Chapter 31
Pareho kaming napadilat kasi saktong pagstep ko sa 1st floor eh siya kaagad yung nakaharap ko. may dala dala pa siyang bag nun tapos nakajacket pa siya. Grabe..
Bakit ang attractive niya ngayon?
“Oh, bakit andito ka pa? inantay mo ba ako?”
Medyo kumalma na ako nun kaya nagstand straight ako tapos tinignan ko siya ng mataray.
“Hindi ah. May naiwan ako kaya bumalik ako. Feeling mo naman.”
Ngumiti siya nun pero parang ang lungkot lang ng ngiti niya. May kung anong papel siyang nilabas mula sa pocket niya tapos pinakita niya sakin. Teka, retreat letter ko sa kanya yun ah!
“Salamat pala ah.”
Nagulat nalang ako kasi biglang niyakap niya ako. syempre ako nakayakap pa ako sa dala ko nun tapos bigla siyang yumakap sakin. Hindi ko alam kung bibitawan ko na ba yung dala dala ko or what. Basta parang naparalyze nalang ako nun at hindi ako makagalaw. Ni makapag-isip nga ng sasabihin eh hindi ko magawa. I was stuck.
“And I promise I won’t.” Napasmile ako nun. May nilagay kasi ako sa letter ko nun na “Kapag nakita mo ko, tell me your answer to this question: Promise me you won’t forget me?”.
May ilang minuto siguro kaming magkayakap nun. Siguro kung hindi dahil sa pag “ehem” ni Joey eh hindi kami maghihiwalay. Panira talaga yung lalaking yun.
“Pare, baka naman gusto mo nang umuwi?”
Natawa siya nun tapos tumingin siya sakin na para bang niyayaya na akong umuwi. Tumango ako nun tapos lumakad ako kasunod nila. nag-usap kasi yung dalawa eh at ayun, hindi naman ako makarelate kaya medyo pumalikod nalang ako.
Nung nasa isang kanto na kami eh sumakay na si Joey. Naiwan kami syempre ni AD na naglalakad. Tahimik nga siya nun eh. Ewan ko, parang naiilang ako dun sa kanina. Nung nakarating na kami sa bahay eh pumasok muna siya saglit. Nakita kasi siya ni Kuya eh kaya ayun, nag-usap muna silang dalawa. Hindi naman ako nagstay nun sa baba kasi alam kong man-to-man talk yun.
Nang bumaba ako para kumuha ng tubig eh nakita ko wala na si AD. Hindi siya nagbabye? :| Whatever.
Kinabukasan weekend na. niyaya akong lumabas ni Kyle pero hindi ako nakapunta, may “family affair” daw kasi kami. Kung anu man yun, aba malay ko kay kuya Nike. Hmph. Feeling ko talaga may galit yun kay Kyle eh.
Nang makarating kami dun sa restaurant eh nagulat ako kasi andoon din yung family nina AD. Napataas yung kilay ko kay Kuya nun pero tumawa lang siya. Wow, family affair pala ha?

BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...