08.1 - Guitar Strings

35 3 0
                                    

(Third Person's POV)

Makalipas and tatlong araw, may nakitang bangkay ang mga pulis habang nag-eekspeksyion sa nawawalang estudyanteng si Brian. Sunog na ang katawan nito at hindi na makilala, kaya naman pina-autopsy ang bangkay na nakita.

"We're so sorry Mam, hindi pa po namin masasabing siya nga ang estudyanteng hinahanap niyo apat na araw na ang nakalilipas. Pero may hinala po kami na siya po yun" sabi ng doctor sa school principal ng SMHS.
"Okay doc, maraming salamat po. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa section one ng fourth year, hindi kaya mauulit nanama--" agad itong natigilan nang makita ang isang babaeng naka-sibilyan, nanlilisik ang mga mata nito na para bang papatay ng tao.
"Is there something wrong Mam Romualdez?" tanong ng doctor saka lumingon sa pintuan ng principal's office, mabilis na nawala ang babae na parang bula.
"W-wala doc, wag niyo na akong intindihin. Sige, you can go now. Maraming salamat po ulit" tumango ang doctor saka tumayo at umalis na ng tuluyan ng principal's office.

Napahawak sa sentido ang principal, hindi siya makapag-isip ng tama dahil sa narinig at nakita.
"Good morning Mam!" masayang bati ng isang babae mula sa pintuan ng principal's office, agad naman na napatingin dito ang principal ng school. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa babaeng nasa harapan niya.
"A-anong ginagawa mo d-dito?" kinakabahang tanong nito sa babae, ngumiti naman ito ng parang bata.
"Hmm, siguro mag-eenjoy at mag-rerelax? Hahaha" tumawa ito na parang bata ngunit sa kaloob looban ay isang demonyo.
"U-umalis ka dito! Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga ginagawa mo?!" sigaw ng principal sa babae, ngumisi lamang ito saka bumunot ng baril galing sa kanyang likuran. Agad na napatayo ang principal saka nanguha ng cellphone, tatawagan na niya sana ang pulis nang biglang may kumatok sa pintuan ng office. Tinago naman ng babae ang baril saka umupo sa silya sa tapat ng lamesa ng principal.

"P-pasok" may pumasok naman na dalawang estudyante mula sa 4-A at sabay na bumati sa principal.
"Mam sabi ni Sir Aron di daw siya makakapunta" sabi ng isang estudyante sa kanilang principal, napatingin naman ito sa babae na patingin-tingin lang sa paligid.
"Okay, sabihin mo sakanya ako nalang ang pupunta sa room niyo" sabi ng principal saka tumango ang dalawang estudyante, palabas na sana sila nang tinawag ng principal ang isa sakanila.
"Ah Allison, saglit lang" napatingin si Allison sa kanilang principal, napatingin din sakanya ang babae.
"Yes Mam?" tanong ni Allison sa principal.
"W-wag na pala, sige. You can go" sabi nito saka nagpaalam ang dalawang estudyante. Nang makalabas ang mga estudyante ay dahan dahang nagdial sa cellphone niya ang principal dahil nakita niyang nakatahimik ang babaeng kaharap.

"Hah. Akala mo ba hindi kita mapapansin?" sabi nito nang mahuli niya ang principal.
"Please...wag mong gagawin yan" pagmamakaawa ng principal nang makita niya ang baril mula sa babae.
"Wag? Pinipigilan mo ko? Bakit? Tumigil ba kayo nung nagmamakaawa akong wag niyo kong saktan? Tumigil ba kayo nung sinabi kong nasasaktan na ako? At tumigil ba kayo nung pinilit niyo akong patayin ang sarili kong anak?!" sigaw nito sa principal, napaiyak ang babae dahil sa galit niya sa principal.
"Inutusan lang ako...I'm sorry, alam kong mahirap para sakin na makita kang nasasaktan. Pero--" pinigilan siya ng babae nang itutok sa ulo niya ang baril.
"Pero ano?! Ha?! Pero wala kang nagawa?! F*ck! Marami kang ginawa! Inutos mo sa mga teachers, students, at mga parents na pahirapan ako! Na pahirapan kami ng anak ko dahil sa maling akala!" sigaw nito habang nakatutok ang baril sa ulo ng principal.
"I'm sorry...I'm sorry" halos lumuhod na ang principal dahil sa paghingi nito ng tawad sa nagawa.
"Sorry? Sorry nalang ba ang sasabihin mo? Hah. Tignan natin kung makakapagsorry ka pa kung patayin ko yung pamilya mo?" sabi nito kaya naman napaluha nalang ang principal sa narinig.
"Please maawa ka, wag mo silang patayin...a-ako nalang, ako nalang ang patayin mo. Wag na sila, ako nalang" pagmamakaawa nito, napangiti naman ang babae sa ginawa ng principal. Walang alinlangan niyang pinutok ang baril sa ulo ng principal na siyang agad na ikinamatay nito. Bago lumabas ay pinunasan nito ang baril at ibinigay sa principal, ipinahawak sa kamay nito na para bang siya ang mismong pumatay sa sarili. Masayang lumabas ang babae mula sa office at naglakad sa hallway na para bang wala siyang pinatay.

Mack's POV

"Dude, aalis ka na?" tanong ni Arden sakin nung nakita niya akong nag-aayos ng mga papers para sa paglipat ko sa ibang school.
"Oo pre, ayoko na dito" sabi ko saka inilagay yung mga papers sa bag ko, kinuha ko yung gitara ko saka lumabas ng room para puntahan si Mam Romualdez.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakasalubong akong babae, matangkad siya at mukhang nasa 25 plus na yung age. Mukhang naliligaw ata.
"Ah excuse me po, mukhang naliligaw ata kayo dito. Kelangan niyo po ba ng tulong?" tanong ko sakanya, napatingin naman siya sakin. At tama nga ang hula ko, nalikigaw ata siya.
"Oo eh, di ko kasi alam kung nasaan ba yung comfort room?" tanong niya kaya sinamahan ko siya papunta sa comfort room, tahimik lang naman kami habang naglalakad.
"Malapit na po yung cr dito, derechuhin niyo nalang po yung hallway na to tapos lumiko kayo sa kanan" sabi ko tapos tumango siya.
"Mukhang nagmamadali ka ah, saan ka ba pupunta?" tanong niya.
"Sa principal's office po, magpapatransfer na kasi ako sa ibang school" sabi ko.
"Ah, ganun ba? Pero nung pumunta ako dun wala siya eh, may pinuntahan ata. Samahan mo na muna ako" sabi niya, napakamot nalang ako ng ulo tapos sinamahan ko siya. Habang patagal ng patagal kaming naglalakad, napapansin kong hindi na kami papunta sa cr kaya naman palihim akong lumayo sakanya. Kinutuban na ako, ayokong matulad ako sa mga kaklase ko. Ayoko pang mamatay.

Dahan dahan akong tumakbo pero bago ako makalayo sakanya ay nakasalubong ko sila.
"Saan ka pupunta?" tanong ng isa sakanila, nagtaka ako dahil nandito sila.
"Wala na kayong pake dun, paraanin niyo muna ako" sabi ko pero di sila umalis, mas lumakas yung kutob ko na baka ako na yung susunod.
"Hindi ka namin papadaanin. Sabihin mo muna kung bakit nagpapalipat ka" sabi niya, umiling ako saka ako tumalikod. Aalis na sana ako nang harangan ako ng babae, k-killer din ba siya?
"K-killer...mga killer kayo...mga killer!" sigaw ko habang pinapalibutan nila ako.
"Bakit? Natatakot ka na ba?" tanong ng babae sakin, hindi ako sumagot. Naghanap ako ng tyempo para makaalis sakanila, nung nakita kong may uwang sa pagitan nila ay sinubukan kong tumakbo. Kaso naramdaman kong may tumusok sa tagiliran ko kaya ako napasigaw sa sakit, sabi na eh. Sila yung killer...at may kasabwat pa silang hindi estudyante.

"Please wag niyo kong papatayin" pagmamakaawa ko habang hinihila nila ako papasok sa isang room.
"Wow, ngayon ka pa nagmakaawa na wag kang patayin?" sabi ng isa sakanila, hindi ko sila makita dahil piniringan nila ako. Nararamdaman ko ding tinatali nila ako sa isang upuan kaya hindi na ako makapiglas.
"Please wag niyo namang gawin to oh" pagmamakaawa ko pero di sila tumitigil.

"Bakit yung mga pinatay mo? Hindi ka naman tumigil nung nagmakaawa sila diba?"

=====

Sorry sa matagal na paghihintay guys. Hehe

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon