Third Person's POV
Naamoy ng mga estudyante ang usok na nanggagaling sa kagubatan kaya naman tinawag nila ang kanilang guro pati narin ang staff ng camp na kanilang pagtutuluyan.
"Kuya parang may naaamoy kaming nasusunog, nagsisiga po ba kayo?" tanong ni Jay Kim sa staff ng camp.
"Ha? Wala pong nagsisiga samin lalo na ngayong may mga campers kami, at tuwing lunes lang po kami nagsisiga" paliwanag ng staff kaya nagtaka sila.
"Eh bakit po parang may nagsisiga? Tsaka parang amoy na sinusunog na kambing" sabi naman ni Shawn kaya naman tinawagan ng staff ang isa sa kanilang caretaker.
"Hello? Ate Lisa nagsusunog po ba kayo dyan?" tanong nito nang tinawagan ang isa sa mga caretaker.
"Hindi, tatanungin ko pa nga lang kayo kung nagsusunog kayo" pabirong sabi nito kaya nagtaka sila, nang ibinaba niya ang telepono ay sinubukan nilang hanapin kung saan nanggagaling ang sunog."Mukhang doon ata yung sunog, may usok pa oh" turo ni Allison sa isang banda sa kakahuyan, pumunta naman sila doon at nakita ang isang malaking kahoy na kahon na nasusunog. Kinuha naman ng staff ang fire extinguisher at agad inapula ang apoy.
"Subukan mo ngang buksan, baka may nakulong diyan na nasunog" utos ni Sir Joseph kaya nilapitan ito ng staff at sinira ang kahoy, tumambad sakanya ang sunog na katawan ng tao na nakaupo sa isang bakal na silya.
"Oh my gosh, baka si Arden yan" paghihinala ni Percival nang makita ang sunog na katawan ng tao.
"Hindi, wag muna tayong magconclude" sabi naman ni Riley sa kaibigan.
"Kaya nga, try ko munang tawagan yung phone niya" sabi ni Tamara saka tinawagan ang number ni Arden, narinig naman nila na nagring ito sa gilid ng isang puno na di naman kalayuan sa pwesto nila. Nilapitan ito ni Jay Kim at kinuha."Eto nga yung cellphone ni Arden" sabi niya habang sinusuri ang cellphone ng kaibigan.
"Pano napunta diyan yan?" tanong ni Jenny.
"Aba malay, baka naman nalaglag lang niya" sabi niya kay Jenny kaya agad niyang sinamaan ng tingin si Jay Kim.
"Hindi rin, alam mo naman si Arden. Hindi siya papayag na mawala sakanya yung phone niya, ni hindi nga nilalapag kung saan saan yung phone niya eh. Kaya imposibleng mahulog niya yan dahil lagi niyang hawak hawak yan" pagpapaliwanag ni Jay Karl kaya agad na napaisip ang kambal niya."Pano kung dinala siya dito ng killer at nalaglag niya yan?" tanong ni Desiree na ngayon lang nagsalita tungkol sa pagkamatay ng kaklase niya.
"Wow infairness nagsalita ka rin" komento ni Percival kaya binatukan siya ni Riley.
"Buti nga nagsalita eh" sabi ni Riley kaya binelatan lang siya ni Percival.
"Oo nga naman, baka nung bumaba tayo ng bus biglang sumulpot yung killer at kinuha si Arden. Siguro di nakapiglas kaya dinala dito at nalaglag yung phone dyan" sabi ni Niro kaya napaisip ulit sila.
"Eh pano naman nagawa ng killer yun?" tanong ni Allison.
"Maaaring isa sa mga nahuling bumaba ang killer, sino sino ba ang huling nakarating sa main hall?" tanong ni Jenny.
"Sila Niro, David, at Desiree" sabi ni Tamara kaya tinignan nila ang tatlo.
"So may possibilities na isa sainyo ang pumatay kay Arden" sabi ni Jenny kaya biglang nainis si David.
"Wow ha, sa tingin niyo makakagawa kami ng ganyan ni Niro? Ang pumatay ng sariling kaklase?" pagdedepensa ni David sa paratang na isa sa kanila ang killer.
"Hindi naman ganun yung ibig sabihin ng kaibigan ko" depensa rin ni Allison sa kaibigan.
"Eh sa pananalita niya iba yung dating eh, parang pinagbibintangan niyang kami ang killer" galit na sabi ni David kaya inawat sila ni Sir Aron."Tama na yan, David, Allison, wag na kayong mag-away. Wag na kayong magbintangan, walang magandang mangyayari dito kung mag-aaway kayo" awat niya sa mga estudyante niya.
"Sorry" paghihingi ng tawad ni Allison pero nakatingin lang sa iba si David.
"Uy, mag-sorry ka na" pagpipilit ni Niro sa kaibigan.
"Ayoko nga, bakit ba kasi pinagbibintangan niyo kami?" tanong niya kay Jenny, sinamaan naman siya ng tingin nito.
"Bakit ka super OA magdeny? Ha? Mas nahahalata ka eh" sabi nito kaya umawat ulit ang kanilang guro sa kanila.
"Tumigil na kayo, mas mabuti pang paghiwalayin kayo" suhwestiyon ni Sir Aron kaya pinaghiwalay muna ang dalawa."Tss. Makadeny si David wagas eh, imposible kayang magawa yun ng isang babae. Tsaka tanging lalaki lang ang makakagawa ng ganyan, pati na yung pagpatay sa mga kaklase natin noon. Kaya maniwala kayo sakin guys, sila David at Niro ang killer" sabi ni Jenny sa mga kaklase na para bang naresolba na ang kanilang problema.
"I think so too, kasi noong pinatay si Cath nandun ako nakatago. At diba tol ang tawagan nilang dalawa? And yung isang guy laging nagbibiro tapos yung isa parang sanay maglaro sa computer. And we know na mahilig maglaro sa computer si Niro, so I guess, tapos na ang paghihirap natin. They are the killers" pagsang-ayon ni Tamara sa sinabi ni Jenny kaya naman nakahinga ng maluwag ang ilan sakanilang mga kaklase pero nagdududa parin si Jay Karl at Allison sa sinabi nila Jenny at Tamara."At last! Alam na natin ang killer, so what are we going to do now? Ichuchugi sila?" tanong ni Percival na may galak ang ngiti.
"Nope, ihiwalay muna natin sila atin. We need a proof, wag muna tayong manghusga. We'll test them, lalo na't ngayong pinagdududahan niyo...or natin na silang dalawa ang killer" suhwesiyon ni Allison sa mga kaklase na sinang-ayunan naman ni Jay Karl.
"Yeah, we need to test them kung sila ba talaga ang mga killer. Ilagay natin silang dalawa sa isang room na malayo satin, in this way malalaman natin kung sila talaga ang mga killer" pagsang-ayon ni Jay Karl sa sinabi ni Allison, pumayag naman ang mga guro at mga kaklase nila sa ideya ni Jay Karl. Nang ki

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...