Chapter 14
Lumipas ng mabilis yung oras. Natuloy yung pagiging “brother” sakin ni AD at kahit papaano, nasasanay narin ako. Hindi nawala yung mga babaeng naiinggit kasi close ako lalo kay AD pero hindi ko nalang sila pinapansin. Si Gladys naman eh…ayun, namamatay sa inggit.
“Ang weird mo.”
Tumingin ako kay Julia nun at nagtaas ng kilay.
“Ano na namang ginawa ko??”
“Well…para kasing wala ka nang gusto kay AD eh.”
Natawa naman ako nun. Ako? Mawawalan ng gusto kay AD?
“Sino naman nagsabi sayo niyan?”
Nagshrug siya nun tapos kumagat dun sa kinakain niya.
“Siya lang naman ang walang alam tungkol diyan eh.”
Napatingin sakin si Julia nun na para bang naawa. Tumawa nalang ako bigla nun at nagkunwari na masaya. Ewan ko, kahit kay Julia eh hindi ko maipakita yung totoong ako.
Nung nagbell na eh bumalik na kami sa classroom. Nakasalubong ko nga nun si AD at siya pa yung unang ngumiti. Well at least sa ganitong condition eh okay na okay kaming dalawa.
Back to lessons lang kami nung araw na yun. Syempre, kung yun ang ginagawa, malamang boring. Ewan ko ba, hindi ko kasi talaga naeenjoy kapag naglelesson. Buti nga pumapasa ako kahit papaano kahit hindi ako nakikinig. Siguro maswerte lang talaga ako sa buhay ano? well, in terms of school.
Mabait yung last period teacher namin nun kaya dinismiss niya kami ng napakaaga. Yung tipong 30 minutes pa bago magtime. Paano, nakaya kasing maexplain nung pinakaloko kong classmate yung lesson niya ng sobrang ayos kaya ayun. Nakipagdeal kasi yung loko kong kaklase eh nanalo siya kaya ayun, disimissal na agad namin.
Wala akong magawa nung mga oras na yun. 4 pa yung dismissal nina Julia at malamang nakipagdate na yun kanina pa. date day nila kasi tuwing Wednesday kasi parehong maaga ang uwi nung dalawa. Kaya ayun, flying solo na naman ako.
“Diba 5 pa uwian niyo? Cutting ka??”
Or not.
“Hindi ah. Dinismiss kami ng maaga.”
“wow ha. Ang daya, bakit nung 3rd year kami hindi kami nakaranas ng ganyan.”
Nagbelat lang ako sa kanya nun tapos tumingin sa tabi niya.

BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...