26 - Her Past

12 1 0
                                    

Third Person's View

Walang ibang nagawa si Jay Karl kundi ang umiyak dahil sa sinapit ng kambal.
"Magbabayad ka sakin Desiree!!" alam nitong naipit lang si Allison sa sitwasyon nila, hindi niya rin ito masisisi kung bakit siya ang pinili ng taong minamahal niya.
"Karl I'm sorry" rinig nitong sabi ni Allison, tanggap niyang siya ang pipiliin ni Allison dahil silang dalawa. Ang hindi ikinagagalit niya lang ay ang ginawa ni Desiree, ang pagpatay sa kambal niya.
"Ilabas niyo na yan!" utos ni Desiree sa mga tauhan na kapapasok lang sa loob ng kwartong kinaroroonan nila, sumunod ang dalawa sa mga ito at pumasok sa kinaroroonan ni Allison saka ito inilabas. Tinanggalan na rin ng tali si Jay Karl kaya sumugod ito papunta kay Desiree ngunit agad siyang nakapitan ng dalawa pang lalaki sa kanyang mga braso.
"Mamamatay ka! Mamamatay kang traydor ka!" sigaw nito habang dinuduro ang traydor, tinawanan lamang siya nito.
"Parang hindi mo ata alam ang kasabihang matagal mamatay ang masamang damo" wika nito habang may nakakalokong ngiti sa mukha, galit na galit si Jay Karl sakanya. Nang nakapasok sila Allison sa loob ng kanilang kwarto ay tumakbo si Jay Karl patungo sa kasintahan.
"Allison!!" niyakap niya ito, naluha na lamang si Allison.
"Karl I'm sorry, I'm sorry... patawarin niyo ko" maluha luha nitong sabi, umiling lamang si Jay Karl dahil naiintindihan niya ito.
"No, it's okay. It's okay. Wag kang umiyak, wala kang kasalanan" bulong nito habang hinihimas ang buhok ng kasintahan. Ilang saglit pa ay patakbong pumasok sila Sir Aron, Mam Lucy, Shawn, at Tamara sa loob ng kwarto. Agad na kinabahan si Allison dahil sa ginawa ni Desiree kanina, ang pagsend ng picture nila sa kanyang kuya-kuyahan.
"K-kuya..." tinignan siya nito pero yumuko lamang si Allison dahil kinakabahan siya na baka magalit ang kanyang kuya.
"Allison" nabigla siya nang niyakap siya nito, tuluyang umagos ang kanilang luha.
"Salamat sa Diyos at ligtas ka" bulong ni Sir Aron sa kapatid.
"Kuya... yung picture... g-gusto kong sabihin sayo na--" pinutol na niya ang sasabihin ng kapatid.
"It's okay, wala akong karapatang magalit" wika nito kaya nangiti nalang si Allison at mas hinigpitana ng yakap sa kanyang kuya.

"S-si Jay Kim..." tila ngayon lang nakapagsalita si Tamara nang makita ang kalunos-lunos na sitwasyon ni Jay Kim na ngayon ay patay na, napaupo ito at napaiyak dahil bukod sa PrincessTrio ay kadikit niya rin si Jay Kim noong nabubuhaya ito.
"Dane..." niyakap siya ni Shawn at pinatahan.

"Hayy nako! Puro mga drama! Magsitigil nga kayo!" kaagad na napatingin sila kay Desiree, parehong gulat at pagtataka ang rumehistro sa mukha ng dalawang guro.
"Desiree?" napatingin si Mam Lucy sa hawak nito. Baril.
"Paanong...?" tinawanan siya ng kanyang estudyante, naguguluhan ito.
"Siya ang traydor, ang pumatay sa ibang estudyante ng 4-A" bulong ni Sir Aron kaya nagulat ito.
"Pero... napakabait niya, at tahimik. Hindi ako naniniwala" hindi siya makapaniwala na ang dating tahimik at mabait niyang estudyante ay isa pala sa mga killer.
"Well, good guess Sir Aron" tila natutuwa pa si Desiree nang malaman ng kanilang adviser ang totoo, maya't maya pa ay pumasok sa loob ang kanilang 'boss' na walang iba kundi si...

"Alice"

"Uy nahanap mo na yung libro?" tanong ni Cassandra sa kaibigang si Aron, umiling ito.
"Hindi pa nga eh" napailing ito at naghanap ulit ng libro sa mga bookshelf. Kasalukuyan silang naghahanap ng libro tungkol sa kanilang research, ngunit magkakalahating oras na sila sa loob ng library ay hindi parin nila mahanap hanap ang libro.
"Ito ba ang hinahanap niyo?" kaagad silang napalingon sa bagong dating na si Alice.
"Ayun! Nako di mo naman sinasabi nasayo pala yan" napakamot ng ulo ang dalaga.
"Pasensya na, hiniram ko kasi kahapon para makapagreview" wika nito nang umupo silang tatlo.
"Oh, bakit? May exam ba tayo?" tanong ni Cassandra kaya umiling si Alice.
"Hindi, magpapalipat na ako ng school. Kelangan ko lang makapasa sa entrance exam para makapasok ako roon" masayang sabi niya pero malungkot naman ang dalawa niyang kaibigan.
"Ehh? Iiwan mo na kami?" malungkot na tanong ni Cassandra saka ngumuso.
"Ganyan ka naman eh, iniiwan mo kami" nagkunyaring umiiyak si Aron kaya nalungkot din si Alice dahil sa reaksyon ng dalawang natatanging kaibigan sa school.
"Sorry na, hindi ko na kasi matiis yung mga tao dito maliban sa inyong dalawa. Pasensya na dahil kelangan kong gawin to" nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay na bumuntong hininga.

Nang matapos ang oras ng klase ay mag-isang umuwi si Alice, ayaw niyang gambalahin ang dalawang kaibigan dahil gumagawa sila ng Research. Habang naglalakad ay nararamdaman niyang may sumusunod sa kanya, ngunit huli na nang makatakbo siya dahil nakuha siya ng mga ito at itinago sa isang lumang bahay. Iginapos ang kanyang mga kamay at paa, binusalan ang bibig upang hindi makagawa ng ingay.
"Anong gagawin natin diyan pre?" tanong ng isa sa mga dumukot sakanya, nagulat siya dahil boses iyon ng isa sa mga kaklase niya.
"Wag muna natin siyang patayin, mas maganda kung gahasain natin siya" suwestiyon ng isa kaya nabalot ng takot si Alice, sumigaw siya ng sumigaw ngunit walang makarinig sakanya. Lumapit ang isa sa apat na lalaki at tinanggal ang panyo sa bibig niya, bago pa man makapagsalita ay minolestiya siya ng apat. Tanging iyak at pagmamakaawa lamang ang nagawa niya, pakiramdam niya ay napakadumi niya. Hindi niya alam ang gagawin matapos siyang gawan ng masama, nang magkaroon ng tyempo ay tumakas siya. Hindi na rin siya nahuli ng apat na kaklase niya, hindi na rin siya pumasok nung kinabukasan dahil natakot na siyang baka maulit ulit iyon.

Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan na hindi na siya pumapasok kung kaya't todo ang pag-aalala sakanya nila Aron. Nang araw din na iyon na pagbisita nila sa bahay ng kaibigan ay nalaman nilang ginahasa ito at nabuntis ngunit hindi nila alam na kaklase nila ang may gawa.

Tinulungan siya nila Aron at Cassandra sa kanyang pagbubuntis, hanggang sa ilang linggo na lang bago siya manganak ay nangyari ang hindi inaasahan.
"Papatayin kita! Nang dahil sayo nalaman nila na ginahasa at nabuntis ako! Traydor ka! Traydor!" paulit ulit na sinaksak ni Alice ang kaibigang si Cassandra, tila nablangko ang isip niya dahil sa pagkalat ng balitang ginahasa at buntis siya. Hindi niya ininda ang mga iyak at palahaw ng kaibigan, ang gusto lang niya ay mamatay ang inakala niyang traydor.

Nabalitaan ang tungkol sa pagkamatay ni Cassandra, nalaman nilang may pumatay dito. Agad na napagbintangan si Alice kung kaya't nang matapos niyang manganak ay pinapunta nila ito sa kanilang paaralan at doon pinahirapan.
"Alice!!" walang ibang nagawa si Aron kundi ang panooring naghihirap ang kaibigan. Nang makahanap siya ng daan ay tumakbo siya patungo sa kaibigan at agad na kinuha ang sanggol, masakit man ay kinailangan niya itong gawin upang mailigtas sa bingit ng kamatayan ang nag-iisang alaala ng kaibigan.

"Oo... ako nga... Aron"

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon