(Continuation of David's point of view on chapter 17)
David's POV
*iiiiiiiiing*
Agad akong napatakip ng tenga ko dahil sa narinig ko, tapos biglang nagkaroon ng liwanag kaya nakita ko ng onti yung nasa paligid ko. Kahoy nga na ginawang kahon, pero nasan ako? At bakit may liwanag dito?
"Ehem. Good evening David! Alam mo ba kung anong nangyayari sayo?" rinig kong boses ng babae mula sa uluhan ko kaya sinubukan kong tumingin doon ngunit tanging maliit na camera na may built-in flash at speaker lang ang nandoon.
"Sino ka ba?! At bakit ako nandito?!" inis kong tanong habang pilit na sinisira yung kahoy na nasa paligid ko.
"Hindi ako tanga para sabihin ang pangalan ko, pero gusto ko lang naman sabihin sayo na nakalibing ka ngayon 6 ft. under the ground" pagkasabi niya nun ay nagulat ako, n-nakalibing ako?!
"P*ta! Pakawalan mo ko dito!" sigaw ko habang pilit na inaabot yung camera at speaker sa uluhan ko. Nang maabot ng kamay ko yung camera ay sinubukan kong tanggalin yun pero hindi ko magawa, matindi yung kapit niya pati na ng speaker. Pero may isang bagay na nakaipit doon... parang padlock siya pero nakalock.
"Well hindi mo mabubuksan yan unless makuha mo yung susi na nasa paahan mo" agad akong napatingin sa paahan ko pero sobrang dilim doon at wala akong makita kaya kinapa ko ito gamit yung paa ko, wala kasi akong sapatos. Nang maramdaman ko ito ay pinilit ko itong ipunta sakin pero nahirapan ako dahil sa sobrang sikip ng kinalalagyan ko.
"Meron kang limang minuto para matapos yan, at habang nababawasan ang oras mo ay unti unti kang mawawalan ng hininga hanggang sa mamatay ka. So let the game begin!" dahil sa takot na mamatay ako ay sinubukan kong ituluak papunta sakin yung susi, hirap na hirap akong gumalaw dahil sa sikip at dahil na rin sa kakaunting hangin na nalalanghap ko. Lumipas ang apat na minuto at ramdam konh hinang hina na ako dahil sa pagod at kakulangan ng hangin.
"Oh ano David? Susuko ka na agad? Hindi pa tapos ang time, may 57 seconds ka pa oh" rinig kong sabi ng babae sa speaker kaya pinilit kong abutin yung susi na malapit na sa mga kamay ko, onting hangin nalang at pakiramdam ko babagsak na ako. Pero hindi, kelangan kong makaligtas dito.Nang maramdaman kong nahawakan ko na yung susi ay agad ko itong itinapat sa padlock, pero nahirapan pa akong ilusoy yun dahil sa nanghihina na talaga ako dahil sa kulang na hangin.
"M-makaka... l-ligtas... a-ako... d-dito" tanging bulong na lang ang nasasabi ko at nahihilo na ako, at nang maramdaman kong pumasok yung susi ay agad ko itong pinihit pakanan at kaliwa. Nang mabuksan ito ay agad ko itong tinulak at pakiramdam ko ay may pumasok na onting hangin mula sa butas."Good job David! Pero hindi ko papayagan na mabuhay ka o ni isa sa mga kaklase at teachers mo, kaya bye bye!" hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko, eh pinagloloko ata ako nito eh!!
"P-pakawalan m-mo ko d-dito" hindi ako makasigaw dahil hindi parin sapat yung hangin na nalalanghap ko, hanggang sa maramdaman kong may likidong dumadaloy sa kamay ko galing sa butas. Namatay na din yung ilaw at nang maamoy ko yung likido ay doon ko lang napagtanto na gas pala ito.
"P*tang*na... pakawalan niyo na ako" hindi ako makasigaw dahil hinahabol ko yung hininga ko, idagdag mo pa yung amoy ng gas.Ilang segundo pa ay nagkaroon ng ilaw, pero hindi ilaw na galing sa flash ng camera kundi ilaw na galing sa apoy. S-susunugin ako!
"T-tulong! *cough cough* tulong!" pinilit kong sirain yung kahoy pero hindi ko magawa, sa sobrang tibay nun ay tumigil nalang ako sa ginagawa ko at malugod na tinatanggap ang nalalapit na kamatayan ko.At sa isang iglap, binalot na ako ng apoy. Napakatinding init ang naramdaman ko pero hindi na ako nagsalita, bagkus ay ngumiti ako ng malungkot at naimagine ang mukha ng mga magulang at kaibigan ko.
"Ma, Pa, paalam na sainyo" bulong ko habang tinitiis ang init at paso na natatamo ko.
"Niro, Brian, Eric, eto na... magkikita na tayo" sa huling paghinga ko ay nanatili akong nakangiti, dahil makikita ko na yung mga kaibigan ko at wala na akong sakit na mararamdaman pag wala na ako.Third Person's POV
"Himala at hindi ako nakarinig ng sigaw ngayon, samantalang kanina kung makasigaw siya wagas" wika ng babae habang pinapanood ang mga usok na lumalabas mula sa PVC pipe na nakabaon sa tabi mismo ng kahon na nagsisilbing kabaong ni David.
"Naubusan ata ng hininga boss, antagal niya kasing nandiyan eh" wika ng isa sa mga kasama ng babae kaya ngumisi ito, inilabas naman niya ang cellphone at tinawagan ang kasabwat niyang 4-A."Ano? Nakatulog na ba silang lahat?" tanong nito nang sagutin siya ng kasabwat.
("Yes, pati na yung dalawang teacher. Pwede na kayong pumunta") sagot nito kaya ngumiti ang babaeng may pakana ng lahat.
"Good" pinatay nito ang cellphone at tumingin sa langit, walang mga bituin na makikita at tanging buwan lamang ang nakalitaw.
"This is the real revenge, maghanda na kayo 4-A. Tignan natin kung may matitira pa sa inyo" tumawa ito ng parang bata dahil sa maitim na balak.
"Kaunting panahon nalang, maipaghihiganti na kita... anak" kasabay ng kanyang pagtawa ay ang pagtulo ng kanyang mga luha.=====
Sorry kung maikli =_=
P.S. Nakalimutan ko iupdate. HAHAHA

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Misteri / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...