Chapter 25

133 2 0
                                    

Chapter 25

 

 

Nung lunes maaga akong pumasok. Ewan ko, medyo depressed din ako eh. Paano, hindi nagtetext o tumatawag si Kyle. 

Oo, weird na kung weird, talagang nadepress ako eh. hindi ko naman malaman kung bakit, siguro nga may gusto ako sa kanya pero hindi lang ganoon kagrabe di tulad ng pagkagusto ko kay AD. Ayokong mauna na magtext kasi nahihiya ako. baka isipin niya na hinahanap hanap ko siya. 

“Kawawa talaga si Kyle ano? namomroblema na nga tapos dinagdagan pa nung ISA diyan.” Napatingin ako dun sa mga babaeng nag-uusap. Mga 2nd year sila. Teka, anong ginawa ko sa mga ito?

“Huy ano ba, baka marinig ka.”

“EH di mas mabuti para TAMAAN siya!”

 

“Ako bang pinariringgan mo?”

 

“Wow, nakakaramdam ka pala? Akala ko kasi MANHID ka.”

 

Kumunot yung noo ko nun sa kanya. ang aga aga tapos manggaganyan siya? Ni hindi ko nga siya kilala eh.

“Ano bang ginawa ko sa inyo??”

 

“Hindi sa akin. Kay Kuya KYLE.”

 

Kay Kyle?? Hindi ko maintindihan.

“Hay, you just stood the guy up last Saturday. Hindi mo ba naaalala?? You were supposed to attend the welcoming party with him. Tapos hindi ka sumipot. Wow, ang galing galing mo talaga. and to think na, problemado na siya nung araw na yun—”

 

Hindi ko na pinakinggan pa yung ibang sinasabi nung babae at tumakbo na kaagad ako sa nearest CR. No, hindi ako naiihi nor natatae, nilabas ko yung phone ko nun at agad kong dinial yung number niya.

Please…sagutin mo.

“Hello?”

 

Hindi ako nakapagsalita nun. Babae yung sumagot. Tinignan ko naman yung kausap ko sa phone, Kyle naman yung nakalagay.

“Hello sino to??”

 

Binaba ko yung phone nun tapos napalean ako sa wall nun. Pumikit ako nun at sunod kong nalaman eh naiyak ako. ewan ko nga kung bakit ako pa yung nalungkot eh ako nga yung gumawa ng kasalanan.

Paano pa kaya yung naramdaman niya no?

Lumabas ako ng CR 5 minutes bago magbell. Hindi ko kasi kayang magpakita na malungkot sa iba. Hindi nila ako kilala sa ganoong paraan. Kung malungkot man, yung pajoke lang. lalo pa ngayon na Academic week namin, ayokong maging problema lang sa kanila.

Be Your GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon