Third Person's POV
Nang makarating sa Police Station ang dalawang guro ay pinapasok sila sa isang kwarto na kulay puti, tanging tatlong upuan at isang mahabang lamesa lamang ang laman nito. Ang upuan naman sa harap ng mahabang lamesa ay okupado ng isang babaeng may mahabang buhok, nakatalikod ito sa dalawang guro.
"Magandang umaga po" bati ng dalawang guro sa babae ngunit hindi ito lumilingon sakanila. Maya't maya pa ay may pumasok na dalawang pulis at tinakpan ang ilong at bibig ng dalawang guro gamit ang panyo na may halong kemikal, ilang segundo pa ay sabay na nawalan ng malay ang dalawa.
"Hay nako mga kawawang teachers. Hindi man lang nakaramdam. Tsk" ngumisi ang babae habang dinadala ang dalawang guro sa magkaibang kwarto.
"Maghanda na kayo 4-A, the show must begin soon" saka tumawa ng mala-demonyo ang babae dahil sa maitim na balak.Sa kabilang banda naman ay nagsasayahan ang mga natirang 4-A dahil sa kanilang activity. Matagal silang naglaro ng kung ano ano, inabot sila hanggang hapon at wala man lang ni isa ang nakapansin sa nangyayari sa kanilang mga guro.
"Ehem. Good morning students and teachers of 4-A! Gusto niyo ba ng laro?" isang boses ng babae ang narinig nila sa mga speaker na nakakabit sa mga puno, nahinto ang iba sa mga ginagawa nila.
"Huh? Sino yun?" pagtataka ni Riley habang busy sa pagsusulat ng kwento sakanyang cellphone.
"Hindi kaya si Mam Bartolomeo yun?" tanong ni Tamara habang inaayos ang mga gamit nila sa kanilang tent.
"Parang hindi naman siya yun, kilala ko yung boses ni Mam" sagot naman ni Allison kaya nagtaka sila.
"Kung hindi si Mam yun, eh sino?" tanong ni Shawn na siyang ikinalito ng lahat.
"Maaaring siya ang killer at may papatayin nanaman siya satin" misteryosong sagot ni Naira kaya napalingon sakanya ang mga kaklase niya.
"What?! May matetegi nanaman ba satin?! Akala ko ba end na?!" pag-aalalang tanong ni Percival kaya binalot nanaman ng takot ang mga estudyante."Anong nangyayari?! Bakit parang takot na takot kayo?!" pag-aalala ni Sir Aron nang makitang umiiyak ang iba sa kanilang estudyante. Bago pa man makasagot ang isa sakanila ay nakarinig sila ng tunog na para bang walang signal ang isang radyo.
"Ano yun?" tinuro ni Mam Lucy ang isang malaking karton na nasa likod ng isang puno, pumunta dito ang kambal na sila Jay Kim at Jay Karl upang tignan kung ano ang laman nito."TV?" takang tanong ni Jay Karl saka binuksan ito, nagimbal silang dalawa nang makita ang gurong si Sir Joseph na puro sugat ang katawan. Agad na nagsilapitan ang kanilang mga kaklase at guro sakanila at laking gulat nila nang makita ang guro.
"Oh my gosh, diba si Sir Joseph yan?!?" takot na takot na tinuro ni Percival ang kanilang guro na hirap na hirap nang huminga dahil sa tinamong sugat, para bang pinaghahampas ito ng latigo. Ngunit biglang nawala ito at napalitan ng video ni Mam Rea na nakaupo sa isang upuan habang nakatali, kulay pula ang kwarto niya samantalang kulay puti naman ang kay Sir Joseph.
"Pati si Mam Rea!" halos napaiyak ang 4-A dahil sa nangyayari.
"Diyos ko po! Ano bang nangyayare satin?!" paluhang tanong ni Mam Lucy habang pinapanood ang mga kapwa guro.
"Nasan ba sila?! Diba nagpunta sila sa police station?!" galit na tanong ni Sir Aron, wala silang nagawa hanggang sa marinig ang boses ng babae mula sa speaker."Ngayon ay nakikita niyo ang dalawang teacher sa screen, eto na ang game natin. Simple lang naman ang gagawin niyo, kelangan niyo lang sagutin lahat ng tanong ko. Isang mali, dadagdagan ko ang pagpapahirap sa dalawang yan. Ilalatigo si Joseph at tataasan ang temperatura sa kwarto ni Rea. Ready na ba?" nagmistulang bata ang mga tawa ng babaeng nagsasalita kaya naluha ang mga estudyante at guro ng 4-A dahil sa kundisyon ng babae.
"Question number one, sino sa mga kaklase niyo ang pumatay kay Angeline?" tanong ng babae kaya naguluhan ang mga estudyante.
"W-what? K-kaklase namin y-yung p-pumatay sa k-kaibigan ko?" naguguluhang tanong ni Tamara kaya tumawa ang babae.
"Hahaha! Yes, Tamara dear. Kaya sagot! Isang mali niyo lang, papahirapan ko sila Joseph at Rea" sabi niya kaya naluha si Tamara.
"Is it..." nag-aalangang sabihin ni Tamara ang pangalan ng kaklase niya.
"Sino sa tingin mo Tamara?" tanong pa ng babae kaya napayuko ito.
"I-is it... D-david?" pagkasagot niya nito ay tumawa ang babae.
"Hahahahaha! Wrong answer! Si Geisha ang pumatay sa kaibigan mo! Kaya naman dadagdagan natin ang pagpapahirap sa teachers niyo" kahit gulat sa narinig ay pinanood ng mga estudyante kung pano maghirap ang kanilang teachers. Tatlong beses nilatigo si Sir Joseph habang kitang kita naman sa mukha ni Mam Rea ang matinding init na bumabalot sa kwartong kinaroroonan niya.
"Please itigil mo na to kung sino ka man!" iyak na pagmamakaawa ni Mam Lucy habang pilit na hindi panoorin ang nagaganap sa kapwa guro.
"Nope! Question number two, sino ang panglimang namatay sainyo? You only have five seconds to answer" pagkasabi pa lang ng babae ay agad na nataranta ang mga estudyante.
"U-una si Angeline, then si Eric... ugh... then si Zen... fourth... Lana... fifth..." dahil sa tensyon ay hindi na naisip ni Allison ang kasunod dahil nalilito na siya sa pagkakasunod sunod ng pagkamatay.
"Si Br--" naputol ang pagsasalita ni Jay Karl nang nagsalita ang babae.
"Oops! Times up! Wala kayong nasagot kaya face the consequences" nilatigo nanaman ng tatlong beses si Sir Joseph at ligong ligo na sa pawis si Mam Rea dahil sa sobrang init.
"Third question, alam mo ang sagot dito Aron" agad na nagsitinginan ang mga estudyante pati na si Mam Lucy kay Sir Aron, nagtaka naman ito.
"Sinong pumatay sa anak ko?" kahit kalmado ay magkahalong galit at lungkot ang boses ng babae, nagulat naman si Sir Aron dahil sa tinanong nito.
"K-kuya, anong ibig s-sabihin nun?" tanong ng kapatid ni Aron na si Allison, tinignan naman siya nito.
"H-hindi ko alam" ito lang ang tanging nasagot ng guro.
"Sinungaling!! At dahil diyan papatayin ko na sila Joseph at Rea!!" galit na sigaw ng babae, napatingin ang mga estudyante sa screen. Nagulat na lamang sila ng walang awang binugbog ang nanghihinang si Sir Joseph habang si Mam Rea naman ay halos masunog ang balat. Tanging sigaw at panaghoy ang nagawa ng mga estudyante at guro ng 4-A, nanghina si Mam Lucy at maya maya pa ay nawalan ito ng malay. Binuhat naman ito ni Sir Aron at agad dinala sa clinic. Samantala, ang babae naman ay galit na galit na sinira ang mga gamit na mahawakan niya.
"Ipaghihiganti ko ang anak ko!!" buong lakas niyang binasag ang screen ng TV."Mamamatay kayong lahat... mamamatay kayong lahat!! 4-A, magdurusa kayo!!"
=====
Okay! So hello, ano na bang nangyare dito? Hahaha. Di bale malapit nang matapos, ilang estudyante pa ang mamamatay.

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Misteri / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...