Special Chapter 1

19 1 1
                                    

Three months later...

Shawn Patrick's POV

"Huy! Ano ka? Maglalayas? Bakit ang dami mong dala?" tanong sakin ni Karl nung nilabas ko yung mga gamit na dadalhin ko.
"Three days and two nights lang tayo magcacamping uy!" dugtong pa ni Allison, lumabas naman mula sa van si Dane na mukhang bagong gising lang. Agad siyang napataas ng kilay nang makita yung mga gamit ko.
"Stupid Patrick. Magbawas ka nga ng gamit! Jusko naman!" inis niyang sabi kaya napakamot ako ng ulo, bumalik ako sa loob ng bahay at inayos ulit yung mga dadalhin ko. Masyado ba akong excited at dalawang travel bag ang dinala ko? Huhu.
"Oh, eto na" nilagay ko sa compartment yung isang bag ko saka sumakay, dun ako sa pinakadulo umupo.
"Tsk. Tsk. Bano ka talaga kahit kelan" rinig kong sabi ni Dane nung umupo siya sa tabi ko, hmmp. Kanina ang sungit sungit niya tas ngayon parang nang-aasar pa siya sakin.
"Bakit? Ngayon na nga lang ako makakapagcamping ulit eh" hindi ko parin makalimutan yung naranasan namin noong nasa Forest Camp kami, I hope it won't happen again. Sana hindi na.
"Drama nito, oh eto chocolate" binigyan niya ko ng dalawang Hershey's Kisses saka sumandal sakin habang kumakain ng Kisses, edi binuksan ko yung akin at kinain yun.

Habang nasa biyahe kami ay nakatingin lang ako sa labas, nadaanan namin yung dating school namin na noon ay napakaganda pero ngayon ay abandonado at parang pinaglumaan na ng panahon. Parang noon lang masaya pa kaming pumapasok diyan hanggang sa dumating yung araw na isa isang namatay ang mga kaklase namin, nakakalungkot. Pano kung walang nangyaring patayan? Ano kayang mangyayari sa amin ngayon? Malalaman parin kaya ni Allison kung sino yung Mama niya? Napakarami kong tanong na hindi masagot sagot, pero isa lang ang sigurado ako. Na hindi na mauulit ang dinanas ng mama ni Allison dahil wala na ang Saint Monique High School, wala nang mabubully at maaapi. Wala na.

***

"Dito na tayo!" agad akong napabalikwas ng upo nang marinig ko si Sir Aron, nakatulog na pala ako.
"Saan na tayo?" tanong ni Dane habang nag-uunat, tumingin ako sa labas ng bintana at binasa ang mga salitang nakaukit sa arko.

Forest Camp.

Oo, bumalik kami dito. Hindi para makipaghabulan kay kamatayan, kundi para alalahanin yung nakaraan. Hindi naman kasi porket maraming masamang nangyari sa amin dito ay hindi na kami babalik dito, syempre may mga bagay talaga na minsan kelangan mong balik balikan hindi para masaktan ulit. Kundi para i-let go lahat ng sakit na nararamdaman namin hanggang ngayon.

Bumaba na kami ng van nang makapag-park si Sir Aron, tinignan ko yung gate ng Forest Camp. Kinakalawang na at may karatulang nakasabit na sinasabing 'closed' na ito.
"Pwede bang pumasok diyan?" tanong ni Dane habang nakatingin sa gate.
"Nakausap ko na yung may-ari nitong camp at pinayagan tayo, I'm glad na naaalala niya tayo at naaalala niya pa rin yung nangyari satin pati sa mga staff niya" halata sa tono ng boses ni Mam Lucy ang pagkalungkot. Saglit kaming natahimik.
"O siya tara na bago pa kayo mag-iyakan" pambabasag ni Sir sa katahimikan habang karga karga ang mahimbing na natutulog na si Zian. Kinuha na rin namin yung mga gamit namin at naglakad na pero natigilan kami nang nagsalita si Allison, nakatayo lang siya habang nakasakbit sakanya yung bag niya.
"W-wala bang... multo... diyan?" pag-aalangang tanong niya kaya natawa kaming tatlo nila Karl at Dane, nauna na kasi sila sir at mam.
"Pfft, bakit ka matatakot eh mga kaklase naman natin ang expected mong makikita diyan. Isama mo na rin yung mga staff na namatay" natatawang sabi ni Dane kaya pinitik ko yung noo niya, agad naman siyang napaaray.
"Ano ka ba! Mas lalo mo lang siyang tinatakot eh!" napanguso siya kaya agad ko siyang hinalikan, smack lang yun pero na-freeze ata siya matapos kong gawin yun. Ilang saglit pa ay hinampas niya ko ng pagkalakas lakas sa braso.
"Nakakainis ka!" hinampas hampas niya ulit ako, tinatawanan naman ako ni Karl samantalang hindi parin umiimik si Allison kaya lumapit ako sakanya at huminto naman sa paghampas sakin si Dane at lumapit din samin.
"Uy Allison wag mong seryosohin yung sinabi ko ha, joke joke ko lang yun" sabi niya habang nakatingin kay Allison.
"Yan kasi tinatakot mo pa eh" paninisi ko sakanya kaya sinamaan niya ko ng tingin.
"G-guys... wala ba kayong napapansin?" rinig kong sabi ni Allison kaya napatingin kami sakanyang tatlo.
"A-ano yun?" halatang kinakabahan si Dane at natatakot, well kahit ako rin naman kinakabahan eh.
"Allison Chloe wag kang manakot" pagbabanta ni Karl na kinakabahan na rin.
"Hindi ako nananakot... I'm just asking kung wala na kayong napapansin na kahit ano" seryosong sabi niya kaya napatingin kaming tatlo, pucha naman oh! Nananakot ka pa!!
"Ano ba kasi yung napapansin mo?" pinagpapawisan na ako sa takot dito oh!
"K-kanina pa kasi may... sumusunod... satin" gusto kong magmura dahil sa sinabi niya pero mukhang umurong yung dila ko. Kaso mukhang nawala yung takot ko nang biglang tumawa si Allison at Karl.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" parehas kaming naguguluhan ni Dane sa kanilang dalawa.
"NAKAKATAWA KAYO! GRABE HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" halos mapaupo pa sila sa lupa dahil sa kakatawa kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Nakakainis kayo! At talagang nagsabwatan pa kayo sa pananakot samin eh no?!" inis kong sabi, inis na rin si Dane dahil sa pananakot samin ni Allison na pinagplanuhan pala nila ni Karl.

Pero lahat kami napahinto at natigil sila Allison at Karl sa katatawa nang makarinig kami ng kaluskos, nagkatinginan kaming apat. Nang marinig ulit namin yung kaluskos ay nagtakbuhan kami papunta kila sir. Para kaming hinahabol dahil sa bilis ng takbo namin, p*tang*na ano ba kasi yun?!
"H-hoy! Mamaya nananakot nanaman kayo ha!" inis kong sigaw sa dalawa habang tumatakbo kami.
"Hindi ah! Pare parehas lang tayong nasa labas ng van nung narinig natin yun!" sigaw naman ni Karl kaya lumingon ako sa pwesto namin kanina, wala namang kahit anong tao o bagay o hayop na nandun. B*llsh*t lang!

"Oh? Bakit parang takot na takot kayo?" tanong ni Mam Lucy nung nakarating kami sa kanila, hingal na hingal kami dahil sa pagod kakatakbo.
"Anong nangyare sa inyo? Parang nakakita kayo ng multo ah" sabi ni Sir Aron nung nakita niya kami.
"M-may... k-kumaluskos" sa wakas ay nakapagsalita na rin ako, hingal na hingal ako tsaka ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Nasaan si Naira? Ba't di niyo siya kasama?" tanong ni Mam Lucy kaya nagkatinginan kaming apat, si Naira!!
"HOOOOYYY!! MGA MANG-IIWAN KAYO!!" hingal na hingal na dumating si Naira kaya napatingin kami sa kanya.
"Naira!" tumakbo kaming apat papunta sa kanya.
"Mga bwisit kayo! Ba't niyo ko iniwan?!" tanong niya habang nakasapo sa dibdib, hingal na hingal siya.
"Saan ka ba kasi nagpunta?!" tanong ni Dane na hindi mo alam kung nag-aalala ko naiinis.
"Nasa van lang naman ako eh, tsaka bakit ba kayo biglang tumakbo?" tanong niya.
"Eh kasi may narinig kaming kaluskos eh" sabi ni Allison kaya tinignan niya siya.
"Ah... yun ba?" tumango kami tapos napakamot siya ng ulo.
"Nagtapon kasi ako dun sa bandang damuhan, sorry kung natakot kayo" pagkasabi niya nun ay agad namin siyang binatukan.
"NAKAKAINIS KA!! ALAM MO BANG TAKOT NA TAKOT KAMI?!" halos mapaiyak sa inis si Dane habang tawa naman ng
tawa ni Naira.
"Sorry na nga eh! Ang sama niyo kamo" inayos niya yung nagulo niyang buhok, matapos nun ay lumapit na kami kila sir. Humupa naman na yung takot namin, buti naman.
"So saan na tayo magtatayo ng tent?" tanong ni Allison, oo nga. Saan nga ba?
"Doon nalang sa tabi ng lake... kung gusto niyo" suggest ni Naira kaya napatingin kami sakanya tapos nagkatinginan kaming lahat. Biglang nagflashback sakin lahat nung nangyari noong nasa lake kami, yung pagkamatay ni Percival.
"Sige" maikling sagot ni sir saka kami naglakad papunta sa lake, habang naglalakad ay tumitingin kami sa paligid. Yung mga tree house na noon ay masayang tirahan tapos ngayon puno na ng baging at kupas na ang pintura at barnis, panot na yung kugon na bubong tapos sira sira na yung sawaling dingding.

Parang sa kada lakad namin ay andaming alaala ang pumapasok sa isip ko, masasaya at malulungkot. Tulad nalang ng pagkamatay ni Jenny. Hindi ko inaakalang ganun nalang ang galit niya sakin.

"Pwede na siguro dito" nilapag ni sir yung bag niya kaya nilapag na rin namin yung bag namin sa tabi ng lake, yung dating malinis na lake, ngayon ay puro lumot na.

Nang matapos naming magtayo ng tent ay tumambay muna kami ni Dane sa malaking trunk ng puno na nakatumba, naalala ko nanaman si Percival dito. Yung time na namatay sila Mam Rea at Sir Joseph, tumayo siya dito para pasayahin kami. He never failed us to laugh. Well sabi nga niya, nandito tayo para magsaya, hindi para magdusa.
"Nakakamiss din pala si Percival no? Kahit hindi kami close nun, nagawa niya parin akong mapasaya" rinig kong sabi ni Dane habang nakatingin sa lake, hinawakan ko naman yung kamay niya.
"Wag ka nang malungkot, nandito naman ako para pasayahin ka eh" tinignan ko siya, tumingin din siya sakin pero binalik niya yung tingin niya sa lake. Kaya naman binitawan ko muna siya saka bumaba, mukha naman siyang nagtataka kaya ngumiti ako.

"Dane, I just want to ask you something..." sabi ko habang may kinukuha sa bulsa, nang makuha ko ito ay lumuhod ako. Tumingin ako sakanya at halata mong nagpipigil siyang umiyak.
"Will you marry me?" Pagkasabi ko nun ay naririnig ko yung sigaw nila Allison sa malayo.
"OO NA YAN!! OO NA YAN!!" sigaw nila kaya natawa ako, nanatili akong nakatingin kay Dane.
"Yes! I want to marry you!" sigaw niya saka bumaba ng trunk at lumapit sakin, sinuot ko sakanya yung singsing at hinalikan siya sa labi at niyakap siya ng mahigpit.
"I'm so lucky to have you" bulong ko tapos natawa siya kahit umiiyak.
"Me too, I love you Patrick" bulong niya saka ako ngumiti.

"I love you too Dane"

=====

Oh yeah! Finally may special chapter na! Weeeee! Engaged na sila Tamara at Shawn! So si Naira nalang talaga ang single, HAHAHA. Anyway, vote ang comment po! Xoxo.

P.S. Lapit na~ 091717 ❤️

*edit: Pinalitan ko yung book cover HAHAHA 😂

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon