23 - Trauma

13 1 0
                                    

Third Person's View

Tinali sila Shawn at Tamara sa magkabilang dulo ng kwarto gamit ang kadena, hindi na sila umalma pa noong dinala sila rito. Si Naira naman ay nanatiling nagtutulug-tulugan, ang akala ng lalaking humuli sakanya ay nakatulog siya dahil sa panyong may halong kemikal ngunit matalino si Naira. Pinigilan niya noon ang kanyang hininga at umaktong nawalan ng malay nang sa gayon ay madali siyang makaisip ng paraan.

Tinanggalan siya ng tali ng nakahuli sakanya, nang tumalikod ito sakanya ay agad niya itong sinugod at binali ang leeg. Madali itong nalagutan ng hininga, kinuha niya ang baril nito at sinira ang TV at mga camera sa bawat sulok ng silid. Soundproof ang kwartong kinaroroonan niya kung kaya't walang nakakaalam na sinira niya ang TV at mga camera sa loob ng kwarto. Kinuha niya pa ang ilang gamit ng lalaking nagdala sakanya sa loob, palabas na sana siya nang nilingon niyang muli ang lalaki saka ngumisi.

Shawn Patrick's POV

Tinignan ko si Dane, nakatulala siya habang nakatingin sa kawalan. Nagagalit ako sa sarili ko kasi hindi ko siya malapitan para i-comfort siya. Gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging okay ang lahat pero hindi ko magawa yun dahil sa lintik na kadenang to.

"Ehem" napatingin ako sa pinanggalingan ng ingay at nakita ko ang pigura ng isang babae sa likod ng salamin, siya siguro ang killer.
"Bago ako magsimula, alam kong naguguluhan kayo kung bakit kayo nakatali diyan sa kadena" tumawa pa ito ng parang baliw, tsk. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot sakanya, hindi ko kasi mawari kung bakit ginagawa niya to. Ang pagpatay sa aming 4-A.
"Well, meron lang naman kayong task sa akin. Kelangan niyong makawala diyan sa loob ng 30 minutes" biglang naging seryoso ang boses niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"G*go ka ba? Pano kami makakawala dito kung wala kaming gamit?" inis kong sabi sakanya, umiling iling siya saka tumawa ulit. Baliw na nga to.
"Simple lang, isa sa inyo ang kelangang putulin ang kamay. Kukunin ng isa sa inyo ang susi sa gitna para mapakawalan ang isa, o diba? Ang dali?" napatingin ako ulit kay Dane, parang wala siyang pake sa mga nangyayare ngayon. Blangko ang ekspresyon niya, hindi ko alam kung nalulungkot ba siya o natutuwa sa mga nangyayari.
"Pano kung hindi namin nagawa?" tanong ko saka muling binalik ang tingin sa babaeng yon na hanggang ngayon ay hindi pinapakita ang mukha.
"Nakadepende sa kaklase niyo ang sagot kung sino ang pipiliin niya sa inyong dalawa kung sino ang makakaligtas" sagot niya kaya niyukom ko ang kamao ko, b*llsh*t! Para saan pa't mabubuhay ang isa samin ni Dane? T*ngina naman oh!
"No more questions? Sige, your time starts... now!" at agad umilaw ang digital clock sa itaas ng salamin.

"Dane! Ako na ang puputol sa kamay ko, ililigtas kita!" sigaw ko, tinignan niya ako saka umiling, maya't maya pa ay may tumulong luha sa mga mata niya.
"Wag na Patrick. Tanggap ko na. Tanggap ko nang mamamatay ako, hintayin nalang natin yung mga kaklase natin na piliin kang mabuhay" napaiyak nalang din ako sa sinabi niya, hindi pwede Dane. Hindi dapat tayo basta susuko nalang, kasi may naghihintay pa sayo... satin. I already had a plan for us, kaya please wag kang susuko.
"Hindi ako susuko Dane, ililigtas kita. Wag kang mag-alala, magiging okay din ang lahat" kasabay nun ay ang biglaan kong paghila sa kanang kamay ko, iyon kasi ang tinali sakin. Napasigaw nalang ako sa sakit, pakiramdam ko mababali ang buto ko sa ginawa ko. Pero kelangan kong indahin yon, para kay Dane puputulin ko ang kamay ko. Ililigtas ko siya.

Ililigtas ko ang taong mahal ko.

Mam Lucy's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko, hindi ko maintindihan ang mga yun pero sumasakit ang ulo ko.
"Ugh..." hinawakan ko ang sentido ko, habang tumatagal ay tumitindi ang sakit ng ulo ko.
"Itigil niyo yan!!" mangiyak ngiyak kong sigaw habang nakatakip ang mga tenga, nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
"Lucy! Mabuti at gising ka na!" rinig kong sabi ni Sir Aron kaya lumingon ako sakanya, agad niya kong nilapitan kaya niyakap ko siya. Iyak ako ng iyak.
"Ayoko na! Itigil niyo na tong ingay na to!" hindi ko mapigilan ang sarili ko, nagkatrauma kasi ako sa maiingay na lugar noong bata pa ako kaya hindi ko mapigilang matakot at maiyak kapag tuluy-tuloy ang ingay.
"Shh, gumagawa na ako ng paraan, wag ka nang umiyak... please" rinig kong bulong ni Sir Aron kaya tumango ako at tinakpan nalang ang tenga, pumunta kami sa kinaroroonan niya kanina. May mga wire at cables kasi doon na nakakonekta sa speakers, kelangan niyang sirain yung mga tamang wire at cables para mahinto yung ingay. Pero hindi ko mapigilan na hindi umiyak, natatakot kasi ako kapag gantong sobrang ingay ang naririnig ko. At naaalala ko yung mga panahon kung bakit ako na-trauma sa mga maiingay na lugar.

Masaya akong naglalaro kasama ang ate ko, nasa parke kami at naghahabulan.
"Lucy habulin mo ko! Ikaw taya!" at kagaya ng sinabi niya, hinabol ko siya. Kung saan saan kami nakapunta, hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili ko sa mataong lugar. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil sa dami ng tao, kanya-kanya sila ng kausap. Napakaingay. Nakakatakot.
"Ate... ate Cecil... natatakot na ako" nagsimula akong umiyak, hindi ko makita ang ate Cecil ko. Nasan na siya?

"Bata okay ka lang?"
"Bakit ka umiiyak?"
"Nasan ang mga magulang mo?"
"Tumahan ka na"

Paulit ulit, parami ng parami ang mga taong nagtatanong sakin. Napatakip ako ng tenga ko.
"Ate!!" tumakbo ako palayo sa mga taong yun pero naririnig ko parin ang mga boses nila, takot na takot ako. Hindi ko namalayang may paparating palang kotse, pumikit ako at hinayaang masagasaan. Pero...
"L-lucy..." nanlaki ang mga mata ko, s-si ate... duguan si Ate... ang ate ko...
"Ate Cecil!!" tumakbo ako papunta sa pwesto niya, puro dugo ang katawan niya.
"L-lucy... h-hindi na k-kaya n-ni a-ate" nanginginig yung boses niya, dumagsa ang mga tao. Nagsimula nanaman ang mga bulungan at ingay, napatakip ako ng tenga ko.
"T-tama na!" natatakot ako sa ingay, tinignan ko ang ate ko. Niligtas niya ako pero mamamatay siya...
"Naku kawawa naman yung bata"
"Tumawag kayo ng ambulansiya"
"Dalhin niyo sa ospital"
"Kawawa naman sila"
Samu't saring ingay ang naririnig ko, hindi man lang nila tinutulungan ang ate ko.

"TAMA NA!!" pagkasigaw ko nun ay biglang natigil ang ingay, niyakap ako ni Sir Aron.
"Okay na, wala na, wag ka ng umiyak, nasira ko na yung speakers" rinig kong sabi niya habang hinahagod ang likod ko, hindi ko alam yung gagawin ko.
"Everything will be fine, stop crying" hinaplos niya yung buhok ko, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Ang ate ko..." hindi ko makakalimutan ang araw na yun, yung araw na niligtas ako ni ate Cecil mula sa kapahamakan.
"Shh, tama na. Ililigtas pa natin yung mga estudyante natin, laksan mo ang loob mo" bulong niya kaya tumango ako, pinilit kong kalimutan ang pangyayaring yon pansamantala at inalala ang mga estudyante ko. Para sa mga estudyante ko, kelangan kong maging matapang. Gagayahin ko ang ate ko, ililigtas ko sila.
"T-tara na" tumango siya saka niya ako tinulungang makatayo, pero paglabas namin ng kwarto ay bumungad samin si...

"Hi Mam and Sir"

Tinutukan niya kami ng baril.

"Desiree"

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon