Third Person's POV
Nagimbal ang lahat nang makita ang bangkay ni Niro sa lupa, may saksak ito sa tyan at may sticky note sa noo katulad ng nakita nila kay Angeline noong namatay ito.
"Ano to?" kinuha ni Tamara ang sticky note sa noo ni Niro, nagulat siya nang mabasa ang nakasulat dito.
|Good guess 4-A, ang talino niyo! Lalo ka na Jenny, pero nagkamali kayo sa ginawa niyo at pagsisisihan niyo to! - Killer|
"Does it mean na si David at Niro talaga ang killer?" gulat na tanong ni Tamara matapos basahin ang sulat.
"Pero bakit naman papatayin ni David si Niro? I mean, they're best friends. I can't find any reasons kung bakit papatayin ni David si Niro" sabi ni Allison kaya nagkaroon ng malaking tanong sa isip ng mga estudyante.
"Eh nasaan ba si David?" tanong ni Jay Kim kaya naman umakyat si Jay Karl sa tree house para tignan kung naroon ba ang kaklase."Wala siya" sabi ni Jar Karl matapos suriin ang loob ng treehouse, maya maya pa ay may tumawag kay Mam Bartolomeo kaya lumayo muna siya sa mga estudyante upang sagutin ang tawag.
"Hello? Is this the police?" tanong ng guro matapos sagutin ang tawag.
("Yes Ma'am, I'm sorry po pero hindi pa namin tapos ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ng estudyante niyo pero kung maaari lang ay pumunta po kayo dito sa prisinto namin para magbigay ng statement") sagot ng babaeng pulis na tumawag kay Mam Bartolomeo, sumang-ayon naman ito.
"Sige po, pupunta na ako. Salamat po ulit" matapos nito ay binaba na niya ang telepono at linapitan ang kapwa guro na si Sir Joseph."Sir Joseph samahan mo nga ako sa prisinto, nanghihingi ng statement yung pulis tungkol sa pagkamatay ni Geisha" sabi ng guro kay Sir Joseph, tumingin naman ito sa dalawa pang guro.
"Sir Aron, Mam Lucy, kayo na ang bahala sa mga activities. Aalis muna kami" paalam niya sa mga guro at tumango naman ito saka sila umalis. Tinawagan naman ni Sir Aron ang pulis para imbestigahan din ang pagkamatay ni Niro at dinala na ang katawan nito sa prisinto, kasama na din sila Mam Rea at Sir JosephMam Lucy's POV
"Pasensya na kung aabalahin muna namin kayo pero nandito tayo para magkaroon ng time na kalimutan muna ang mga problema na kinakaharap ng sectio niyo, so kung maaari lang pumunta muna tayong lahat sa main hall" pakiusap ko sa mga students ng 4-A, sumunod naman sila at pumunta na kami sa main hall. Kitang kita ko yung mga lungkot sa mukha nila pero hindi ko hinayaang balutin ng lungkot ang 4-A ngayon kaya hinipan ko ang pito ko.
"Alright! Everyone, alam kong marami sa atin ang malungkot dahil sa pagkamatay ng mga kaklase niyo. Pero sa pagkakataong ito, kalimutan muna natin lahat ng problema. Cheer up and let's start our activity" nakangiti at masayang sabi ko sakanila, unti unting nagkaroon ng liwanag sa mga mukha nila. Alam kong kakayanin namin to, para sa ikabubuti nila...naming lahat.
"Oo nga naman guys, cheer up na itey! Magsaya muna tayo at kalimutan ang problema! Pak!" masayang sabi ni Percival kaya nagtawanan ang lahat, kahit papaano ay mayroong nagpapasaya sa amin ngayon.
"Go fight 4-A!" sigaw ng isa sakanila kaya naman inulit din namin yun at ngumiti. Sana wala nang problemang dumating o estudyanteng mamamatay."Let's start our first activity, sharing of happy moments. But firts, bumuo muna tayo ng bilog" sabi ko kaya umupo kami ng paikot, malinis naman ang sahig kaya okay lang na umupo.
"Who wants to go first?" tanong ko, nagtaas naman ng kamay si Percival.
"Me Madam! Ako muna!" sigaw niya kaya pinayagan ko na, nagsimula naman siyang magkwento kaya nakinig na kami."Okay, so first of all, ang isa sa mga happy moments ko ay noong nagkasama sama ulit kaming magkakaibigan. Antagal kasi ng bakasyon, yan tuloy, na haggard aketch! Pero gumandey nung nag-start yung pasukan. Na-miss ko sila eh" tumawa naman siya ng kagaya ni Kris Aquino kaya natawa din kami, sumunod naman ang katabi niyang si Riley.
"Ako isa sa mga happy moments ko nung nanalo ako sa singing contest dati, first time ko kasing manalong isang contest na nanood ang mga parents ko kaya na-overwhelmed ako" pagkukwento ni Riley kaya napa-aww yung iba niyang kaklase, sumunod naman si Allison.
"Hmm, isa sa mga happy moments ko nung nagbonding kami ni kuya sa park. Kahit na umulan nung time na yun, masaya parin kami. Nabasa nga lang yung phone namin, hehe" napatingin naman ako kay Aron na katabi ko lang, napailing nalang siya kaya napatawa ako."Ako, ngayon. Yung time natin na ito, kasi kahit na ansama na ng mga nangyari satin, nandito parin tayo. Nakangiti, tumatawa, at masaya. Gusto ko yung ganto nalang lagi, yung walang namamatay na kaklase at kaibigan" sabi naman ni Jay Karl na katabi ni Allison kaya napa-aww kami, totoo naman. Masaya ako na kahit ganto yung sitwasyon namin, nananatili parin kaming umaasa na titigil na yung patayan.
"Oh ako naman! Isa sa mga happy moments ko ay nung nag-christmas party tayo dati nung third year tayo. Kasi first time natin na kumpleto sa christmas party natin na yun, pero nakakalungkot lang kasi alam kong hindi na tayo makukumpleto ngayon" malungkot na sabi ni Jay Kim kaya ni-pat siya ng kakambal niya sa likod.
"Wag ka nga, kumpleto parin tayong 4-A sa isip at sa puso natin" masayang sabi ni Jay Karl sa kakambal kaya sumang-ayon kami.
"Oh ako na ha! Ang happy moment ko ay noong nangtrip kaming tatlo nila Lana sa mall ng mga mag-jowa. Lalo na nung may nagbreak na magcouple dahil nag-act ako na girlfriend ako ng boy kaya hiniwalayan siya ng jowa niya" natatawang sabi ni Tamara kaya napailing ako.
"Ang sama mo Tamara" komento ni Jay Kim kaya napatawa kaming lahat."Ikaw naman Desiree, antagal naming hindi naririnig yang boses mo eh" pagbibiro ni Jay Kim sa kaklase, ngumiti lang ito saka yumuko.
"Ang happy moment ko ay noong niligtas ako ni Jay Karl kila Angelica. Hindi ko kasi aakalain na may papansin pa sakin" nakayukong sabi ni Desiree kaya nag-ayie yung mga kaklase niya.
"Mga loko talaga to" pabirong sabi ni Jay Karl kaya napailing ulit ako, mga pilyong bata talaga sila."Ikaw na Aron" sabi ko sa katabi ko, napakamot naman siya ng ulo saka nagsalita.
"Oo na nga, ang happy moment ko ay noong nagsimula akong magturo sainyo bilang Science teacher niyo" sus, totoo ba yan Sir? Hehe.
"Ows? Kung alam niyo lang kung gano siya ka-stress sa bahay kapag nag-iisip siya ng mga ipapagawa satin" komento ng kapatid niyang si Allison kaya natawa kaming lahat.
"Ikaw Sir ha, stress ka na pala. Nahahaggard ang pogi face niyo, bawas pogi points para kay Mam Lucy" pang-aasar ni Percival kaya naman napayuko ako, nako si Percival talaga.
"Ayiee! Bagay kayo Mam! Haha!" pang-aasar nila kaya kinantyawan nila kaming dalawa, mga loko."Tama na nga, oh siya. Ako na magsh-share. Ang happy moment ko ay noong nakatapos ako ng pag-aaral ko sa college at ang makapagturo sa section niyo" sabi ko kaya nag-aww sila.
"Ang sweet niyong dalawa saming 4-A Mam at Sir" komento ulit ni Percival kaya napangiti ako, nakakaginhawa talaga kapag natutuwa sayo yung mga students mo. Parang nawawala yung mga stress.
"Oh ikaw na Naira" sabi ko kay Naira na katabi ko lang, tumango naman siya at nagsimulang magkwento."Ang happy moment ko ay...wala" napatigil kami at napatingin kay Naira.
"What do you mean? Wala ka ni-isang happy moments during childhood or ngayon?" tanong ko sakanya, umiling siya.
"Buong buhay ko kinulong ako sa kwarto, school at bahay lang ang pinupuntahan ko. Dahil kapag aalis ako sa bahay maliban lang sa pagpasok sa klase, sinasaktan ako ng mga magulang ko. Hindi ko rin sila masisisi dahil na-trauma na sila sa nangyari dati" pagku-kwento niya kaya na-curious ako, anong trauma?
"Anong trauma? Bakit? Saan sila na-trauma?" tanong ni Tamara sa kaklase niya."Hindi niyo na kelangang malaman" sabi ni Naira kaya napakunot ako ng noo.
"Bakit? Share it Naira, mas bibigat yang loob mo pag sinasarili mo ang problema mo" sabi ko kaya nagsimula nang tumulo yung mga luha niya.
"Sabihin mo na, nandito kami para damayan ka. Okay lang na umiyak ka" sabi ni Riley na sinang-ayunan namin."Katulad ng nangyayari satin ngayon...naranasan yun ng mga magulang ko. Yung mga pagpatay...ayaw nilang mawala ako sakanila gaya ng nangyari sa mga kaibigan nila noon" pakukwento niya kaya napaluha na rin ako, kaya pala hindi siya ganun kasaya.
"Okay lang yan Naira, matatapos din to" pampalubag loob namin sakanya.
"Oh siya si Shawn naman... ay okay ka na ba Shawn?" tanong ni Riley kay Shawn, tumango naman ito."Medyo lang... pero wag niyo na akong intindihin. May bandage naman na ako" sabi niya kaya tumango kami.
"Okay, ang isa sa mga happy moments ko ay noong nag-anniversary ang barkada namin noong bakasyon. Nag-outing kami sa resort ng tita ni Jenny, nag-reminisce ng mga memories. Sana nga nandito parin si Jenny... kahit na ganito yung ginawa niya. Pinagtangkaan niya ako, pero kahit na ganun kaibigan ko parin siya and I want to say sorry for her. Kung naririnig naman ako ng killer ngayon, please wag mo nang ipagpatuloy yan. Malupit ang karma" kalmado pero nakangiting sabi ni Shawn kaya napangiti ako, nang matapos ang activity namin ay dumerecho kami sa lake."Next activity, kelangan niyo maggroup into two. Okay?" sabi ko nang makapunta na kami sa tabi ng lake.
"Yes Ma'am!" sabay sabay nilang sabi kaya ngumiti ulit ako, sana lagi nalang ganto. Yung walang patayan na nagaganap, sana nga... sana.

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Misteri / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...