Chapter 22
Mabilis lang lumipas ang panahon. Palabas labas kami ni Kyle at hindi na sumama pa si AD. Napapayag ko naman si Kuya Nike na hayaan kami nang mapakilala ko. sabi pa nga niya,
“Okay siya. Pero mas gusto ko yung isa.”
Yung isa? Si Kyle palang naman ang pinapakilala kong manliligaw ah?? Di kaya, si AD? Weehh, hindi naman nanliligaw yun eh.
Malapit na ang isa sa main events ng school namin. Ang Academic Week. ito yung week na puyatan, paguran at pigaan ng pawis para lang yung mga ipepresenta naming performance eh maging maganda.
May mga tao na nagkakainitan na ng ulo pero buti yung class namin eh nag-eenjoy kahit papaano. “Practice na naman? Practice kayo ng practice, may nagagawa ba kayo? Hay nako! Gabi gabi ka nalang lumalabas ah!”
Binatukan ko naman siya nun.
“Ang OA mo kuya ha! Kung sina mama nga pinapayagan ako eh.”
Nagcross arms siya bigla nun tapos nagpatampo effect pa.
“Sige, naiintindihan ko. alam ko namang walang saysay ang opinion ko para sayo.”
Tignan mo to, ang sarap kutusan eh. ano bang nakain nito at ganito kahyper to?!?
“Ewan ko sayo kuya. Ang labo mo.”
“teka, papasundo na kita kay AD para hindi ako nag-aalala.”
Natigilan naman ako nun. Isa pa itong reason kung bakit hindi ko malimutan si AD eh, masyado kasi akong dinidikit ni Kuya Nike sa kanya. para namang hindi niya alam na hirap ako.
“Wag na, susunduin ako ni Kyle.”
Tumingin siya sa akin at nanliit pa yung mata niya sa akin. “Kayo na ba??”
Nasamid naman ako dun sa inumin ko nun tapos napatingin ako sa kanya. “Alam mo, praning ka din eh ano? iilang buwan palang nanliligaw yung tao eh.”
“Wala naman sa tagal ng panliligaw yun eh. Nasa nararamdaman. Bakit, hindi mo ba siya mahal? Kung hindi mo siya mahal dapat basted-in mo na siya ngayon palang kesa umasa siya.”
Napasimangot naman ako nun. Kung alam lang niya.
“Andoon parin kasi kami sa…getting to know process.”
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...