Chapter 36

105 2 0
                                        

Chapter 36

 

 

 

After 7 months. 

 

“Codie! Andiyan na si Kyle oh!”

 

Oh shoot. Nagmadali na akong mag-ayos ng buhok nun. buti nalang talaga at short hair na ako kaya mas madali na siyang imanage ngayon.

 

“Oh, anong oras ka uuwi?”

 

Tinignan ko si kuya nun na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. 

“Kuya, hindi pa nga ako nakakaalis eh tapos tatanungin mo kagad ako kung anong oras ako uuwi? Naman oh.”

 

“Magpahatid ka ah.”

 

Umoo nalang ako nun para matahimik siya tapos nagkiss ako at saka lumabas. May nakapark na kotse sa labas nun at nakalean ang isang Kyle Abuedo sa may pintuan nito. Grabe, bakit ganyan yung porma niya??

Nakakainlove tuloy lalo :|

“Hey..” tumingin siya sakin nun tapos todo ngiti siya. Grabe, nakakamelt.

 

“Hey bee.”

“Tara?”

 

Tumango siya tapos pumasok na kami sa kotse. Hindi rin siya matagal nagdrive kasi malapit lang pala yung place kung saan kami kakain. Pagkababa ko eh nagulat ako kasi may mga rose petals dun sa floor. Grabe, sobrang pinaghandaan na naman niya to.

Pagkadating namin sa rooftop eh may mga taong nagpaplay ng violin tapos sa gitna eh may table na pang dalawang tao lang.

“Kyle..gumastos ka na naman..”

 

“I don’t mind. Para sayo naman eh. I love you bee. Happy 5th monthsary.”

 

Yeah, kami na nga ni Kyle. We’ve been together for 5 months na at masasabi kong, masaya ako sa kanya. If you’re wondering kung anong nangyari…well, I left it all behind na. It’s part of my past and Kyle is now my present. 

“I love you bee. Salamat ha?”

 

Kumain kami nun tapos tinugtugan kami nung mga nagviviolin. Grabe, nakakatuwa talaga. Nagulat ako nang biglang mag-abot siya sakin ng box. Pagkabukas ko eh sobrang ganda nung necklace na nakalagay dun sa loob. Grabe. 

 “Sorry yan lang nakayanan ko ah?”

 

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon