Chapter 13

125 1 0
                                    

Chapter 13

 

 

 

The next day eh sa hindi ko malamang dahilan eh bigla akong nilagnat. ito ba yung after effect nung ginawa ko kay AD?? Grabe naman ah.

Inalagaan naman ako nina mama nun. Binilhan ng pagkain ang stuff. Buong araw nga akong nakahilata sa may kama eh, sobrang bored kasi wala akong magawa. Ayaw naman akong pababain nina mama kasi baka daw mabinat ako or something. Buhay prinsesa tuloy ako nung mga oras na yun.

“Nako, hindi parin bumababa yung lagnat mo.”

 

“Ugh…nakakaasar naman oh. Free day pa naman namin sa Monday.”

 

“Hay nako Codie, kung hindi mawawala yung lagnat mo by tomorrow eh hindi ka na muna sasama.”

 

WHAT?  Hindi pwede yun!

“Pero ma!”

 

“Nichole Dominque tigilan mo ko.”

Hindi na ako nakaimik nun. Buong pangalan na eh. Naman…nakakaasar naman! Bakit naman kasi ngayon pa ako nagkalagnat?!

Tinext ko kay Julia yung nangyari. Ayun, nasasayangan siya para sakin. Syempre diba, andoon yung section nina AD tapos ngayon eh okay narin kami. Opportunity sana yun kaso…mukhang ayaw ng tadhana eh.

Dumaan ang Sunday, hindi parin nawala yung lagnat ko pero bumaba na. sinubukan ko namang kumbinsihin si mama na payagan ako kaso ayun, firm yung decision niya na hindi ako pasamahin. Wala akong nagawa hanggang sa mag-Monday na nga at heto parin ako nakatunganga sa bahay.

Wala na akong lagnat nun. Sobrang nanghinayang nga ako eh kasi sayang din talaga. nagpaalam naman ako nun na lumabas kahit hanggang park lang at ayun, pinayagan naman ako. Feeling ko naawa nga eh.

Nung una medyo kinabahan ako kasi baka maulit yung nangyari dati. Nawala lang yung pag-aalala ko nung makita kong maraming tao sa park nung mga oras na yun, mostly super tanda at super bata. 

Nagswing lang ako nun tapos tumingin sa paligid. Hay, bakit ba wala akong magawa?!

Aalis na sana ako nun para bumili sa tindahan nang may nakabanggaan akong tao.

“Sorry!”

 

Nagkatinginan kami ni AD nun tapos nagblush ako. Naalala ko na naman yung nagawa ko.

“Hindi ka sumama?”

“Nilalagnat kasi ako nung sabado at linggo kaya hindi ako pinasama.”

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon