Chapter 37
Hindi ako mapakali. Sobrang naiilang talaga ako eh. Bakit ba kasil kelangan pa niyang bumalik??
Nagkwentuhan sila nina mama nun. Syempre, puro tungkol sa college life yung pinag-uusapan. Kesyo, mahirap daw magdorm lalo na kapag hindi ka sanay sa gawaing bahay. Hay nako.
“Si Nikki ba, saan ba niya planong magcollege?”
“Sa Ateneo po.”
“Maganda dun ah. Ano bang course mo?”
“PolSci.”
May mga comment pa sila nun tapos sila sila narin yung nag-usap.
Nagpaalam muna ako nun para maglakad lakad ng konti sa labas. Ewan ko, kinailangan ko yata ng fresh air eh.
“Maganda sa Ateneo ah.”
Ugh, bakit ka sumunod? >_<
Humarap ako sa kanya tapos nagsmile ako. Ewan ko ba kung anong hitsura ko nun kasi pinilit ko lang magsmile.
“Oo nga eh.”
“Kamusta na?”
“Eto, okay lang. masaya na.”
“That’s good.”
Natahimik kami pareho nun. Ewan ko ba, para bang kahit walang nagsasalita eh nagkakaintindihan kami. Ang gulo no?
“Kami na ni Kyle.”
“Uu nga.”
Alam niya?? Bakit??
“Paano mo alam?”
“Friendster.”
Natawa naman ako nun. Ako ilang na ilang akong tignan yung profile niya tapos siya napakadali lang para sa kanya. Malamang, wala naman siyang “thing” para sa akin nun eh so bakit siya maiilang diba?
“Stalker ka ah.”
BINABASA MO ANG
Be Your Girl
Teen FictionJulia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo...