10 - Trip to Forest Camp

49 3 0
                                    

Third Person's POV

"Something's not right here in our school and we have to know it! Ano bang mali kung ayaw niyong mag-imbestiga sa mga nangyayari?!" galit na singhal ng adviser ng Class 4-A na si Mam Bartolomeo sa mga pulis habang nasa presinto ito.
"Hindi naman po sa ganon Mam, kulang po kasi kami sa mga puli--" pinutol ni Mam Bartolomeo ang mga sasabihin ng hepe ng pulisya sa kanilang lugar dahil sa inis.
"Mga walang kwenta! I'll go investigate on our school before it's too late! Hindi ko hahayaang maubos ang mga students ko dahil sa misteryosong killers na yun!" inis nitong sigaw saka tuluyang lumabas ng presinto, paglabas nito ay nakita niya ang ambulansya na papunta sa kanilang school kaya dali dali itong pumunta sa parking lot at sumakay ng kanyang kotse. Matapos nito ay nagmaneho na siya papunta sa school nila para malaman kung bakit may papuntang ambulansya sa kanilang school. Samantala, tinawagan naman ng hepe ang isang misteryosong babae sa telepono.
"How's it? Humindi ka ba?" tanong ng babae mula sa telepono.
"Yes Mam. Ano pa po bang gagawin ko?" tanong ng hepe.
"Wala pa sa ngayon pero bantay bantayan mo lang yang si Rea. Sige na, may aasikasuhin pa ako. Parating na yung ambulance" pagkasabi nito ng misteryosong babae ay agad niyang ibinaba ang telepono at ngumiti ng bahagya. Tumayo ito mula sa kinauupuan niya at lumabas mula sa room at nakiusyoso sa ambulansyang dumating.

***

"Bakit may ambulance?"

"Nakita na ba nila yung katawan ni Mack?"

"Anong ginagawa ng mga yan?"

Samu't saring mga tanong ang binabanggit ng mga estudyante noong nakita nilang may pumasok na ambulansiya sa loob ng kanilang school, nagsilabasan sila g kanilang room para makita ang mga nangyayari. Kasama na rito ang mga estudyante ng 4-A.

"Bakit walang mga pulis?" tanong ni Allison sa katabi niyang si Riley habang nakatingin sa papasok na ambulansya.
"Ewan. Tinamad na ata sila sa kakapunta dito, daming namamatay satin eh" sabi ni Riley habang nakatanaw sa ambulansya.
"Sabagay. Eh diba responsibilidad nila na mag-imbestiga sa mga patayang nagaganap sa school? Or should I say, sa section natin?" tanong ni Allison, napakibit balikat nalang si Riley saka nanood nalang sa ginagawa ng mga nurse.

"Oh? Diba si Mam Principal yun?" tanong ni David saka tinuro ang babaeng nakasakay sa stretcher na naliligo na ng sariling dugo ang katawan.
"Shocks, patay na ata si Mam Principal" gulat na sabi ni Jenny nang makita ang kanilang principal sa stretcher.
"Malamang. Ikaw kaya maligo sa sarili mong dugo tapos buhay pa? Common sense Jenny. Top 1 ka pa naman natin noon" sabi ni Shawn na katabi lang niya, inismidan niya nalang ito at nanatiling nakatanaw sa mga ginagawa ng nurse

"Wala ng pulis na tutulong satin" mahinang sabi ng kaklase nilang si Naira kaya napalingon sila Jay Karl, Kay Kim, at Arden kay Naira na malapit lang sakanila.
"Pano mo naman alam?" tanong ni Arden kay Naira.
"Hindi mo na kelangan pang malaman. Alam mo naman na siguro ang dahilan, diba Arden?" sabi nito saka naglakad papunta sa isang di mataong pwesto saka nanood sa ginagawa ng mga nurse.
"Hindi hihinto ang killer hanggang di niya tayo napapatay. Hindi hihinto ang mga patayan hanggang hindi nauubos ang buong 4-A" bulong nito habang nakatanaw sa ambulansya, narinig ito ni Tamara kaya napalingon siya dito.
"What did you say? Na mamamatay tayong lahat?" tanong nito sa kaklase, tumingin sakanya si Naira kaya agad na kinabahan si Tamara.
"Tama ka. Walang makakaligtas sa atin. Walang makakaligtas sa higanti niya" hindi siya maintindihan ni Tamara dahil sa mga sinabi niya, iniwan niyang nag-iisip ang dalaga na may malakaing tanong sa isip niya. Na kung sino ang naghihiganti sakanila, at kung bakit niya ba talaga ito pinapatay.

Allison Chloe's POV

Tatlong araw na yung lumipas magmula nung nakita yung bangkay ng principal namin sa office niya, lumabas sa autopsy niya na isang suicide ang nangyari. Walang nakakaalam kung bakit niya ginawa yun, wala naman siyang problema sa pamilya niya or what. Basta suicide daw, pero di ako naniniwala.
"Oh ano? Tulala ka parin? Di ka pa makamove on nung nalaman mong nag-suicide si madam principal, get it over na nga! Eto muna alalahanin mo, yung forest camp natin for five days. Exciting to!" saka pinakita ni Riley ang papel na may nakaprint tungkol sa forest camp namin bukas, para daw to sa aming mga 4-A lang dahil sa mga nangyayaring patayan. Pero sa tingin ko, hindi maganda to. Pero sa tingin ko lang ha. I'm not saying na masama, lalo na ngayong pabawas na kami ng pabawas. Hayy.
"Okay. Okay! Basta mamaya dumaan muna tayo sa grocery, magpapasama ako kay kuya para sa mga baon natin" sabi ko kaya napa-yes siya saka ako niyakap, hayy. Kaibigan ko talaga, hehe.

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon