Allison's POV
"Oo... ako nga... Aron" nagulat ako nang sinabi iyon ng tinawag na Alice ni kuya, bakit nila kilala yung isa't isa?
"Long time no see" nakangiti pang bati nung Alice, gusto kong magtanong pero walang lumalabas na salita na bibig ko.
"Hindi ka parin nagbabago hanggang ngayon" sabi niya pa kaya mas lalo akong naguluhan.
"Sinasabi ko na nga ba, ikaw ang pumatay kay Cassandra pati na sa mga estudyante ko sa 4-A" hindi ko alam kung galit o malungkot ang tono ng boses ni kuya, sinong Cassandra? Ang gulo. Wala akong maintindihan.
"Good guess, ang talino mo talaga" parang masaya pa siya na nalaman namin na siya ang pinakamastermind ng mga nangyayare ngayon.
"And you, napakagaling mo talaga, hanga ako sayo" nakangiti niyang sabi kay Desiree saka ni-pat ang balikat, ngumiti naman siya.
"Salamat" hindi ko maiwasang magalit sakanya, hindi man lang ba siya nakokonsensya sa mga pinaggagawa niya samin?
"Since hindi na kita kailangan..." biglang sumeryoso ang boses niya.
"Kelangan mo nang mamatay" nagulat kami sa mga sumunod na nangyari, mabilis na kinuha ni Alice ang baril mula kay Desiree saka niya ito pinaputok sa tiyan niya.
"A-anong..." unti unting napaluhod si Desiree, hindi ako natutuwa dahil sa wakas ay mamamatay na ang traydor pero naaawa ako sakanya sa kabila ng katraydurang ginawa niya sa 4-A.
"Baka nakakalimutan mo, parte ka parin ng 4-A" saka siya binaril sa ulo, napatili ako dahil tumalsik pa ang dugo at piraso ng utak niya samin. Nagsimula kaming magimbal, napakapit ako kay kuya pero pinaghiwalay kami ng mga tauhan ni Alice. Nagsimula nanamang mangatog ang mga tuhod ko at ang pagtulo ng mga luha, hinawakan ako ni Alice sa buhok ko. Dahil sa sakit ay napasigaw ako, para akong sinasabunutan.
"Aaaahhh!!" natatakot ako sa pwede niyang gawin sakin, tinutok niya yung baril sa sentido ko at tumawa.
"Ngayon, pumili ka Aron! Ang buhay ng batang to o ang buhay ng teacher na yan?" tanong niya kay kuya kaya napaluha ako, eto nanaman sa pagpili. Ayoko na... natatakot na ako.
"Allison!" tinignan ko si Karl, malungkot yung mga mata niya. Sunod kong tinignan si Shawn, ngayon ko lang napansin na wala ang kanang kamay niya. Nakayakap siya kay Tamara, tinignan niya ako, parehas ng kay Karl na malungkot. Tinignan ko rin si Tamara, kitang kita kong takot na takot at pagod na pagod na siya. Tapos si Mam Lucy na may nakatutok na baril sa ulo. Huli kong tinignan si kuya, alam kong nag-iisip siya ng paraan kung pano kami makakalabas ng buhay dito.
"Alice... itigil mo yan" mahina pero puno ng galit na utos ni kuya, nakayuko siya at nakayukom ang mga kamay.
"Ano? Pumili ka! Ang kapatid mo o yang teacher na yan?!" sigaw ni Alice sabay hila sa buhok ko, parang mapupunit yung anit ko habang sinasabunutan niya ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak at magdasal, ayoko nang may mamatay pa. Lord... please.
"Sabing itigil mo na yan eh!!" sobrang lakas ng sigaw ni kuya, galit na galit na siya.
"Gusto mo bang mamatay tong kapatid mo!?!" diniin sakin yung baril kaya mas napaiyak ako.
"Kuya!!" natatakot ako, ayokong mamatay at ayoko ring mamatay si Mam Lucy.
"Ano?! Pumili ka!!" sigaw niya, napapikit ako. Please... ayoko na... tumigil na kayo...
"Alice itigil mo na tong kalokohan mo!! Nagsayang ka lang ng buhay ng mga inosenteng tao!!" sigaw ni kuya, tumahimik ang lahat. Naghihintay.
"Inosente?! Bakit?! Kasalanan din naman ng mga magulang at kamag-anak nila kung bakit namatay ang anak ko!! Wala ni isa sakanila ang inosente! Maski ikaw na walang ginawa para tulungan ako!! Wala kang ginawa!!" unti unting binababa ni Alice yung kamay niya.
"Hindi mo alam kung gano kasakit mawalan ng anak, kung pano ka pahirapan ng mga kaeskwela mo, at kung pano ka traydurin ng sarili mong kaibigan!!!" bumalik yung lakas niya at sinabunutan ulit ako, tuluy-tuloy lang yung luha ko dahil sa sakit at takot na baka anytime barilin niya ako.
"Alice nagkakamali ka! Kahit kelan hindi ka namin tinraydor ni Cassandra! Hindi mo alam na pinahirapan din kami para sabihin ang totoo! Sinubukan naming itago... pero pinili ni Cassandra na sabihin ang totoo para mabuhay" unti unti, napapaluhod si kuya. Unti unti, tumulo yung mga luha niya.
