Chapteter 8
Medyo maaga natapos yung tapos practice namin. halos humaba na nga yung leeg ko nun kakahanap kay AD eh. feeling ko tuloy ginayuma’t minanyak na ni Gremlin ang prince charming ko. Hay nako.
“Nikki…kung hinahanap mo si AD andun pa siya sa may band room.”
Naku sinasabi ko na nga ba eh. yung gremlin na yun ang salarin!
Lumakad naman ako papuntang band room nun. Pagkadating ko sa may pinto eh naglalabasan na yung mga kasamahan niya. nung nakita nga nila ako eh natawa lang sila. Napatingin naman ako sa suot ko nun, bakit? Mukha ba akong ewan? Hindi naman ah? Ang cute ko nga eh.
“Si AD?”
“Nasa loob…haha.”
Bakit ba sila tawa ng tawa?? Anong meron?!
Nagroll lang ako ng eyes nun tapos dumiretso ako sa loob. pagkapasok ko eh nakita ko si Gremlin na nakahawak pa sa braso ni AD. Aba, sabi ko na nga ba’t minamanyak nitong bruhildang to si AD eh.
“AD! Uwi na tayong DALAWA!”
Napatingin lang sila sa akin nun tapos si Gremlin eh biglang napangisi. Anong problema nito??
Lumabas na siya ng room. May ilang balik tingin nga siya sakin habang tumatawa bago siya tuluyang nagdisappear. Napakunot naman yung noo ko nun. Nagulat ako nung biglang pinitik ni AD yung noo ko. napatingin ako sa kanya nun. Ito talaga, nalingat lang ako saglit nainggit na. Hahaha, chaka.
“Problema nung Gladys na yun? Bakit siya tawa ng tawa? Pati yung mga bandmates mo.”
“Paanong hindi sila tatawa eh may nakakabit na tissue sa may sapatos mo.”
Tinuro niya yung tissue tapos bigla naglakad siya paalis. Grabe naman! Sa lahat naman ng pwedeng mangyari, bakit ito pa?! kakahiyaaa!
“Ui saglit lang naman!”
“Bakit? You can’t keep up? Give up.”
Natigilan ako nun. Bakit parang ang bad mood niya yata ngayon??
“Teka bakit ang init ng dugo mo sakin? Anong nagawa ko??”
“Nagawa mo? Madami.”

BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Fiksi RemajaJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...