(Third Person's POV)
Maaga pa lang ay nagsipasukan na ang mga estudyante ng Saint Monique High School. Kasabay ng unang pasok sa paaralan ay ang ika-dalawampu't anim na taon ng paaralang ito.
Habang nag-uusap ang mga estudyante ay mag-isang naglalakad si Desiree Kaye Fabian patungo sa kanyang room nang makabanggaan niya ang PrincessTrio. Sila ang tatlong babaeng mga sikat sa campus at kilalang mga maldita at masusungit.
"Oh my God! So stupid! Napakalawak na nga ng pwedeng daanan, babanggain pa ako? My God, I feel so dirty. Alcohol nga bes" mataray na sabi ni Angeline Mae Agar, ang leader ng grupong PrincessTrio, saka ito binigyan ng alcohol ni Tamara Dane Gevinson. Siya ay kilala sa pagiging War Freak niya at sa pagiging Prankster niya.
"S-sorry, sige aalis nalang ako" wika ni Desiree at akmang aalis na ito ngunit pinigilan siya ni Lana Catherine Vienna, ang tinaguriang Ms. Popular ng campus dahil siya ang laging nananalo sa mga beauty contest na kanyang sinasalihan.
"Teka nga, mukhang di ata tama yang sinabi mo. Hmm, mga bes, what should we do to her?" tanong nito saka ngumiti ng nakakaloko, kinabahan naman ang natatakot na si Desiree.
"Itapon mo sa basurahan, tutal mukha namang basura. Hahaha!" saka sila nagtawanan sa sinabi ni Angeline. Nagmakaawa naman si Desiree dahil sinasabunutan siya at hinihila papunta sa basurahan. Ngunit agad na dumating ang grupong Jacks at agad na pinigilan ang masamang balak ng PrincessTrio."Hey guys! Stop it! Ang dami ng nakatingin sa inyo oh, can't you see?" tanong ni Jay Karl Ramos, ang tinaguriang Mr. Casanova dahil sa dami ng naging girlfriend nito. Kasama naman niya sila Arden Jay Lim, kilala bilang drummer ng kanilang band at kilala rin siya bilang isang Rockstar, at si Mack Homer, guitarist sa kanilang band.
"My God Karl, wag mong sabihin may gusto ka sa basurang 'to?" inis na tanong ni Tamara saka tinuro si Desiree.
"I don't have to answer your question pero guys, itigil niyo na yan. Walang magandang magagawa yan, tara na rin sa room kasi baka ma-late na tayo" wika nito saka binitawan ni Catherine si Desiree, umalis naman na ang PrincessTrio at pumunta sa kanilang room."Ayos ka lang?" tanong ni Karl kay Desiree, tumango na lamang ito saka tumayo at inayos ang mga gamit.
"S-salamat. A-ako nga p-pala si D-desiree" pakilala nito at inilahad ang kamay ngunit nakaalis na pala ang Jacks kaya pumunta na lamang siya sa kaniyang room.Sa kabilang banda naman, kumakain ang grupong SolidGuys sa isang cafeteria habang nagke-kwentuhan.
"Guys alam niyo ba? Nakita ko yung PrincessTrio kanina, mukhang may kaaway nanaman" sabi ni Riley Shania Smith, siya ay isang Writer ng libro at kilala na rin siya ng mga tao sa pagiging singer nito.
"And then? Wala na? Sus. Puro naman kamalditahan yung ginagawa nila" inis na sabi ni Allison Chloe Tan, isa siyang nerd ngunit sabi nila ay isa siyang cute na nerd.
"Yeah, they're so irritating. Duh!" habol pa ni Percival Santiago, siya ay isang bakla at kilalang dancer ng kanilang Dance Troupe.
"Kaya nga" pagsang-ayon ni Shawn Patrick Tyson, Vocalist ng isa pang banda sa kanilang school at tinitilian din ng mga babae."Nako, kung ako sa inyo di ko na sila papakelaman" wika naman ni Jenny Arlene Bastille, ang nakaraang Top 1 ng kanilang room at dating Valedictorian noong elementarya ito.
"Yeah right. Tara na nga sa room guys" wika ni Percival at umalis na ang mga magkakaibigan at pumunta sa kanilang room. Samantala, abala naman sa pagdidikit ng posters si Simon Eric Ty. Ang president ng Journalism sa kanilang school kaya siya ang naatasan na magdikit ng mga poster about sa opening ng kanilang school."Yow Eric! Tama na yan! Tara na sa room!" sigaw ni Jay Kim Ramos, ang Campus Heartthrob at kakambal ni Jay Karl.
"Sige lang! Una na kayo! Tatapusin ko lang to!" sigaw din ni Eric kaya umalis na lamang si Jay Kim at pumunta sa kanilang room.Habang nagdidikit si Eric ng mga posters ay nakasalubong niya ang mysterious girl ng kanilang school na si Naira Colleen Hudson. Nakayuko ito habang naglalakad patungo sa kanilang room.
"Uh Naira, ikaw ba yan?" tanong ni Eric kay Naira at saka ito lumingon sakanya.
"Bakit?" tanong nito kay Eric, umiling lamang ang binata kaya nagpatuloy na sa paglalakad si Naira. Habang naglalakad si Naira ay nakabanggaan niya si Zen Carol Moreno, ang kilalang campus siga or campus boyish dahil kung umasta ito ay parang lalaki."B*llshit. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! B*tch!" inis na sigaw nito kay Naira saka tinutok ang kamao sa mukha ni Naira.
"P-pasensya na" humingi siya ng patawad pero hindi yon tinanggap ni Zen, akmang susuntukin na niya ito ngunit agad namang pumagitna si Geisha Irene Davis. Ang class president ng 4-A.
"Hey guys, stop fighting. Okay? Baka masita kayo ng mga Student Councils diyan, dalian niyo na at pumunta na kayo sa rooms niyo" sabi nito saka pinaalis ang dalawa, nilapitan naman nito si Eric saka tinulungan sa pagkakabit ng mga posters hanggang sa matapos."Salamat nga pala sa tulong, sige punta muna ako sa canteen. Bye!" nagpaalam na si Eric kay Geisha saka ito pumunta sa canteen, dito ay naabutan niyang nagtatawanan ang tatlong kaibigan na sila Brian Antonio, magaling siyang magdrawing kaya kilala siya sa campus, si David Joel Peres, isa siyang class clown dahil sa hilig nitong magpatawa, at si Niro Lee na isang gamer. Binati sila ni Eric kaya naman binati din nila si Eric.
"Computer tayo mamaya Eric" pag-aaya ni Niro kay Eric ngunit umiling ito saka ngumiti.
"Busy eh, pass muna. Next time nalang" sagot nito kaya napailing nalang si Niro.
"Di. Ganyan naman lagi eh" sabi nito saka umiwas ng tingin.
"Sorry naman, busy talaga lalo na at first day ng klase" sabi nito saka bumili ng tubig at biscuit."Ay Eric sabi ni Niro manlibre ka nalang daw" pabiro na sabi ni David kaya hinampas siya ni Niro sa braso.
"Hoy di ako keyboard. Makahampas to, Brian pinturahan mo nga yan si Niro" sabi ni David kay Brian pero ini-snob lang siya nito.
"Edi wow Brian" inis na sabi ni David pero hindi lang siya pinansin ni Brian."Tara na nga sa room at baka ma-late pa tayo. First day pa naman" sabi ni Brian nung umalis na sila ng canteen, naglakad naman na sila papunta sa kanilang room habang nagtatawanan.
—•—•—
Oh guys, vote and comment naman diyan oh. Para ganahan. Jk.
- Author
*edit: Video of characters at the media 😉😄
BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...