11 - Forest Camp

17 1 0
                                    

Killer's POV

Lumabas ako sa convinience store habang may dala dalang C2, ngumisi ako nang makita ko ang mga kaklase kong nagkakaguluhan sa tapat ng CR. Hah! Ang galing ko talaga! Wala ni isa sakanila ang nakaalam na ako ang may gawa nun, hahaha!

Pero syempre bago ako magsaya, kelangan ko muna makisawsaw sakanila at makipagplastikan. Kaya eto ako, nakikigulo na sakanila.

"Anong nangyare sakanya?" tanong ko muna habang nakikisilip sa krimen na sarili ko ang may gawa.
"I dunno. Basta nakita namin siya diyan, kalurkey" tss, malandi talaga tong baklang to. Wag kang mag-alala, mamamatay ka na. Hindi pa sa ngayon dahil baka may kwenta ka pa, at kung wala na...itutuluyan na kitang bakla ka.

Third Person's POV

Nang dumating ang mga pulis sa convinience store ay nakiusap si Mam Bartolomeo na tawagan nalang siya pag natapos na ang pag-iimbestiga sa nangyari, matapos nito ay sumakay na ang mga eatudyante sa loob ng bus ta pinagpatuloy ang kanilang paglalakbay sa Forest Camp.

"Guys, everyone, wag na kayong malungkot. Kakayanin natin to, walang bibitiw ha? Sure akong makakaabot tayo sa graduation, at kung sino man sa inyo ang killer or killers, please maawa ka sa mga kaklase mo pati narin sa aming mga teachers mo. Itigil mo na to at hayaan mo nalang kami" sabi ni Mam Bartolomeo habang nakaharap sa mga malulungkot na mukha ng mga estudyante.
"Oo nga! Yung killer na yan kasi eh, di pa mapunta sa impyerno" pagsang-ayon ni David na ginatungan naman ng kaibigang si Niro.
"Nako tol baka mapunta ka sa impyerno, tsk tsk" pailing iling pa ito kaya nagsitawanan ang mga kaklase nila.
"Baka ikaw. Ikaw ata killer eh, tapon ka na kaya sa bintana?" pagbibiro ni David sa kaibigan.
"Kung ako ang killer edi sana noon palang eh pinatay ko na kayong lahat, tapos ikaw itotorture ko" seryosong sabi ni Niro kaya napatawa nalang si David.
"Edi wow tol! Pero seryoso guys, at lalong lalo na yang killer na yan. Kung sino ka man, tigil tigilan mo na yang pagpatay mo. Tandaan mo, mabilis ang karma. Sige ka" sabi niya na sinang-ayunan naman ng mga kaklase niya, matapos nito ay tahimik na ulit na bumyahe ang kanilang bus hanggang sa huminto ito sa parking lot ng Forest Camp.

"Mam nandito na po tayo" sabi ng driver ng bus kay Mam Cordova kaya agad itong pumito sa whistle niya na siyang ikinagising ng mga estudyante.
"Nandito na tayo! Magsigising na! Ayusin niyo na yung mga gamit niyo!" panggigising niya sa mga estudyante at kapwa guro sa loob ng bus, agad naman na nagsigisingan ang mga estudyante at mga guro saka inayos ang kanilang mga gamit. Nang makababa sila ay pumunta sila sa main hall dala ang kanilang mga gamit.

"Kayo po ba yung section 4-A ng Saint Monique High School?" tanong ng isa sa mga staff ng Forest Camp nang makarating sila sa main hall.
"Yes po" sagot naman ni sir Aron, binilang naman ng staff ang mga estudyante at napansin na kulang ang mga ito.
"Base po sa list na binigay niyo samin last time, 13 po ang bilang ng mga students pero may kulang po kayong apat" sabi ng staff kaya nagtaka ang mga estudyante at guro dahil siyam na nga lang ang mga estudyante na nasa main hall.
"Sino sino yung mga kulang?" tanong ni Sir Joseph.
"Sila David, Niro, Arden, at Desiree po sir" sabi ni Jay Karl kaya naman sinubukang tawagan ni Tamara ang cellphone number ni Arden ngunit ring lang ito ng ring.
"Walang sumasagot sa number ni Arden" sabi nito kaya sinubukan namang tawagan ni Shawn ang number ni David, agad namang may sumagot dito.
"Hey David, nasan ba kayo? Kasama mo ba si Niro at Arden?" tanong ni Shawn sa kaklase.
("Si Niro lang kasama ko, nag-cr lang kami. Bakit?") tanong ni David mula sa kabilang linya.
"Wala. Pag nakita niyo si Desiree or Arden tawagan niyo nalang kami ha?" sabi ni Shawn saka ibinaba ang telepono, makalipas ang ilang minuto ay bumalik na sila David at Niro kasama si Desiree.
"Bakit ang tagal niyo? Kanina pa namin kayo hinahanap" iritadong sabi ni Tamara sa kadarating na David, Niro, at Desiree.
"Nagpatulong lang ako sakanila sa pagbubuhat ng gamit ko, sorry" paumanhin ni Desiree saka ito yumuko, napailing nalang si Tamara at nilingon ang dalawang lalaki.
"Eh kayo?" tanong ni Tamara.
"Nag-CR kami pagkatapos naming tulungan si Desiree, syempre andami kong nainom na C2 no" medyo pabirong sabi ni David kaya naman napa-irap nalang si Tamara saka sila naghintay ulit kay Arden pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin ito dumadating kaya naman sinimulan ng kabahan ang mga estudyante at guro kay Arden.

Arden's POV

Napamulat ako ng mga mata ko matapos kong maramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sakin.
"Argh! Ano ba?! Leche naman oh!" inis kong sigaw saka ko sinubukan sumipa kaso naramdaman kong nakatali yung mga paa at kamay ko sa isang kahoy na upuan. Sh*t, mukhang ako na yung susunod.
"Good morning Arden! Napaganda ata yung tulog mo ah?" tanong ng isang boses mula sa likuran ko kaya sinubukan kong lingunin yun kaso madilim doon kaya wala din akong nakita.
"Ano bang problema mo sakin?! Bakit ako nakatali?!" inis kong sigaw habang pilit na kumakawala sa tali kaso masyadong mahigpit yun.
"T*nga. Diba isa ka sa mga killer? At mga kaklase mo na mismo ang nagsabi, mapunta ka na sa impyerno!" pagkasabi niya nun ay hinagisan niya ako ng tubig, pero hindi siya tubig kundi gas.
"Wag! Wag mo muna akong patayin!" pagmamakaawa ko habang nakikita kong nagsisindi siya ng apoy sa lighter na hawak hawak niya, nakikita ko ang mala-demonyo niyang ngiti mula sa liwanag ng apoy.
"Sus, yung mga pinatay mo nga nung nagmamakaawa sila di ka tumigil. Heh. Kagaya mo lang sila Mack at Geisha, mga t*nga at uto uto. Bakit? Porket ba nakisali kayo sa akin sa paghihiganti ko sa klase niyo ay hindi na kayo damay? Ha! Loko loko, kayong buong klase nga eh diba? Hahaha!" b*llsh*t ka. Sabi na nga ba eh, hindi niya gagawin yung deal na sinabi niya noong pasukan palang. Sabi niya hindi niya kami idadamay basta papatayin namin yung mga kaklase namin, isa siyang traydor!

"Magmakaawa ka man o hindi, papatayin kita. At sa gusto mo man o hindi, mamamatay ka gaya ng mga kaklase mo!" pagkasigaw niya nun kay ibinato niya sa akin ang lighter na merong apoy saka ito tumama sa akin at bigla akong nagliyab dahil sa gas, nagsisigaw ako sa hapdi ng mga paso na natamo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung hahayaan ko nalang ba ang sarili ko na masunog o magpumilit na kumawala.
"Hanggang sa muli, magsama sama na sana kayong magkakaklase sa impyerno! Hahahaha!" iyan ang mga huling narinig ko bago ako mawalan ng hininga at malay, ayan na. Wala na ako, sana makaligtas yung mga natitira kong mga kaklase.

=====

Guys! Sorry kung super tagal ng mga updates! Di bale, 11 nalang ang mga students at 4 parin ang mga teachers. And still, may dalawa pang killers. Kayo na bahala umalam kung sino ba yung dalawang yun, at salamat na rin sa mga sumusuporta sa story kong ito lalong lalo na sa mga kaibigan kong laging nanghihingi ng update. Haha! At saka sana basahin niyo din yung isa kong story na Four Inlove. Ine-edit ko palang yun pero completed na, aayusin ko yun at still, stuck ako sa chapter 10. HAHAHA! Okay, support din sa iba kong mga stories. And keep on voting po dahil pang-845 na siya sa genre na Mystery/Thriller. Alam kong malayo pa sa 100 pero sana ma-reach natin yung kahit hanggang 100 lang. Again, maraming salamat sa lahat! Love you guys!

- Author

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon