Chapter 15
FLASHBACK
Hindi ako yung mahilig lumabas na tao. Parati lang ako nakatago sa loob ng kwarto kasi sa totoo lang, takot ako sa tao. Takot ako na isipin nilang weird ako o kaya kakaiba. Takot akong ireject nila ako kasi hindi ko abot yung standards nila. Takot akong makihalubilo.
Madalas akong dinadala nina mama sa kung sinu-sinong doktor para lang ipagamot. Akala kasi nila, sobrang lala ng sakit ko. dinadala nila ako sa isang Psychiatrist pero wala din. Hindi rin siya effective. Hanggang sa summer before akong mag-middle school eh ganito parin ako.
“Nichole anak, labas ka muna, may papakilala kami sayo.”
Tumingin ako kay mama nun tapos tumayo narin. Pagkababa ko eh nakita ko si papa na nakaupo sa sala at may kasamang lalaki. Siguro mga nasa 17-18 years old narin siya. Basta, mukha siyang mas matanda kesa sakin.
Nung umupo kami ni mama eh humarap sila papa sa akin. Malungkot yung hitsura niya nun tapos parang nagdadalawang isip pa bago sabihin sakin yung nangyari.
“Nichole…ito ang…kuya Nike mo.”
Kuya? Kelan pa ako nagkakuya? Ang alam ko only child ako eh.
Nahalata nilang naguguluhan ako nung mga oras na yun. Nung mga oras din na yun, nagsimulang umiyak si mama.
“Uh, anak…si Kuya Nike mo…”
Alam kong hirap si papa na i-explain sakin yung pangyayari. Kahit hindi nila sakin sabihin nung mga oras na yun, medyo nagets ko kung saan tutungo yung usapan. Nagkaroon ng lakas ng loob si mama na magsalita.
“Anak siya ng papa mo sa ibang babae.”
Hindi ako tumingin kina papa at mama nun. May kung anu-ano silang pinagsasabi pero hindi ko sila pinapakinggan. Nakatitig lang ako dun sa tinatawag nilang “Kuya Nike”.
Inexplain nila yung condition na samin na daw titira si “Kuya Nike” kasi namatay na yung mom niya at yung “dad” na nagpalaki sa kanya. walang imik siya nung habang nandoon pa sina papa at mama. Nung napagpasiyahan nilang mag-usap ng sila sila lang eh saka lang nagsalita si “Kuya Nike”.
“Ikaw pala yung magiging kapatid ko. Nikko Derrick para yung buong pangalan ko, Nike for short. Nice to meet you.”
Todo ngiti siya nun tapos nag-offer pa ng kamay niya. hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi hindi ako sanay sa ganito. Umiwas lang ako ng tingin nun. Akala ko magagalit siya. Akala ko dadagdag siya sa mga taong magrereject sakin. Hindi pala.
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Novela JuvenilJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...