Chapter 23

116 2 0
                                    

Chapter 23

 

 

Nagulat ako nun at humarap ako sa kanya. may ilang babaeng nagtilian kasi crush nila si AD.

“Anong ginagawa mo dito?”

 

“Pinapasundo ka sakin ni kuya Nike.”

 

Hay nako, si Kuya talaga. napakakulet!

“Ang aga naman?”

 

“Maaga? 7 na kaya! Sinong matinong babae ang gumagala pa ng 7 ng gabi??”

 

Umirap ako nun tapos yung ibang classmate namin eh tumatawa tawa lang. 

“Nung una kuya, ano ngayon? Tatay? Baka pati lolo gusto mong apply-an?”

 

Ni-roll lang niya yung mata niya nun tapos kinuha niya yung bag ko. may ibang classmates akong tumili nun pero tinignan lang ako ng masama.

“Ikaw Nikki ah, dalawa pala manliligaw mo, di ka nagasabi!”

 

“Sabi sa inyo gusto ko ang Nikki-AD tandem eh!”

 

“tumigil nga kayo. Wala naman talaga eh.”

 

Umalis narin ako nun at sumakay sa kotse niya. nung papauwi eh tahimik lang siya.

“Oh, bat tumahimik ka bigla?”

 

“Sinurpresa ka daw ni Kyle?”

 

“Uu nga eh, bakit?”

 

Hindi naman siya sumagot nun. Teka, nagseselos ba siya??

Tangek, bakit siya magseselos?

 

Ay, oo nga no. Ito namang utak na to! Pagkasama sama! Hayaan mo naman akong mangarap kahit sa utak lang!

“Kayo na ba?”

 

“Hindi ah. Bakit ba tinatanong niyo parati ni kuya yan?”

 

Nung nakarating kami sa bahay eh humarap muna siya sakin. Akala ko nun may sasabihin siya kaya hindi ako gumagalaw. Napansin kong wala naman siyang ginagawa kaya lalabas na sana ako kaso hinila niya ako.

“K-Kung..”

 

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon