Third Person's POV
*ting*
Narinig ni Jay Karl ang notification ringtone niya sa kanyang cellphone kaya kinuha niya ito at binuksan.
'Mack Homer tagged you and 20 others in a video'
"Ang aga naman magpost ni Mack?" tanong niya sa sarili kaya ni-tap niya ito at hinintay na magloading ang video. Ilang segundo ang lumipas, nakita niya ang karumaldumal na kalagayan ni Mack na nakaupo sa isang silya habang may takip ang mga mata at nakasabit na strings sa braso. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na tinawag ang kakambal.
"F*ck, si Mack yan diba?!" gulat na tanong ni Jay Kim nang makita ang kalagayan ni Mack.
"Oy ano yan?" tanong ni Shawn nang marinig si Jay Kim ngunit bago pa man makapagsalita si Jay Karl ay may nagsalita nang isa sa kanilang mga kaklase."Guys may post si Mack! Nakatag pa talaga sating lahat! Kalurkey!" masayang sabi ni Percival habang nakahawak sa cellphone kaya nagsilabasan ng cellphone ang kanilang mga kaklase.
"Guys wag niyong titignan!" pagpipigil ni Jay Karl sa mga kaklase ngunit huli na siya nang napasigaw sa gulat si Jenny.
"Oh my gosh! Anong nangyayare kay Mack?!" gulat na tanong nito, nang marinig ni Jay Karl na may nagsalita sa video ay pinanood niya ito at nagtaka."Dahil papatayin niyo yung kapatid ko pag di ako pumatay!" nagulat siya nang marinig ang sinigaw ni Mack.
"I-isa sa m-mga killer si Mack?" tanong niya sa kanyang sarili habang naguguluhan.
"Ano pang dahilan?" tanong ng isang babae mula sa video, hindi niya malaman kung kaninong boses ba ang naririnig niya.
"Aaaaaaahhhhh! Tama na! Please! Patayin niyo na ako!" sigaw ni Mack habang kinukuryente ng isang lalaking nakauniform, sigurado si Karl na isa itong estudyante mula sakanilang school.
"Sabihin mo muna yung mga dahilan" sabi ng babae sa video, naririnig pa ang tawanan sa likuran nito.
"P-papatayin niyo...y-yung...mama ko" sabi ni Mack kaya nakaramdam ng awa si Karl sa kaklase, kahit papaano ay naging kaibigan niya din ito."Please tama n-na!" sigaw nito habang kinukuryente, napamura nalang sa galit at awa si Karl sa pinapanood.
"Sige magmakaawa ka pa, hahaha!" nagtawanan ang mga iba pang tao mula sa likuran ng nagvivideo, napasapak naman sa upuan si Jay Kim.
"Oh eto naman, sabihin mo yung mga pangalan ng kaklase nating pinatay mo" nang marinig nila itong dalawa ay napatingin sila sa video at naghintay sa sasabihin ni Mack.
"Please stop...ayoko na...patayin niyo nalang ako...end this f*cking torture! Tama na!" pagmamakaawa nito pero kinuryente ulit siya.
"Sabihin mo yung pangalan ng mga pinatay mo at kung pano mo sila pinatay!" sigaw ng babae kaya naman nilaksan pa ni Jay Karl ang volume ng kanyang cellphone.
"S-si Eric...s-sinadya kong...i-itapon sakanya yung...pinaghalo-halo naming c-chamicals...t-tapos si...B-brian...s-sinugatan ko y-yung mga...b-braso niya...tapos...ginawa k-kong pintura...yung d-dugo niya...tapos...s-sinaksak ko siya...sa dibdib" sabi nito kaya napasapak sa upuan si Karl."Very good Mack, ngayon isesend ko tong video sa mga kaklase natin. Tignan lang natin yung magiging reaksyon nila" sabi ng boses ng isa pang babae, nabosesan ito ni Karl pero hindi niya alam kung tama ang hinala niya o hindi.
"Pagbabayarin niyo to..." sabi ni Mack na nanghihina na.
"Ano? Anong sabi mo?" tanong ng isa pang babae, hindi rin ito nabosesan ni Karl.
"Pagbabayaran niyo to...pagbabayaran niyo tong ginawa niyo sakin D-- *bang*" nakita nalang niya na may tama na ng baril ang dibdib ni Mack na siyang ikinamatay nito.
"F*ck you Mack. See you in hell" sabi ng babaeng nabosesan niya saka natapos ang video."Sh*t!! Ano bang nangyayare sa klase natin?!" inis na sigaw ni Jay Karl matapos mapanood ang video, walang sumagot sakanya pero naririnig niya ang iyakan ng iba niyang mga kaklase.
"Bakit nila pinatay si Mack?" tanong ng iba niyang kaklase habang naluluha.
"Pero pumatay si Mack! Pinatay niya si Eric at Brian!" sigaw ng isa pa nilang kaklase kaya nagkagulo na sila."Tama na! Tumahimik na kayo!" sigaw ni Jay Karl kaya tumahimik ng lahat.
"Ano ngayon kung pumatay si Mack?! Ha?! Kusang loob ba yung pagpatay niya sa kaklase natin?! At alalahanin niyong may iba pang mga killer! Hindi lang siya! Kaya wag niyong ibunton sakanya lahat!" sigaw nito saka sinipa ang upuan na nasa harapan kaya natahimik ang lahat, mga ilang segundo pa ang lumipas ay pumasok na sila David at Niro na walang kaalam alam sa nangyayari."Oh? Natahimik kayo? Nasobrahan na ba ako sa gwapo?" tanong ni David pero walang pumansin sakanya.
"Okay. Tatahimik na ako" itinaas niya ang mga kamay niya na para bang sumusuko sa mga pulis saka sila umupo sa mga upuan nila.Maya-maya pa ay dumating na sila Geisha, Arden kasama si Desiree. Napatingin ang mga iba nilang kaklase sakanila.
"Guys magpapalipat ba ng school si Mack?" tanong ni Arden, tumayo naman si Jay Karl.
"Wala na si Mack. Pinatay na siya" pagkasabi ni Jay Karl nito ay napahinto si Arden pati na si Geisha at Desiree.
"A-ano? Patay na si M-mack?" di siya makapaniwala sa sinabi ni Jay Karl, hindi na sumagot si Jay Karl kaya napailing nalang si Arden.
"Wala na kaming guitarist sa banda. Pero kilala niyo ba yung pumatay?" tanong niya.
"Hindi namin alam. Basta nagpost si Mack ng video tapos nakatag tayong lahat" sabi ni Shawn kaya kinuha ni Geisha ang cellphone niya mula sa bulsa ng palda.
"Shocks. May video nga siya. Oh my God...rest in peace Mack" sabi ni Geisha nang tinignan niya ang video. Nanatiling nakatahimik ang mga magkakaklase, hindi nila alam ang gagawin sa mga nangyayari sa klase nila ngayon. Pero isa ang tanong sa isip ni Jay Karl kung totoo ba talaga ang hinala niya na isa sa mga kaklase niya ang killer."Oh? Ang tahimik ng klase ngayon huh?" tanong ng kanilang teacher na si Mam Bartolomeo nang pumasok ito sakanilang klase.
"Mam...w-wala na po si Mack" sabi ni Geisha sa teacher nila kaya nabigla ito at hindi makapaniwala.
"W-what?! Pano niyo nalaman?!" gulat na tanong nito.
"Nagpost po si Mack ng video tapos nakatag samin" sabi ni Arden saka niya pinakita ang cellphone ni Geisha sa teacher nila at pinanood ang karumal-dumal na kalagayan ni Mack.
"Oh my God. Kelangan na itong ipareport sa principal" nagmamadaling sabi ng kanilang teacher saka niya tinawagan ang mga pulis.Killer's POV
Mack's dead. Sino ba sa dalawa pa ang papatayin ko? Yung plastik o yung nagpapaka-leader? Heh. Mamaya na yan, magsasaya muna ako dahil succesful yung ginawa kong pagpost ng video na yun at pagtag sa kanila. Great. I'm really great! Hahaha! Pagsusunud-sunurin ko na kayo! Wahahaha!

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Misteri / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...