Third Person's POV
"Ugh... ansakit ng ulo ko" dahan dahang umupo si Jay Karl, pagkabukas ng kanyang mga mata ay nagulat siya sa kanyang nakita.
"W-what the fvck" sinubukan niyang gisingin ang kakambal pati na ang mga kaklase niya.
"Guys gumising kayo" panggigising niya sa mga kaklase ngunit tatlo lamang sakanila ang nagising.
"Anong nangyayari? Bakit tayo nandidito?" pagtataka ni Shawn habang nakatingin sa mga kaklase.
"Hindi ko alam, pero sa tingin ko ang may pakana nito--" bago pa maitulou ni Jay Karl ang sasabihin ay nakarinig sila ng malakas na putok ng baril na malapit lamang sa main hall.
"G-guys... umalis na tayo... I-I'm scared" takot na sabi ni Tamara kaya niyakap siya ni Shawn.
"Pano yung iba nating kaklase? Yung mga teachers natin?" tanong ni Jay Kim kaya napabuntong hininga ang kanyang kakambal.
"Wala na tayong choice kundi ang iwanan muna sila, manghihingi tayo ng tulong sa mga pulis, I'm sure matutulungan nila tayo" wika ni Jay Karl kaya kahit labag sa loob ni Shawn na iwanan ang mga kaibigan ay umalis na silang apat sa main hall.Samantala, pumasok ang tatlong lalaking nakaitim. Isa isa nilang binuhat ang mga estudyante at guro at isinilid sa loob ng container van. Ngunit bago umalis ay tinawagan ng isa sa mga lalaki ang 'boss' nila.
"Boss, ilan na nga ba lahat ng dapat naming kunin?" tanong nito matapos bilangin ang mga nakuhang biktima.
("Nine dapat silang lahat kasama yung isa kong alaga diyan, kokonti nalang sila kaya dapat lahat makuha niyo") wika nito kaya binilang muli ng lalaki ang mga biktima.
"Pero boss lima lang lahat tong nakuha namin, mukhang may apat na nakatakas" napakamot ito ng ulo kaya agad na napasigaw sa galit ang kausap niya.
("Mga p*ta! Hanapin niyo! Walang dapat makaligtas sa section na yan! Argh!") nakarinig ang lalaki ng mga pagbabasag ng gamit kaya natakot ito at agad na isinara ang pinto ng container van, isa sakanila ang nagmaneho paalis habang nagtawag pa siya ng ibang kasama.
"May apat pa tayong hindi nakukuha, halughugin niyo yung buong camp. Sigurado akong hindi pa nakakalayo yung mga yon!" utos nito sa limang kasama kaya agad silang nagkalat sa camp at hinanap ang apat na mga estudyante.Shawn's POV
Napatakip ako ng bibig dahil sa nakakaawang sitwasyon ng manager ng camp, binaril ang ulo nito pati na ang mga staff ng camp.
"Wala talagang awa yung killer! Pati ba naman yung mga inosenteng tao papatayin niya?!" galit at lungkot ang tono ng boses ni Jay Karl habang si Dane naman ay nagsuka sa gilid kaya nilapitan ko siya at hinagod yung likuran niya.
"Hindi ko na kaya yung mga nakikita ko... Patrick ayoko na... gusto ko nang mamatay" mahina man ang pagkakasabi niya ay narinig ko parin yun, umiling ako at niyakap siya.
"No Dane, wag mong sabihin yan. Meron ka pang mga magulang na nagmamahal sayo, mga kaibigan... at ako" napatingin siya sakin dahil sa pagtataka.
"W-what?" naguguluhan niyang tanong kaya hinawakan ko yung pisngi niya, magsasalita palang sana ako nang makita ko ang dalawang lalaking nakaitim na maskara at damit.
"Nandito sila!!" dahil sa gulat at takot ay tumakbo kaming apat palayo, noong una magkakasama pa kaming apat pero nang nasa gubat na kami, saka kami nagkahiwa-hiwalay pero si Tamara hawak hawak ko yung kamay niya.
