(Third Person's POV)
Agad na dumating ang mga pulis sa paaralan ng Saint Monique High School at kinuha ang bangkay ni Angeline, nagdasal na lamang ang class 4-A sa kaluluwa ng namatay na kaklase.
Lumipas ang tatlong araw at itinakdang ilibing si Angeline, labis ang hinagpis at lungkot nila Tamara at Catherine dahil sa ginawang biro sa kaibigan.
"Pasensya na talaga Angeline, hindi ko aakalain na dadating yung prank ko sa point na mamamatay ka. At sa gantong way pa, I'm sorry talaga bes, I'm hoping na mapatawad mo ko" paghingi nito ng tawad sa kaibigan bago ito ipasok sa huling hantungan, labis ang iyak ng mga magulang nito sa nangyari. Nangako naman ang buong seksyon na po-protektahan ang isa't isa kung isa man sa kanila ay may masamang mangyayari.(Simon Eric Ty's POV)
"Hey Eric! Saan ba yung Teacher's Faculty? May pinapautos kasi si Mam Bartolomeo eh" rinig kong sabi ni David nung nakita ko siya, sinamahan ko naman siya papunta sa Teacher's Faculty. Hinintay ko na rin siyang makalabas.
"Ang tragic ng nangyari kay Angeline no?" rinig kong sabi ni David habang naglalakad kami papunta sa canteen, magpapa-xerox kasi siya ng activity namin mamaya.
"Kaya nga eh, sayang. Siya pa naman yung class muse natin dati, siguro siya parin yung magiging class muse nating hanggang ngayon kung hindi siya namatay?" sabi ko naman tapos tumango siya.
"Sayang talaga. Liligawan ko na sana siya eh, gusto ko kasi siya. Di lang ako nakaamin" sabi niya saka umiling, aba gusto niya pala yun si Angeline. Kaya pala sobrang lungkot niya nung nalaman naming namatay na si Angeline.
"Ayos lang yan pre, makakahanap ka din ng iba" sabi ko sabay tapik sa balikat niya, tumango naman siya. Nung natapos na siyang magpa-xerox ay bumalik na kami papunta sa faculty."Thank you, sige pakisabi sa mga kaklase niyo na pumunta sa SciLab para sa Science niyo sabi ni Sir Aron" sabi ni Mam Cordova, yung Math teacher namin.
"Sige po Ma'am" paalam namin ni David saka kami naglakad papunta sa room, habang naglalakad kami sa room ay nadaanan namin yung SciLab. May nakita akong tao sa loob kaya agad akong huminto para silipin kung sino yun."Uy mamaya na yan, punta muna tayong room" sabi ni David saka ako hinila, wala naman na akong nagawa kundi ang sumama sakanya. Nung huling tumingin ako sa SciLab ay wala na yung tao, siguro hallucination ko lang yun? Hay nako, hayaan ko na nga.
*
"Guys SciLab po tayo para sa Science sabi ni Sir" sabi ko nung nasa room na kami, agad naman na nag-ayos yung mga kaklase namin. Nung tapos na kami mag-ayos ay pumunta na kami sa SciLab, naabutan namin doon si Sir na may hinahanap sa mga shelves kaya nilapitan ko siya.
"Ah sir ano pong hanap niyo?" tanong ko.
"Ah wala, sige umupo ka na. Magsisimula na tayo magklase" tumango naman ako tapos umupo sa tabi nila Niro.Nagsimula namang mag-lecture si sir tungkol sa mga gamit na pang-experiment. Maya maya pa ay may kumatok sa pinto kaya napatingin kami dun, nakita namin si Mam Lucy.
"Sir excuse muna kita, may meeting daw yung mga teachers" sabi ni Mam kaya naman nag-yes yung ibang mga kaklase namin.
"Okay Mam, so class sagutan niyo sa 1/4 paper yung page 10. Ibigay niyo kay Eric, Eric pumunta ka nalang sa faculty para ibigay sakin yung papers nila" tumango naman ako tapos umalis na sila sir, nagsimula naman akong magsagot. Maya maya pa ay nag-ingay na yung mga kaklase namin."Hey guys wag kayong maingay, may nagkaklase sa katabi nating room" sabi ni Geisha pero di siya pinansin ng mga kaklase namin.
"Guys! Manahimik muna kayo tapos magsagot nalang kayo ng pinapagawa ni sir" sabi ko pero di parin sila tumitigil, napakamot nalang ako ng ulo saka napailing."Hayaan mo na sila, basta pag wala silang napasa, edi zero sila" sabi ni Niro.
"Anong sinabi mo Niro?" matapang na tanong ni Zen kaya agad kaming napalingon sakanya.
"Na ang pangit mo" sabi ni David kaya agad siyang sinapak ni Zen, agad ko namang pinalayo si Zen kay David."Oy tama na guys! Wag kayong mag-away dito!" awat ko sakanila, nung medyo kumalma si Zen ay pinaupo na siya ni Geisha sa upuan niya.
"Bwiset talaga yung babaeng yun. Panget naman talaga, deny pa. Tss" rinig kong sabi ni David kaya bigla nanamang sumugod si Zen."T*ngina ka ah! Tumigil ka sa pananalita mo niyan!" sigaw ni Zen kaya inawat ko ulit silang dalawa, kaso nakawala si Zen kaya sinubukan niyang abutin si David.
"Hoy tama na yan! Zen! David!" sigaw ni Geisha, maya maya pa ay dumating sila Karl at Kim para awatin yung dalawa."Ano ba yan! Tama na nga! Zen bumalik ka na sa upuan mo" sabi ni Kim kay Zen tapos padabog siyang pumunta sa upuan niya.
"Lecheng Zen yun" galit na sabi ni David habang pinapakalma nila Karl.
"Tama na yan, baka mapa-faculty pa kayo niyan eh" sabi ko saka ko siya tinapik sa balikat niya, pinabalik ko naman na sila Karl at Kim sa upuan nila. Tumayo naman si Arden saka lumapit sa mga shelf na puro bote, tapos may nakalagay sa taas ng mga shelf na sign."Para mas maganda, mag-experiment nalang tayo" sabi ni Arden saka binuksan yung salamin ng shelf, agad naman siyang pinigilan ni Allison.
"Hey, wag mo ngang papakelaman yan. Di mo ba nababasa yung sign? Bawal daw galawin yan unless kung pinayagan ka ni Sir" sabi niya pero di naman sumunod si Arden, binuksan niya yung shelf saka nanguha ng tatlong bote saka isang beaker."Huy Arden, baka mapagalitan ka ni sir" sabi ni Geisha pero di parin tumitigil si Arden, lumapit naman sakaniya sila Tamara, Catherine, at si Mack.
"Sus, manood nalang kayo sa experiment namin" sabi ni Mack sabay bukas ng takip ng isang bote, ganun din yung ginawa nila Tamara at Catherine. Naglagay sila dun sa beaker tapos nagsimulang umusok yun, hinalo naman ni Arden kaya mas lalong tumindi yung usok. Nagtakip naman silang apat ng mga ilong nila. Napaubo naman sila Percival at Shawn na malapit lang kila Arden."Hoy itigil niyo nga yan! Inuubo kami dito oh!" inis na sigaw ni Percival.
"Arden itapon niyo na yan, baka may masamang mangyari" sabi ko, tawa naman ng tawa silang apat. Naglagay pa sila ng kung ano ano kaya mas tumindi yung usok, nagsilabasan naman yung iba naming kaklase habang patuloy parin sa ginagawa nila yung apat. Habang tumatagal, tumitindi yung usok kaya nilapitan ko na sila."Guys tigilan niyo na yan! Di niyo ba nakikita yung mga kaklase natin?! Baka may masama pang mangyari!" sigaw ko sakanila habang nakatakip ng panyo yung ilong ko.
"I don't care! Porket vice president ka sa room ay ganyan ka na umasta" inis na sabi niya, kinuha ko naman yung beaker kaso inagaw yun ni Mack kaya biglang natapon yung laman ng beaker sa kamay ko. Agad naman akong napasigaw sa hapdi, napatakbo naman yung apat at sa hindi inaasahang pangyayari ay natabig ni Mack yung beaker na nasa lamesa kaya natapunan ako sa ulo."AAAAAHHH!!! ANG SAKIT!!! AHHHH!!! TULUNGAN NIYO KO!!!! AHHHHH!!!" sigaw ko, parang nalalapnos yung mga balat ko. Wala na akong makita dahil natamaan ako sa mata, nalanghap ko yung mga usok kaya nahirapan akong makahinga.
"G-guys! T-tulungan niyo k-ko!" pagmamakaawa ko, ayoko pang mamatay. Ayoko pang mawala. Please...tulungan niyo ko...
At sa huling pagkakataon, naramdaman kong may humila sakin palayo. At sa huling pagkakataon, narinig ko ang sigaw ng mga kaklase ko.

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Детектив / ТриллерStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...