Chapter 3

183 1 0
                                        

Chaper 3

 

 

Kinabukasan eh gumising ako ng maaga. Kumuha ako ng maarteng notebook sa side drawer ko tapos nagsulat ako ng kung anu-ano.

The Nichole Dominque Dizon-Anakin Dylan Domingo Compatibility Notebook.

 

Ayan, para may mapaglalagyan na ako ng mga “moments” namin ng true love ko. sinulat ko nun yung nadiscover ko kahapon tungkol sa pangalan namin at may ilan pa akong dinagdag. Syempre hindi mawawala yung matagal naming pagkakahawak ng kamay nung dinala niya ako sa clinic.Hindi ko narealize na sobrang tagal ko palanag nag-iisip nun kaya inabot na ako ng 6 am.

“Huy Codie, anong oras mo ba planong umalis? Ala sais na oh. Malalate ka na.”

 

Tong si Mommy naman sobra…may 1 hour and 40 minutes pa kaya ako. 

“Heto na nga po’t mag-aayos na.”

“Oo nga pala, mamaya dumaan ka ng supermarket tapos bumili ka ng…”

 

Ewan ko ba kay Mommy, may katulong naman kami’t driver eh ako parin ang inuutusan na lumabas. Ayan tuloy, naging lakwatsera ako.

Pagkatapos kong mag-ayos eh nagpaalam ako kina Mommy at lumarga narin. Nakasalubong ko nga si Julia nun at syempre, ipinagmalaki ko naman yung compatibility notebook namin ni Prince AD.

“Adik ka alam mo yun? Kelan mo lang nakilala si AD tapos…”

 

“Shhh!! Ano ka ba! Paano nalang kung may nakarinig satin tapos biglang lumayo sakin si Prince

Charming ko?! Dapat may code name tayo sa kanya!”

 

Tinignan niya ako nun na para bang nababaliw na ako tapos pinitik niya yung noo ko.

“Eh kelan naman ba lumapit yang prince charming mo aber?”

 

“Basta! We can never tell…so hmm…code name…”

 

Hindi pwedeng Star Wars kasi sobrang obvious. Malamang bawal naman yung DD kasi mahahalata din. Eh kung…

“alam ko na! Mirumo!””

 

“EH? Ano namang koneksyon ni A---este Mirumo sa Mirumo?”

 

Ngumiti lang ako nun. 

“Kase ganito yun, diba yung lalaking gusto ni Katie sa Mirumo de Pon eh nagngangalang Dylan? Eh diba ang second name niya Dylan? Bam! Perfect match!”

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon