Chapter 29
Kinabukasan, games lang ulit. May mga panalo at may talo ulit yung batch namin. umaangat nga yung 4th year eh, pero expected narin yun. Ang naging overall sa games eh ang 4th year. second naman kami tapos ang nakakagulat eh mas nanalo yung 1st year kesa sa mga 2nd year. Nakakatuwa nga eh, parang yun yung kakaiba sa taong ito.
After ng games eh yung dance na. casual lang naman yung party pero yung iba pinaghandaan talaga at nagbonggang dress pa. yung mga ganung tipo yung tinatawanan namin ni Julia minsan. masyado kasi manamit eh, hindi naman bagay dun sa event.
“Hay, yung isa diyan nagmumukmok. Bakit kaya?”
Ako? nagmumukmok?? Hindi ah!
“Paano mo naman nasabi??”
“Asus, parang hindi ko rin nakita.”
Oo, nakita ko kasi na nagsasayaw sina AD at DYS niya. Tss. Ang labo talaga eh.
“Kung pwede lang ang outsider eh..”
Nagcross arms siya nun tapos nagtaas ng kilay. “Ano, gagamitin mo si Kyle para pagselosin si AD?”
Kung kaya nga lang eh. kaso kahit ano namang mangyari hindi siya magseselos kasi hindi naman niya ako gusto.
“Hindi…para lang may kasayaw din ako.”
“Asus, kilala na kita Nikki..wag ka nang magtago.”
Nagpout lang ako nun at nagcross arms. May ilang mga tao akong nakasayaw, gaya nalang ni Joey. Buti pa nga yung best friend niya eh sinayaw ako.
Malapit nang matapos yung gabi. Tumugtog yung banda nina AD nun. Sila yata yung magcoclose nung event eh. Oo, matatapos na yung dance at hindi man lang niya ako sinayaw. Whatta eh no? pwede namang as siblings yung pagsayaw niya sakin ah??
Nabugnot na ako for the rest of the night. Kung hindi lang ako pinilit ni Julia na magstay eh kanina pa ako umuwi.
“Good evening everyone! Heto na naman po ang West Side story, manggugulo sa dance na ito.” ang daming babae na nagtilian nun taps tumatalon talon pa.
“WE’ll be playing the last 2 songs for the night. Ang unang una ay…That Green Gentleman!”
Naghiyawan yung mga Panic! At the disco fans. Syempre, yung iba napahiyaw narin kasi ang galing nilang tumugtog. Nakakaamaze talaga…lalo na si…AD.

BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Ficção AdolescenteJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...