"Hindi mo rin alam kung gano kasakit na makita ang kaibigan kong pinapahirapan, ni wala akong magawa para ilayo ka sa kanila! Sobrang sakit kasi akala ko iiwan na ko ng dalawang best friend ko... sobrang sakit kasi hindi mo alam na nag-aalala ako sayo noong mga panahon na pinahirapan ka nila" nanatili siyang nakaluhod, nadoble ata yung iyak ko dahil sa mga sinabi niya. Ngayon ko lang narinig to sakanya, walang sinasabi si kuya sakin tungkol dito.
"A-aron..." nakaramdam ako ng kaunting pag-asa na mawawala ang galit ni Alice, pero...
"Pero ang anak ko!! Pinatay siya ng walang ginagawang masama!! Iyon ang pinakamasakit para sa isang ina!!" bumalik yung galit at matapang na Alice, dumoble yung sakit na nararamdaman ko. Gusto ko nang sumuko.
"Aron sabihin mo na! Sabihin mo na yung totoo! Please!" napatingin kami kay Mam Lucy, anong totoo?
"Lucy..." tinignan ako ni Mam, sabihin niyo... anong totoo?
"Sabihin mo na nang matapos na lahat nang to!!" pagmamakaawa ni Mam, naguguluhan ako.
"Manahimik ka!!" sigaw ni Alice kay Mam kaya napayuko ito at umiyak.
"Aron!" parang nagbabanta yung boses ni Alice, pakiramdam ko ipuputok na niya yung baril. Nadoble ang takot at kabang nararamdaman ko.
"Papatayin ko na to!!" pagbabanta niya kaya napapikit ako at naghihintay na malagutan nang hininga.
"WAG!!! WAG MONG PAPATAYIN ANG ANAK MO!!" natigilan ako sa sinigaw ni kuya, a-anak?
"Alice! Pakiusap, wag mong papatayin si Allison... siya ang anak mo..." maluha luha akong tinignan ni kuya, napailing ako.
"A-anak...?" napalitan ng lungkot ang boses ni Alice, ayoko... ayokong maniwala.
"Kuya... sabihin mo... hindi yun totoo" nagsimula nanaman akong umiyak dahil sa sinabi niya.
"Patawad... pero yun ang totoo... Alice, niligtas ko si Allison mula sa kanila dahil... dahil akala ko mamamatay ka... I'm sorry" napaupo ako, tuluyan nang nanghina yung tuhod ko. Ang totoo kong ina ay walang iba kundi ang taong pumatay sa mga kaklase at kaibigan ko... ang taong kinamumuhian ng 4-A...
"Anak..." lumuhod si Alice para hawakan ako pero lumayo ako sakanya, parang mas lalong sumakit yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko isa na rin akong kriminal.
"H-hindi... hindi ikaw ang mama ko! Hindi!" ayokong maniwala, ayokong maging anak ng killer.
"Anak ko... patawarin mo si mama" tuluyang bumagsak yung mga luha niya, binitawan niya yung baril.
"Ayoko! Ayoko! Hindi ikaw ang mama ko! Hindi mamamatay tao ang mama ko!" gusto kong magwala, gusto kong kalimutan ang sinabi ni kuya pero...
"Patawarin mo ko anak, ang tagal kong naghintay... sobrang sakit... inakala kong wala na ang anak ko... pero patawarin mo si mama, patawarin mo ko" tinignan ko siya, alam kong nagsisisi siya sa mga ginawa niya pero dapat lang. Dahil hindi lang niya pinatay ang mga kaklase ko kundi ang lahat ng ginawa niya para kasuklaman ko siya bilang mama ko.
"Allison..." sinubukan akong lapitan ni kuya pero tinabig ko ang kamay niya, si kuya... gusto kong magalit sakanya dahil sa pagtatago niya ng katotohanan. Gusto kong isumbat sakanya lahat, pero hindi ko magawa... dahil siya ang tumayo bilang magulang ko noong naghahanap ako ng mama at papa... dahil siya ang nagpalaki sakin at nagturo ng mabuting asal... dahil kahit na anak ako ng pumatay sa kaibigan niya, mas pinili niyang alagaan at mahalin ako.
"Kung hindi mo ko kayang patawarin... tatanggapin ko. Wala akong kwentang ina, pasensya na anak... paalam" bago pa man niya iputok ang baril ay kinuha ko yun at niyakap siya ng mahigpit."Mama ko..." hindi ko inisip lahat ng kasalanang ginawa niya sakin... samin.
"Anak!" niyakap niya rin ako ng mahigpit, pakiramdam ko gumaan yung bigat na pasanin ko. Para akong nabunutan ng tinik dahil yakap yakap ko na ang mama ko na matagal ko nang hinahanap.
"I'm sorry... I'm sorry kung hindi kita hinanap... I'm sorry" paulit ulit siyang nagsosorry sakin.
"Patawarin mo ko sa lahat ng kasalanang nagawa ko... pero ito lang ang gusto kong malaman mo...Mahal kita"
*bang*
BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...