
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...
