24 - For The Sake of Love

16 1 0
                                    

Tamara Dane's POV

Lumapit sakin si Patrick habang iniinda ang sakit na dinaranas niya ngayon, oo... nagawa niyang putulin ang kamay niya para sakin. Para iligtas ako.
"D-dane... m-makakaligtas na t-tayo" nilusot niya ang susi sa padlock, kahit nanginginig ay sinubukan niyang ipihit yun. Dahil sa awa ay tinulungan ko siya, nakawala ako.

Mahigpit niya akong niyakap, kahit na hirap na hirap ay napakasaya ng mukha niya dahil sa wakas ay malaya na kami... malaya na nga ba?
"Y-yung kamay mo" pinunit ko ang laylayan ng damit ko at dahan dahang itinali yun sa putol na kamay ni Shawn, naaawa ako sakanya habang sumisigaw siya sa sakit.
"Well, well. Gagawin mo talaga lahat para lang sa mahal mo" bakas ang pagkasarkastiko sa boses ng babaeng yon, napakahayop niya. Napakasama niya!
"Good job Shawn, ang tapang mo" pumalakpak siya pero mabagal lang.
"At dahil nagtagumpay kayo, let's go to round two" tumawa siya na parang batang binigyan ng chocolate, pero hindi siya nakakatuwa. Nakakainis siya!
"D-dane... kahit anong mangyare, w-wag kang susuko. Okay?" paalala ni Shawn bago kami kunin ng dalawang lalaki. Tumango ako, kelangan kong tatagan ang loob ko dahil nakita ko kung paano siya naghirap para lang pakawalan ako. Samantalang wala akong ginawa habang naghihirap siya, tingin ko napakawala kong silbi.

Pinasok kami sa isang kwarto, may taong nakahandusay sa lapag. Alam kong patay na yun dahil naliligo siya sa dugo, pero hindi ko alam kung sino to.
"Para sa round two, ang kelangan niyo lang namang gawin ay hanapin ang susi sa loob ng katawan niya" siguro ang tinutukoy niya ay yung bangkay na nakahandusay, pero ngayon ko lang napansin na may mga surgical tools na nakalapag sa tabi ng bangkay.
"Magpasalamat kayo sakin dahil may hinanda na akong tools na gagamitin niyo para buksan ang katawan ng katawang iyan, nakakaawa naman kasi si Shawn dahil putol na ang isang kamay niya" parang nang-aasar pa siya habang sinasabi yon, nakakapanggigil!
"Kelangan niyo lang yang gawin sa loob ng 5 minutes, your timer starts... now!" napatakbo si Patrick patungo sa bangkay kaya sumunod ako, kukunin niya sana yung isang scalpel pero kinuha ko yun sakanya.
"Patrick! Ako na ang gagawa, please" pakiusap ko, wala siyang nagawa kundi ang hayaan ako. Hinarap ko sakin ang bangkay kaya laking gulat ko nang makitang si Riley iyon.
"R-riley!!" bakas ang takot, lungkot, at galit sa mukha ni Riley. Hindi ko ata masisikmurang buksan ang katawan niya para hanapin ang susi.
"P-patrick... hindi ko kaya" napaiyak ako, heto nanaman ako at kinakain ng takot.
"Dane... maski ako hindi ko kakayanin dahil kaibigan ko siya... pero please, tatagan mo ang loob mo" tinignan ko siya, hindi ba siya naaawa sa kaibigan niya?!
"Pero--" pinutol niya yung sasabihin ko at hinawakan ang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay niya.
"Masakit man pero... please gawin mo" wala na akong choice, patawad Riley pero kelangan kong gawin to para mabuhay kami.
"I'm sorry" bulong ko sakanya saka sinimulang hiwain ang tiyan niya.

Pikit mata kong pinasok ang kamay ko sa hiwa, nararamdaman ko yung mga internal organs niya. Naiiyak na nandidiri ako, pero kelangan kong tatagan ang loob ko. Patawad talaga Riley... hindi namin ginusto to.
"One minute and 30 seconds left!" kaagad akong naalarma nang marinig ko yun, binilisan ko ang paggalugod sa katawan ni Riley, hindi ko tinapunan iyon ng tingin kasi alam kong susuko ako agad. Nang makapa ko ito ay agad akong tumakbo papunta sa pinto, pinunas ko sa shorts ko ang dugo dahil dumudulas yung kamay ko.
"Malapit na..." sinubukan kong ipihit yung susi ng pakaliwa at pakanan.
"5... 4... 3... 2..." hinila ko ang pinto at agad iyong nagbukas, napangiti ako sa tuwa dahil nakalabas na kami pero napalitan iyon ng luha.
"Dane, please wag ka nang umiyak" niyakap ako ni Patrick, pakiramdam ko parang isa na akong kriminal dahil sa ginawa ko kay Riley. Hindi maatim ng konsensya ko ang ginawa ko.
"Patrick nandidiri ako sa sarili ko... hindi ko na kaya" maluha luha kong sabi, umiling iling siya.
"Wag kang magsalita ng ganyan, please kelangan natin mabuhay. Kelangan pa nating tulungan ang mga kaklase at teachers natin, Dane wag kang susuko" umiling ako, gusto ko nang mamatay para matapos to.

Tinulak ko siya kaya agad akong nakawala mula sa pagkakayakap niya, hinawakan ko ng maigi yung scalpel na hawak hawak ko. Handa ko nang tapusin ang buhay ko nang may biglang may pumigil sakin. Inilagay niya yung kamay niya sa leeg ko kaya agad akong naalarma.
"Tamara, wag" rinig kong bulong niya sakin kaya napatingin ako sakanya, nakita kong nakasuot siya ng itim na maskara at katulad ng suot ng mga lalaking humahabol samin kanina. Pero imbes na matakot ay naguluhan ako, kilala niya ako? At bakit niya ako pinigilan.
"Please! Wag mo siyang papatayin!" pagmamakaawa ni Patrick.
"Ako to si Naira, wag kang maingay" bulong niya ulit sakin kaya nanlaki ang mga mata ko... pero, pano? Hindi ba't wala siyang malay kanina?
"P-paano?" nalilito ako sa mga nangyayari ngayon.
"Long story, pero kelangan niyong mahanap sila Mam Lucy" bulong niya saka niya sinabi kung saan sila matatagpuan, pinakawalan niya ako kaya agad kong niyakap si Patrick at tinulungang itayo.
"Umalis na kayo" utos niya kaya tumango ako at saka kami umalis ni Patrick.
"Bakit hindi niya tayo pinatay?" naguguluhang tanong ni Patrick habang naglalakad kami.
"Si Naira yun, pero ang mahalaga mahanap natin sila Mam" sabi ko saka kami pumunta sa kwartong tinuro sakin ni Naira. Binuksan ko ang pinto at saka nakita sila Mam Lucy at Sir Aron na...

Magkayakap?

=====

Okayyy, alam kong maikli pero at least may update. Lol! HAHAHA. Anyway, familiar ba sainyo yung scene nila Shawn at Dane? Inspired by Saw yun, HAHAHA. Lol yun lang salamat!!

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon