14 - Gamer's Over

25 3 1
                                    

Third Person's POV

Nagising si Riley nang maramdaman niyang wala pala si Jenny sa tabi kaya napatayo ito at napatingin sa wrist watch niya.
"Ang aga ata nagising ni Jenny ah? 4 palang, pero 5 pa naman magsisimula ang activities. Hayy, hayaan na nga. Baka nag-CR lang" bulong niya sa sarili at nag-unat, nang mapatingin siya sa dulo ay nakita niya si Naira na nakaupo. Tila may hinahanap ito sa kaniyang bag kaya tinawag siya ni Riley.
"Any problem Naira? Mukhang may nawawala sayo, do you need help?" tanong niya pero hindi siya sinagot ni Naira.
"Hindi. Nawawala lang yung jacket ko" tipid niyang sabi habang inaayos ang mga damit na inilabas niya sa bag niya.
"Ah, tulungan na kita. Ano bang hitsura nun?" tanong ko, nilarawan naman ito ni Naira kaya nagsimulang maghanap si Riley.

"Wala naman, saka wala naman sigurong magtatangkang manguha nun diba?" tanong ni Riley, nagkibit balikat naman si Naira kaya huminto na sila sa paghahanap.
"Mahalaga ba yun sayo?" tanong ulit ni Riley nang huminto sila sa paghahanap.
"Oo, bigay yun sakin ng tita ko na namatay" sagot nito kaya medyo natakot si Riley, nagkaroon naman siya ng kuryosidad tungkol sa pagkamatay ng tita ni Naira kaya tinanong niya ito.
"Bakit pala namatay yung tita mo? May sakit ba siya?" tanong niya dito.
"Pinatay siya ng best friend niya" seryosong at matipid na sagot ni Naira habang nakatingin sa mga mata ni Riley, kinilabutan naman ito sa sinagot ni Naira.
"Bakit siya pinatay?" tanong niya ulit kay Naira.
"Inakala ng best friend niya na siya ang nagsabi na buntis ito at pinagkalat sa buong campus, nang mawala ang anak ng best friend niya pinatay siya pati na ang ibang mga kaklase niya" dahil sa takot ay hindi nagtanong pa si Riley, naisip niya na parehas ang kinahantungan ng mga kaklase at ng tita niya ang nangyayari sakanila ngayon.

***

"Kulang tayo ng dalawa ngayon, sila Jenny at Shawn. May nakakita ba sainyo kung nasaan sila?" tanong ni Mam Bartolomeo sa mga estudyante niya, wala naman ni-isa sakanila ang sumagot kaya nag-alala siya kila Jenny at Shawn.

"Mam! May natagpuan pong bangkay ng babae na nakabitin patiwarik sa isang puno tapos isang lalaki na mukhang nawalan ng malay sa likod ng isa ding puno dun sa gubat!" sigaw ng staff ng camp kaya naman nilingon siya ng mga guro at estudyante ng 4-A.
"A-ano?! Nasan yun?!" agad naman nilang pinuntahan kung saan natagpuan ang bangkay ng babae at isang lalaki sa gubat, nalaman agad nila na ang bangkay na babae ay si Jenny at si Shawn naman ang walang malay na lalaki.
"Oh my God, bakit nangyari to?! Akala ko ba nalock mo ng maayos ang tinutuluyan nila David?!" halos pasigaw na tanong ni Mam Bartolomeo kay Mam Cordova.
"Maayos yung pagkakalock ko dun Mam, baka...iba yung gumawa niyan" sabi ni Mam Cordova kaya naman tinignan siya ni Mam Bartolomeo.
"What?! Hindi ba si Jenny na ang nagsabi na sila David at Niro ang killer?!" nang isigaw ito ni Mam Bartolomeo ay naalarma ang mga staff ng camp pati na ang mga caretaker na nasa gilid lang.

"K-killer? Ano pong ibig sabihin nito?" pagtataka ng isang staff kaya napatingin sila dito.
"May mga patayang nagaganap sa mga estudyante ko, at patuloy naming hinahanap ang killer. Ang akala ko naresolba na yun pero hindi pa pala" pagpapaliwanag ng guro kaya tumango ang staff.
"O-okay po, k-kung gusto niyo ilagay muna natin yung sinasabi niyong killer sa kamay ng pulis?" tanong ng staff kaya pumayag naman ang guro at agad na pinapunta ang dalawang eatudyante kasama si Mam Cordova sa pinagtuluyan nila Niro at David.

*awhile ago*

Niro's POV

Nagising ako nang nararamdaman kong may nagbubukas ng pinto, tinignan ko si David sa kabilang kama pero wala siya.
"Sh*t" nasan ba siya?!

*blag*

Napatingin ako sa pinto, mukhang may nagpupumilit pumasok. Di kaya si David yun? Pero di naman siguro, kung kaklase namin yan...meron namang susi eh. Pero nasan ba si David?

Kukunin ko sana yung cellphone ko kaso kinuha pala yun ni Mam Cordova, sh*t. Mukhang ako na yung isusunod ng killer.

Kinuha ko yung upuan na kahoy saka ko iniharang sa pinto, nagharang pa ako ng maraming mabibigat na bagay sa pinto at nanguha ng isang mahabang kahoy. Gamer ako kaya alam ko ang mga pwedeng gawin kapag nasa ganitong sitwasyon, kelangan kong maging matatag. Hindi dapat ako mapatay ng killer.
"Niro! Wag mo na akong pahirapan pa, alam kong gising ka na" rinig kong sabi ng tao mula sa labas, at hindi yun boses ni David.

Nanatili akong tahimik at naghahanap ng mga pwedeng pagtaguan sa bubong o mga pwedeng lusutan, nakakita ako sa itaas. Since kugon ang bubong nito ay pwede ko itong sirain para makalabas, sana gumana. Please...

Sinimulan kong tusukin ang kugon hanggang sa makalagpas yung kahoy na hawak hawak ko, pwede siya...ngayon kelangan kong makaakyat dun. Sana makaakyat ako.
"Niro ano ba!? Buksan mo na to at para hindi na ako mahirapan!" reklamo ng tao sa labas pero di ko siya pinansin, umakyat ako sa bubong. Madali lang dahil mababa lang ang bubong kaya madali akong nakaakyat, tinanggal ko yung mga kugod na nakaharang. Nang may sapat na siyang butas para makalusot ako ay umakyat ako dun, nang nasa bubong na ako ay naghanap ako ng paraan para makababa. Mahirap makakita ngayon dahil bukod sa maraming sanga sa punong to ay di pa umaangat ang araw, kelangan kong magdahan-dahan.

"Sh*t" kung minamalas ka nga naman oh, nasugatan pa yung kamay ko sa nakausling kahoy. Argh! Bahala na! Basta dapat makakababa ako!

"Aha! Ang talino mo talaga Niro! Naglagay ka pa ng bakas sa bubong ano?" rinig kong sabi ng tao kanina na pilit binubuksan ang pinto, ambilis naman niya?!
"Wag ka nang magtago, alam kong nandyan ka lang" narinig ko siyang tumawa, sinubukan kong umakyat pa sa itaas kaso may naramdaman akong tumusok sa tyan ko. Sh*t. Nahuli niya ako.
"Woah haha! Ang galing ko talagang umasinta, patay ka sakin ngayon" unti unti ay nararamdaman kong lumalapit siya sakin kaya naman nung malapit na siya sakin ay agad ko siyang sinipa. Kaso nung lalayo na sana ako ay naramdaman kong may sumipa sa paa ko kaya natumba ako, mas lalo pang lumalim yung saksak sakin kaya napasigaw ako sa sakit.
"Got yah! Sinasabi ko sayo di mo ko matatakasan" sabi niya kaya napatingin ako sa likuran ko, medyo lumiliwanag na dahil lumalabas na yung araw at nalilinawan ako sa mga nakikita ko.
"I-ikaw? I-ikaw ang k-killer?" hindi ako makapaniwala, ang galing niyang um-acting. Ni hindi ko naisip na killer siya.
"Oo, ako nga. May angal ka?" nakuha pang mamprangka nito, kung wala lang akong saksak baka nasapak ko na siya. Kaso masakit yung pagkakasaksak sakin at pakiramdam ko ay marami nang dugo ang nawala sakin.
"Ahhh!" mas lalo atang sumakit nung hinugot niya yung kutsilyo sa tyan ko, tinarak niya naman ulit sakin yun at sinaksak ako ng ilang beses. Ang huli kong naramdaman ay tinulak niya ako at saka ako bumagsak, sumulyap ako sa langit at nakita ko ang araw. Bakit? Bakit kelangan naming maranasan to? Itong pagpapahirap? Hindi ko na kaya...mamamatay na ako...mawawalan na ako ng hininga. Paalam na David, pati na sa mga kaklase ko. Sana malaman niyo na kung sino talaga ang killer, kayo na ang bahala...hanggang sa muli.

=====

Waaaaah! Ang galing! Nakatatlong update ako! Wahahaha! XD

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon