Epilogue

15 2 0
                                    

"Happy birthday to you!" napangiti ako sa sorpresa ng mga kaibigan ko.
"Make a wish! Daliiii!" mukhang sila pa ang excited na magwish ako eh, lalo na si Shawn na may bitbit na video cam.
"Uy wag niyo naman akong ivideo oh" hanggang ngayon kasi nahihiya parin ako... hanggang ngayon.
"Ano ka ba! Maganda ka naman eh, go na!" pagpipilit ni Tamara kaya wala akong nagawa kundi ang pumikit at humiling.

'Sana masaya na sila sa heaven'

Binukas ko ang mga mata ko at hinipan ang kandila, para silang mga bata nung matapos kong hipan yung kandila. 17 na pala ako. Dalawang taon na ang lumipas simula nang mangyari iyon. At dalawang taon na ang lumipas ay sariwa parin sa alaala ko ang lahat ng nangyari noong araw na yon. Ang araw na malaman ko kung sino ba talaga ako at kung sino ang mama ko.

"Patawarin mo ko sa lahat ng kasalanang nagawa ko... pero ito lang ang gusto kong malaman mo...

Mahal kita"

*bang*

"MAMA!!" agad kong sinalo ang mama ko, binaril niya yung sarili niya ng hindi ko nahahalata.
"P-patawarin m-mo ako... m-mahal na m-mahal kita" ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko, huli na para makawakan ko yon dahil tuluyan na siyang namatay. Namatay na siya nang hindi ko man lang nasasabing mahal ko rin siya sa kabila ng lahat ng nagawa niya.
"Mama... mahal na mahal na mahal din kita" bulong ko saka tuluyan akong nawalan ng malay.

"Naaalala mo parin ba yun?" rinig kong tanong ni Naira kaya agad akong napapunas sa mga luha ko. Tumango ako at ngumiti ng mapait.
"Ang sakit... kasi hindi ko man lang nasabing mahal ko rin siya" kahit na napakasama niya sa mata ng ibang tao, hindi magbabago ang katotohanang siya ang mama ko.
"Wag ka nang umiyak Allison, malamang nag-aalala ang mama mo sayo. Sige ka" pagbabanta ni Tamara kaya natawa ako, pinatawad na rin nila si mama sa lahat ng nagawa niya. Walang may gusto ng nangyari, pare-parehas lang kaming nawalan.
"Nasaan nanaman ba kasi si Karl? G*go talaga yun" sabi ni Shawn habang tinatabi ang video cam sa lagayan nito na nakasakbit lang din sakanya, tinignan ko siya. Okay na yung kamay niya, natahi na at naghilom na. May artificial hands naman siya pero hindi niya ginagamit, mas feel niya daw pag wala yung kanang kamay niya kasi naaalala niya raw yung sacrifice niya para kay Tamara.
"Sinong g*go pinagsasabi mo diyan?" agad kaming napalingon sa pinto kung saan naroon si Karl, natawa ako sa kanilang dalawa. Si Karl napatawad niya na rin ako dahil sa pagkamatay ng kambal niya although hindi naman daw ako ang sinisisi niya, nakamove on na siya pero sa alam ko namang hinding hindi niya makakalimutan si Kim.
"Wag na nga kayo mag-away! Tara na at kumain, kanina pa ako nagugutom" sabi ko saka naglakad papunta sa kusina, pero napahinto ako nang naramdaman kong hindi nila ako sinusundan.
"Oh? Bakit nakatingin kayo sakin?" tanong ko kaya tinignan nila si Karl. Maya maya pa ay dumating si kuya na may dalang... bouquet?!

"I wanna make you smile whenever you're sad. Carry you around when you're arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you" kumanta si Shawn habang naggigitara si Mam Lucy... or should I say na Ate Lucy.
"I'll get you medicine when your tummy aches. Build you a fire when your furnace breaks. It could be so nice growing old with you" si Tamara at Naira ang kumanta nito, hindi ko alam na maganda din pala ang boses ni Naira. Hindi kasi halata.
"I'll miss you, I'll kiss you. Give you my coat when you are cold. Need you, feed you. Even let you hold the remote control" si kuya naman ang kumanta sa line na to, binigay niya kay Karl yung bouquet tapos tumingin siya sa mga mata ko.
"Let me do the dishes in our kitchen sink. Put you to bed when you've had too much to drink. Oh, I could be the man who grows old with you..." unti unti siyang lumapit sakin at binigay yung bouquet of flowers.
"I wanna grow old with you" sabay sabay silang kumanta nun kaya napaluha ako, tears of joy siguro.
"Aww, umiiyak nanaman siya" sabi ni Tamara na may halong pang-aasar yung boses, natawa nalang ako at pinunasan yung luha.
"Sorry, natutuwa lang ako" ngumiti sila tapos niyakap ako, bale group hug kami.
"O siya kainan na" pag-aaya ni Shawn pero binatukan lang siya ni Tamara.
"Saglit lang hindi pa tapos!" napakunot ano ng noo, hindi pa tapos? Ang alin?

"Allison... will you marry me?"


Napatulala ako kay Karl na ngayon ay nakaluhod at may hawak na singsing, napatingin ako kay kuya. Ngumiti lang siya at inakbayan si Ate Lucy.
"K-karl..." hindi ba't ang bata pa namin para magpropose siya? 17 palang ako, 18 siya... pero...
"Yes" ngumiti siya saka sinuot sa ring finger ko ang singsing saka ako niyakap ng mahigpit.
"I love you" rinig kong bulong niya kaya napangiti ako.
"I love you more" bulong ko rin kaya naghiyawan sila Tamara at Shawn.
"Yieeee! Kiss naman diyan oh!" sigaw ni Shawn kaya binatukan siya ni Tamara, natawa ako sakanilang dalawa. Kaso nagulat ako nang bigla akong ninakawan ng halik nitong si Karl.
"Yehey!" pare-parehas kaming napalingon sa pinto, doon ay nakita namin si Baby Zian na karga karga ng nanny niya.
"Did he... saw it?" kinakabahang bulong ni Karl kaya siniko ko siya ng mahina.
"Gustong magpalabas mam eh, ang kulit" napakamot nalang ng ulo yung nanny ni Baby Zian, natawa nalang si kuya saka siya binuhat. Well Baby Zian is Kuya Aron and Ate Lucy's son, one year old na siya at marunong nang maglakad at magsalita.
"Tata happy boday!" masaya niyang sabi, kahit na hindi niya mabigkas ay alam kong sinabi niyang happy birthday.
"Ang cute cute niya talaga sir!" sabi ni Tamara sabay pisil sa pisngi ni Baby Zian.
"O tama na pala Tamara, kain na tayo. Nagugutom na talaga ako eh" kasabay nun ay narinig namin ang pagrereklamo ng tyan ni Shawn. Gutom na talaga siya.
"Okay! Okay! Pagbigyan na natin si Patrick kahit hindi siya ang birthday celebrant" inis pero natatawang sabi ni Tamara habang papunta sila sa kusina. Sumunod na rin kami sakanila at nanguha ng pagkain.
"Picture naman tayo" pag-aaya ni Ate Lucy kaya tinabi muna namin yung mga pagkain na kinuha namin saka pumwesto para sa groupfie. Matapos nun ay tuloy kami sa kainan, ngayon ko lang din narealize na nagugutom na rin ako.
"Masaya ka ba?" rinig kong tanong ni Karl kaya tinignan ko siya, tumango ako at ngumiti.
"Pero mas masaya siguro kung nandito yung buong 4-A no? Pati si mama" naiimagine ko kung gano kami kaingay ngayon kung nandito lahat ng 4-A.
"Nako sinabi mo pa, lalo na si Percival. Siya pa magpapasimuno ng mga party so--" napatigil siya sa pagsasalita nang biglang tumugtog ng party song, kinilabutan ako bigla dahil kakasabi niya palang.
"Sorry guys! Tinatry ko lang!" pagpapaumanhin ni Naira kaya nakahinga kami ng maluwag, akala ko minumulto na kami ni Percival. Phew, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa, Perci.
"Oh yeah party party!" sinabayan ni Shawn yung tugtog, habang sayaw siya ng sayaw ay pinagsasabihan siya ni Tamara. Kesyo nakakahiya raw sakanya dahil para siyang baliw na sumasayaw, napailing nalang ako at ngumiti.

Hindi man kumpleto ang 4-A ngayon ay masaya ako dahil kasama ko parin ang ilan sa mga mahal ko sa buhay, kahit na wala din si mama alam kong nanonood sila samin mula sa heaven at masaya siya para samin ni Karl.
"Do you want to dance?" rinig kong bulong ni Karl, ngayon ko lang narealize na napalitan na pala ng mellow yung party song. Sumasayaw din sila kuya pati na sila tamara, so ayun nilagay ni Karl yung mga kamay niya sa bewang ko tapos nilagay ko yung mga kamay ko sa balikat niya. Para kaming nasa prom.
"Ayy!! Ano ba naman yan!!" natawa ako sa reaksyon ni Tamara, bigla kasing napalitan yung kanta ng party song ulit.
"Nakakainggit kasi kayo eh!" sigaw ni Naira mula sa salas, nandun kasi yung speaker. Nakaconnect kasi yung cellphone niya doon. Sa huli ay kumain nalang ulit kami ng mga handa, tapos konting games. Game na game nga si Shawn pagdating sa karaoke, ang ganda parin talaga ng boses niya.
"Hawak kamay di kita bibitawan sa paglalakbay, sa mundo ng kawalan" habang kumakanta siya ay comment ng comment si Tamara.
"Hawak kamay eh wala nga yung isang kamay mo" pambabara niya kaya naging katatawanan yung pagkanta niya ng Hawak Kamay.

Hindi ko alam na napapangiti nalang ako, sa kabila ng lahat ng dinanas namin noon, heto patin kami at masaya. Kahit na marami samin ang nawalan, basta tuloy parin sa agos ng buhay. At hangga't nabubuhay kami, hindi mamamatay ang alaala ng mga kaklase at kaibigan namin, isama na natin sila Mam Rea at Sir Joseph... lalo na ang mama ko. Kahit na marami siyang nagawang kasalanan, alam kong nabulag lang siya ng galit. At yung school? Ayun, pinasara na. Nalugi simula nung nalaman yung tungkol sa pambubully at pang-aapi sa mga estudyante, hindi lang pala si mama ang nakaranas ng ganun kundi pati na yung mga tahimik at walang kalaban laban na mga estudyante.

Ang dating 'school of terror' ay wala na, at sana hindi na ito maulit pang muli para wala nang mga damdaming masasaktan.

- END -

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon