(Third Person's POV)
"Sige po Mam, sasabihin ko nalang sakanila. Bye Mam" paalam ni Sir Aron kay Mam Rea, ang adviser ng 4-A. Habang naglalakad si Sir Aron ay naririnig niya ang sigawan ng mga estudyante mula sa labas ng SciLab kaya agad siyang napatakbo papunta roon.
"Teka, anong nangyayare?!" tanong agad nito nang makita niya ang mga estudyante niya, agad itong kinabahan sa nakikita sa loob ng SciLab.
"Kuya! Si Eric! Si Eric tulungan mo siya Kuya!" pagmamakaawa ni Allison sakanya habang umiiyak, bigla namang kinabahan si Sir Aron kaya agad itong napatakbo sa loob. Nagtakip siya ng ilong saka hinanap si Eric, nakita niya naman ito na nakahandusay sa sahig habang sumisigaw sa sakit. Kaagad niya naman itong hinila palabas ng SciLab, nang sinubukan niya itong kausapin ay hindi na ito humihinga."Class, huminahon muna kayo" kalma ngunit kabadong sabi ni Sir Aron sa kanyang mga estudyante.
"Sir buhay pa po ba si Eric?" kabadong tanong ni David, alalang alala ito sa kalagayan ng kaibigan.
"P-patay na siya. Wala na si E-eric" sabi ni Sir Aron kaya agad na napasigaw si David, hinanap nito sila Arden saka ito sinapak.
"Ikaw!! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si Eric!! Kasalanan mo to!!" halos mangiyak-ngiyak na sigaw ni David habang sinasapak si Arden, pinigilan naman sila ni Sir Aron.
"Manahimik muna kayo! David! Bakit mo sinasaktan si Arden?!" pagalit na tanong ni Sir Aron, nagsilapitan naman ang mga teachers mula sa kanilang mga room.
"Sir anong nangyayare dito?" tanong ng isang teacher mula sa kabilang room.
"Mam may namatay na isang kaklase nila" sabi ni Sir Aron kaya nagulat ang mga teacher.
"What?! Kelangan natin itong ireport sa pulis!" halos mapasigaw ito dahil sa kaba. Napailing na lamang si Sir Aron dahil tumawag na sa pulis ang kapwa guro."David bakit mo sinasaktan si Arden?" tanong ni Sir Aron kay David nang maalala niya ito.
"Sir dahil sakanya at kila Mack kung bakit namatay si Eric! Naghalo halo sila ng mga chemicals doon sa shelf!" galit na sagot ni David, agad naman na napatingin si Sir Aron kay Arden at kay Mack."Kayong dalawa, mag-uusap tayo sa faculty mamaya" sabi nito at agad na tumango ang dalawa, pinaglayo naman ni Sir Aron sila David at Arden. Maya maya pa ay may dumating na mga pulis, kinuha nila ang bangkay ni Eric at dinala ito sa isang hospital upang tignan kung ano ang sanhi ng ikinamatay nito. Pumunta naman sila Arden, Mack, at David sa faculty kasama si Sir Aron.
Samantala, pumunta naman si Zen sa canteen para bumili ng bubble gum na paborito nito. Matapos makabili mg bubble gum ay kinain na niya ito at umupo sa isang upuan sa canteen, mag-isa lamang siyang estudyante sa canteen kaya nakapag-muni muni siya.
(Zen Carol Moreno's POV)
"Psst" lumingon ako sa likuran ko, walang tao. Sino ba yun? Baka naman imahinasyon ko lang? Tsk.
"Psst!" lumingon ulit ako sa likuran ko, p*ta naiinis na ko ha!
"Psst!!" dahil sa bwisit ko, hinampas ko yung lamesa saka tumayo."Kung sino man yung sumisitsit diyan lumabas ka!" inis kong sigaw, nakarinig naman ako ng tawa mula sa pinto ng canteen. Badtrip siya lang pala, leche to.
"Bwisit ka! Tinatakot mo ba ako?!" inis kong tanong sakanya, tumawa lang naman siya tapos tumabi sakin."Ba't nag-iisa ka?" tanong niya, umiling naman ako.
"Wala lang. Nakakainis kasi yung David na yun" nakakap*nyeta lang, badtrip talaga ako sa bwisit na yun.
"Chill lang! Alam mo kung ano magandang gawin?" tanong niya, tinignan ko naman siya ng nakakunot na noo.
"Ano?" tanong ko, ngumisi naman siya saka tumayo.
"Sundan mo ko" sabi niya saka pumunta sa bilihan ng mga candy."Anong bibilhin niyo?" tanong ng tindera.
"Coke po" sabi niya tapos pumunta yung tindera sa isang room na nakalagay sa pinto ay 'Freezer Room'."Psst! Tara dun" sabi niya kaya tinignan ko siya, kumunot naman yung noo ko.
"Saan?" tanong ko tapos hinila niya ako papunta dun sa Freezer Room, nagulat naman yung tindera dahil sa biglaang pagpasok namin."Ay mga bata kayo, labas! Hindi kayo pwedeng pumasok dito!" sigaw ng tindera samin, narinig ko namang biglang sumara yung pinto tapos nawala na siya.
"Sh*t" pumunta ako sa pinto saka sinubukang ipihit yung doorknob kaso ayaw niyang mabukas.
"T*ngina lock!" sigaw ko saka sinipa sipa ko yung pinto, unti unti na akong nilalamig. Nilingon ko yung tindera saka ako nagulat nang may hawak siyang kutsilyo.W-wag niyang sabihing...
"Ang lamig dito ano? Kasing lamig ng impyernong pupuntahan mo pag namatay ka!!" nabigla nalang ako ng isaksak niya yun sa mata ko, agad akong nagsisigaw sa sakit.
"Aaaaahhhhhh!!! Tama na!!! Wag mo kong patayin!!!" sigaw ako ng sigaw habang ginigilitan niya yung leeg ko, napaluha ako dahil sa tingin ko ay karma na ito sa lahat ng mga ginawa kong kasalanan.
(Third Person's POV)
"Patay na ba?" tanong ng estudyante nang binuksan nito ang pinto.
"Oo naman, saan na yung bayad mo?" tanong ng tinderang pumatay kay Zen saka nito nilahad ang kamay upang kunin ang bayad ng estudyante.
"Hindi muna ako magbabayad sayo, saka ako magbabayad pag naluto mo na siya" saka nito tinuro ang malamig na bangkay ni Zen na nakahilata sa loob ng freezer room."Osige, mamaya ang bayad" tumango ang estudyante saka ngumiti, agad itong lumabas ng canteen dahil narinig nitong tumunog ang bell na ang ibig sabihin ay recess na. Samantala, nagsimula nang magluto ang tindera ng pagkain para sa kakainin ng mga estudyante sa recess.
—•—•—
Oh guys ayan na ang update, sorry kung natagalan. Hehe, peace! Lalo na kay ptsai6927 . Eto na po ^_^
- Author

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...