"Patrick natatakot na ako, ayokong mahabol nila tayo" kahit na gusto kong lingunin si Dane ay hindi ko magagawa dahil kelangan naming makalayo sa mga lalaking nakaitim, dahil may hinala akong kasabwat sila ng babaeng narinig namin kanina sa speaker.
"Wag kang matakot Dane, nandito ako para sayo, hindi kita hahayaang masaktan ng kahit sino pa sakanila" yun nalang ang nasabi ko at sa tingin ko ay napakalma ko ng konti yung sarili niya. Kaya naman ngumiti ako saglit at patuloy kaming tumakbo hanggang sa makakita ako ng bakod na gawa sa malalapad na kahoy, pinauna kong umakyat si Dane.
"Sorry Dane pero kelangan kong iligtas sila Karl, tumakbo ka na at maghanap ng police station. Isumbong mo lahat ng nangyari, and I promise na hindi ako mamamatay" sabi ko habang nakatingin sakanya, nakita kong may mga luhang pumatak sa mga mata niya at umiling siya.
"Hindi ko kayang mag-isa Patrick, sasama nalang ako sayo. Please" umiling ako at unti unting lumakad palayo.
"Mahal kita Dane, kaya please... tumakbo ka na bago ka pa mahuli" ito ang huli kong sinabi sakanya bago tumakbo palayo. Masakit man sa damdamin ay kelangan kong iligtas sila Jay Karl o Jay Kim, at sana magawa ni Dane yung inutos ko. Dahil hindi ako sigurado kung maaabutan niya pa akong buhay."Wag kang matakot Dane, this is for me... and for us"
Jay Karl's POV
"Hindi ka na makakatakas!" nagulat ako nang mahablot ng nanghahabol samin yung jacket ko, napahinto ako kasi binuhat niya ako.
"P*tang*na!! Ibaba mo ko!!" sigaw ko habang sinisipa siya, nang makakita ako ng sanga ng puno na malapit sakin ay binali ko yun at hinampas sa ulo ng lalaking bumubuhat sakin. Nagtagumpay naman ako at dali daling tumakbo palayo, sinubukan kong hanapin yung kakambal ko pero nagkaiba kami ng direksyon nang makapunta kami sa gubat pati na nila Tamara at Shawn.
"Ugh, Lord please wag niyong hahayaang mahuli yung kakambal ko at wala sanang masamang mangyari sa mga kaklase at teachers ko" nagdasal muna ako bago tuluyang tumakbo at hanapin yung mga kasama ko kanina. Sana mahanap ko pa sila at walang masamang nangyari sakanila.Jay Kim's POV
Nagtago ako sa malaking puno ng acacia nang makarinig ako ng isa sa mga lalaking naghahanap samin.
"T*ng*na natatakot na ako, bahala na si boss!! Babalik na ako!!" rinig kong sigaw ng lalaking nakita ko kanina at narinig ko rin yung mga yabag niya paalis, napangisi ako dahil sa pagkaduwag niya.Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at sinigurado munang walang makakita sakin, nang masigurado kong walang ibang tao ay tumakbo na ako at hinanap yung mga kasama ko.
"Ayun!! May isa!!" napalingon ako sa kanan ko dahil doon ko narinig yung boses, naka-itim na maskara din yun kaya dali dali akong tumakbo palayo.
"Hindi ka na makakatakas!!" pagkarinig ko nun ay biglang umalingawngaw ang putok ng baril, masaya akong hindi ako natamaan pero natakot ako dahil may dalawa pang lalaki na malapit sa kinaroroonan ko.
"Fvck" napahinto ako at naghanap ng mapagtataguan, pero huli na para makapagtago dahil naramdaman kong may nagtakip ng panyo sa ilong ko.
"Huli ka bata" ilang segundo pa ay unti unti nang nanlalabo yung mga mata ko at unti unti na rin akong nanghina at bumagsak.

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...