Third Person's POV
"Sorry po talaga sir! Hindi talaga namin alam na may nag-serve sainyo ng wine!" paulit ulit na nagpaumanhin ang manager ng camp ngunit hindi ito pinansin ni Sir Aron at hinampas ng malakas ang lamesa ng manager dahil sa galit.
"Hindi madadaan sa sorry ang pagkamatay ng isa kong estudyante at pagkawalan ng malay ng iba ko pang estudyante!" hindi na nakaimik ang manager at tuluyan nang lumabas ang guro, nagbabantay naman sa mga walang malay na estudyante ang gurong si Mam Lucy. Hinihintay niya ang kapwa guro upang malaman kung kagagawan ba talaga ito ng mga staff ng camp. Nang makita ni Mam Lucy si Sir Aron ay agad itong tumayo at linapitan ang kapwa guro.
"Anong sinabi ng manager? Is it planned or no?" tanong nito nang makalapit kay Sir Aron, iling lamang ang sinagot nito sakanya.
"Hindi nila alam na may nagserve satin ng wine, mabuti nalang at hindi tayo uminom" kahit na naiinis ay nag-aalala din siya sa mga estudyante, ilang oras nang walang malay ang mga ito dahil sa drug na inihalo sa grape wine.
"Pero sino naman kaya ang may gawa nun?" tanong ni Mam Lucy kaya naalala ni Sir Aron ang babaeng narinig nila kanina sa speaker.
"Hindi kaya si Alice yun?" bulong niya sa sarili, hindi ito narinig ni Mam Lucy kaya nagtaka ito.
"What? Hindi ko narinig" wika nito kaya bumuntong hininga si Sir Aron.
"Diba nagtanong yung babae kanina sa speaker?" tanong nito kaya tumango si Mam Lucy.
"Kung hindi ako nagkakamali, maaaring siya si Alice" dahil sa sinabi niya ay nagtaka ang kasamang guro.
"Sinong Alice?" tanong nito kaya napatingin si Sir Aron sa nakababatang kapatid.
"She's... Allison's mother"
Nagulat ang guro dahil sa sinabi ng kasama, nagtaka rin ito dahil sa pagkakaalam niya ay magkapatid ang dalawa.
"Hindi ba't magkapatid kayo ni Allison?" tanong nito sa guro.
"Alam kong magulo, pero yung totoo... hindi talaga kami magkapatid" kahit gulat ay hininaan ni Mam Lucy ang kanyang boses upang hindi makabulabog.
"W-what?! Hindi ko maintindihan... bakit?" naguguluhang tanong ni Mam Lucy habang pabalik balik ang tingin sa dalawa.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit 15 years ang tanda ko sakanya?" tanong ni Sir Aron kay Mam Lucy kaya napaisip ito.
"At isa pa, limang taon palang ako nang mamatay ang mga magulang ko kaya dinala ako sa ampunan..." habang kinekwento ito ni Sir Aron ay nakaramdam ng awa sakanya si Mam Lucy, hindi niya alam na ganito pala ang kwento ng pagkabata ng guro.
"At si Alice, naging kaklase ko siya noong fourth year ako..."
"Malas ka! Demonyo! Umalis ka dito sa school kung ayaw mong mamatay!" sigaw ng mga estudyante kay Alice habang naglalakad ito sa hallway, pinilit niyang huwag pakinggan ang mga binabato sakanya ng mga estudyante dahil alam niyang hindi ito totoo. Ngunit hindi na niya mapigilan ang sarili at lumuha na ito, maya maya pa ay dumating na ang dalawa niyang natatanging kaibigan.
"Alice! Wag ka nang makinig sakanila, nandito na kami ni Cassandra" pagpapatahan ng kaibigan niyang si Aron.
"Oo nga, tsaka baka mahuli na tayo sa klase, antagal tagal kasi nito ni Aron" inis na wika ni Cassandra kaya natawa si Alice kahit na umiiyak ito.
"Don't worry, lagi ko kayong poprotektahan kaya wag ka nang matakot" wika ni Aron na siyang nagpakampante kay Alice, sabay sabay silang tatlo na pumunta ng kanilang classroom kahit pinaparinggan sila ng mga guro at estudyante na nadadaanan.
BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...
