Third Person's View
Bakas ang takot sa mukha ni Tamara habang tumitingin sa paligid ng kanilang tinatahak, kada isang kaluskos na maririnig ay humihigpit ang hawak niya kay Naira.
"M-malayo pa ba tayo?" tanong niya sa kasama ngunit hindi siya sinagot, nanahimik na lamang siya at saka tumingin tingin sa paligid.Huminto si Naira kung kaya't naumpog sakanya si Tamara, napatingin ito sa tinitignan ni Naira.
"Hindi ba't sinabi mong hindi tayo pwedeng humingi ng tulong sa mga pulis? Eh bakit nandito tayo ngayon?" galit na may halong pagtataka ang tono ng boses ni Tamara, hinarap siya ni Naira saka ito ngumisi ngunit hindi mo parin malalaman kung masaya ba ito o malungkot, nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha niya.
"May sinabi ba akong hihingi tayo ng tulong sa pulis?" tanong nito kaya napakagat siya ng labi.
"Eh ano pala?" tinignan niyang muli ang prisinto, nasa labas sila ng bakod at sa tingin niya ay nasa likuran sila ng prisinto.
"Nandiyan yung mga kaklase at teachers natin, tutulungan natin silang makaalis" hindi man mahanap ni Tamara ang sinseridad ni Naira ay nagagalak parin ito dahil sa gustong iligtas nila ni Naira ang mga kaklase at guro sa loob ng prisinto, ngunit napahinto siya.
"Pero... paano mo nalaman na nandiyan sila?" pagtataka nito.
"Narinig ko lang" maikling sagot nito saka tumalon sa hanggang bewang na bakod, saka niya lang naalala na may sugat pala siya sa tuhod.
"Pano yan? May sugat ako" tila nawalan siya ng pag-asang mailigtas ang mga kaklase at guro dahil sa iniinsang sugat.
"Kung ganon, maghintay ka nalang dito. Abangan mo yung mga kasama mo kanina, sigurado akong dito rin sila pupunta para humingi ng tulong" pagkatapos nitong magsalita ay tumakbo na ito paalis at iniwan si Tamara, napabuntong hininga na lamang siya at umupo sa tabi ng mga kahoy na nakahambalang. Pagkuwa'y may nakita siyang tumatakbo, kaagad niya itong namukhaan at tinawag.
"Patrick!!" kaagad na napalingon sakanya si Patrick, kumaway ito kaya tumakbo siya patungo rito.
"Dane!" nagyakapan silang dalawa, naluha sa tuwa si Tamara dahil sa wakas ay nakasama niya ulit ang minamahal.
"Nasan sila Jay Karl at Jay Kim? Nakita mo ba sila?" tanong niya kaya tumango ito, ilang segundo pa ay nakita niyang tumatakbo papunta sakanila si Jay Karl. Bakas sa mukha niya ang matinding kalungkutan.
"A-anong nangyare? Bakit hindi mo kasama si Jay Kim?" naguguluhang tanong ni Tamara ngunit iling lamang ang isinagot sakanya ni Jay Karl.
"Nahuli siya ng mga humahabol satin" kasabay nito ang kanyang pag-iyak, ramdam nila Shawn at Tamara ang lungkot ni Jay Karl. Alam nila kung gaano kamahal ni Jay Karl ang kambal kung kaya't ganun nalang ito kalungkot nang magkahiwalay sila.
"Wag kang mag-alala, manghihingi na tayo ng tulong sa mga pulis" pagkasabi ni Shawn nito ay agad na umiling si Tamara.
"Wag! Wag kang hihingi ng tulong sa mga pulis!" sigaw nito kaya napatingin sakanya ang dalawa.
"Bakit? Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ni Shawn.
"Mga kalaban sila, kakampi sila ng killer!" bakas ang galit sa pananalita ni Tamara, ngunit naguguluhan parin ang dalawa.
"Pano mo alam?" tanong ni Jay Karl kaya tinignan siya ni Tamara.
"Sinabi sakin ni Naira, tinulungan niya ko kanina" wika niya kaya nagkatinginan sila Shawn at Jay Karl.
"Buhay pa si Naira?" tanong ni Shawn kaya tumango si Tamara.
"Pumasok siya ngayon sa loob ng prisinto para iligtas ang mga kaklase at teachers natin" tinignan niya ang prisinto, hindi mo aakalaing sa loob nito ay may nagaganap na palang patayan.
"Kung ganon, tara pala at tulungan natin si Naira" tumango sila Shawn at Tamara sa suwestion ni Jay Karl at tahimik na pumasok sa fire exit ng establishimiyento.Lingid sa kaalaman nila na mayroon palang nanonood sakanila, ngumiti ito at agad na ibinalita sa kanyang 'boss'.
"Pumasok na silang tatlo" pagkasabi nito ay agad na ngumiti ang kanyang 'boss', nagagalak ito dahil sa wakas ay kumpleto na rin ang mga natitirang estudyante ng 4-A.
"Humanda na kayo, 4-A. Sisiguraduhin kong mamamatay kayong lahat!" kasunod nito ang mala-demonyong tawa ng 'boss'."Sa wakas, maipaghihiganti na rin kita... anak"
At pumatak ang kanyang mga luha.
Jay Karl's POV
Tahimik kaming naglalakad sa madilim na hallway ng fire exit, tinitignan ko ang loob ng bawat kwartong nadadaanan namin pero wala akong nakikitang mga kaklase o teachers namin. Malamang ay sa tagong kwarto nila sila inilagay.
"T-tulong..." napahinto kami dahil sa boses na yon, parang... boses ng babae.
"T-tulungan niyo ko..." sa boses palang niya, alam kong nahihirapan na siya. At siguradoa kong kaklase din namin yon.
"Hanapin natin siya" bulong ko sa mga kasama ko, sabay silan tumango saka namin binilisan ang paglalakad ng walang ingay. Habang naglalakad ay palakas ng palakas ang tinig na naririnig namin, sigurado akong malapit na siya samin.
"T-tulong! Pakawalan niyo ko rito! Tulong!" napahinto ako nang marinig ko ang boses ng kambal ko, si Jay Kim.
"Teka... boses ba yun ni Jay Kim?" tanong ni Tamara kaya napaatras ako at sinubukang ilapit ang tenga sa kwartong pinaghihinalaan kong kinaroroonan ng kambal ko.
"Tulungan niyo ko! Sh*t!" ito nga! Nandito ang kambal ko!
"Teka! Pano yung isang kaklase natin?" pagpipigil ni Shawn kaya napahinto ako.
"I'm sorry guys, pero kelangan kong tulungan ang kambal ko" pinihit ko ang doorknob at kasabay nun ang isang palakpak, na sinundan pa ng isa at marami pa. Dahan dahan akong napalingon sa likuran at ganun nalang ang pagkabigla ko nang makita ko ang taong hindi ko aakalaing makikita namin.
"Well, well, well. Tignan mo nga naman kung gano ako kaswerte" tumawa siya na parang bata, hindi, para siyang baliw. O baliw na talaga? Kasi ang galing niyang umarte na mabait siya!
"Desiree?!" gulat na tanong ni Tamara, ngumiti siya. Traydor.
"Naira?!" nagulat ako nang nakita ko si Naira na hawak hawak ng isa sa mga humahabol samin kanina, mukhang nawalan ito ng malay.
"Hayop ka! Tinuring ka pa naman naming kaibigan at kaklase! Napakasama mo!" sinugod siya ni Tamara ngunit tinutukan siya ng baril ng isa pang lalaki. Sh*t.
"Oh ano? Lalapit ka?" napaurong si Tamara, hinarangan naman siya ni Shawn.
"Please! Wag niyo siyang papatayin!" pagmamakaawa nito, ngumisi si Desiree kaya agad akong nainis. Naalala ko pa nung niligtas ko siya noong inapi sila ni Tamara, sana hinayaan ko nalang siya! Isa rin pala siya sa mga traydor katulad ni Geisha!
"How pathetic. Itali niyo sila" utos ni Desiree saka agad na kumilos ang tatlo pang lalaki na kasama nila, hindi na ako umalma kasi alam kong makikita ko na ang kambal ko.
"Good, hindi naman pala matitigas ang ulo niyo katulad ni Riley. Napakadaling sumuko, hinayaan nalang ang sariling mamatay" pinakadiinan niya pa yung salitang mamatay, hayop talaga siya! Walang awa! Mamamatay ka rin!Pinasok kami sa loob ng kwarto na binuksan ko, saka ko lang nakita ang kambal kong nakatali ang mga kamay habang nakabitin sa kisame. Agad na nag-init ang ulo ko.
"Mga g*go kayo!! Wag na wag niyong sasaktan ang kambal ko!!" sigaw ko habang pilit na kumakawala, tinawanan lang ako ni Desiree at nilapitan.
"Ang tapang mo huh" hinawakan niya ang pisngi ko, nakipagtitigan ako sakanya. Gusto ko siyang sapakin! Hindi lang sapakin, gusto ko rin siyang patayin! Napakatraydor niya!
"Tignan lang natin kung tatagal pa yang tapang mo" tinalikuran niya ko at saka kinausap yung mga lalaking kasama niya na may hawak kila Shawn, Tamara, at Naira. Lumabas silang tatlo pero bago pa man ako makatakbo ay may nanghampas sa ulo ko kaya biglang dumilim ang paningin ko saka ako bumagsak. Ang huli ko lang narinig ay sigaw ng dalawang mahal ko sa buhay.
BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...