Third Person's POV
Habang nag-aabang sila David at Niro sa kaibigan nilang si Brian ay nakita nilang naglalakad mag-isa si Mack habang may hawak hawak na gitara. Napansin naman ni Niro ang kulay pulang mantsa sa ilalim ng uniform ni Mack ngunit binalewala lang niya ito.
"Mack! Nakita mo ba si Brian? Antagal niya kasi eh" sabi ni David kay Mack, napatingin naman si Mack kay David saka ito umiling at nagmadaling umalis. Naguluhan naman si David kaya kinuha niya ang gamit kay Niro.
"Puntahan na kaya natin yun, mukhang nag-enjoy na kakapaint dun sa Arts room" sabi ni David kay Niro kaya inayos nila ang mga gamit nila saka naglakad papunta sa Arts room. Pagpasok sa Arts room ay nakita nila ang isang painting na tanging kulay pula lang ang makikitang kulay sa painting.
"Aba, ayos din yung nagpintura nito ha. Di naman siguro galit sa red paint?" pagbibiro ni David pero nagtaka siya dahil wala man lang naging reaksyon si Niro.
"Tumawa ka naman diyan tol" sabi ni David kay Niro pero hindi siya pinansin nito."Diba Music ang pinuntahan ni Mack?" tanong ni Niro kay David kaya natawa si David.
"Malamang. Dun lang naman magaling yun eh, hahaha!" biro nito pero walang reaksyon si Niro kaya sumeryoso siya.
"Ano bang problema mo at hindi ka nagrereact sa mga jokes ko?" tanong nito kay Niro saka siya umiling.
"Wala. Nagtataka lang ako" sabi niya saka tinignan ulit ang painting.
"Nagtataka kang gwapo ako? Nako tol, matagal ko nang alam yan. Haha" ngumisi nalang si Niro saka sila lumabas ng Arts room saka ito sinara, nakita naman nila si Arden na naglalakad kaya tinanong niya ito."Arden nakita mo ba si Brian?" tanong ni David kay Arden pero isang iling lang ang isinagot nito saka nagmadaling umalis, nagtaka naman si David sa inasta ni Arden pero hinayaan niya nalang ito saka hinanap na lang si Brian.
Sa kabilang banda, naglalakad si Lana habang kasabay ang boyfriend nitong si Rohan na taga-section B.
"Babe bakit ba ang tahimik mo?" tanong ni Rohan.
"W-wala babe, hayaan mo lang muna ako" sabi nito kaya hinayaan nalang siya ni Rohan saka sila nagpatuloy na maglakad.Lana Catherine's POV
Hindi ako mapakali, nag-aalala ako sa pwedeng mangyari.
"Cath! Tara sa canteen!" rinig kong sigaw ni Tamara kaya lumingon ako sa likuran ko kung saan ko siya narinig, nakita kong kasama niya sila Arden, Mack, at Geisha.
"Ah babe pwede ba akong sumama sakanila?" tanong ko kay Rohan, tumango naman siya.
"Sige, magbabasketball naman kami ng mga tropa ko eh. Bye babe" sabi niya tapos hinalikan ako sa noo, ngumiti naman ako tapos lumapit ako kila Tamara. Nang tignan ko sila Arden ay bigla nalang bumalik yung kaba ko, nakakainis dahil kanina pa to nang mapadaan ako sa room na yun."Okay ka lang ba Lana?" tanong ni Geisha kaya tumango ako at ngumiti, pero di parin mawala yung kaba ko. Parang habang tumatagal, mas tumitindi yung kaba ko. Wala sanang masamang mangyari.
"Tara na sa canteen, gutom na ako eh" sabi ni Tamara tapos pumunta na kami sa canteen, hindi ako mapakali kaya hinawakan ko yung kamay ni Tamara kaya nilingon niya ako, siguro nagulat siya.
"Kagulat ka naman bes, bakit gusto mong magholding hands tayo?" tanong niya kaya tumawa nalang ako ng peke, hindi niya naman nahalata kaya hinayaan niya nalang ako.***
"Ah guys may tawag si mommy. Alis muna ako ha? Baka kasi importante" sabi ni Tamara kaya umalis na siya habang hawak hawak yung phone niya.
"Oh, diba kaklase natin yan si Desiree?" tanong ni Arden saka tinuro si Desiree na kakapasok lang ng canteen. She's so familiar...ah! Alam ko na! She's the dumb girl who bumped us.
"Invite mo siya Geisha, mukhang loner oh" sabi ni Mack kaya tumayo si Geisha at kinausap si Desiree. Maya maya pa ay lumapit silang dalawa samin tapos umupo si Desiree sa tabi ko, hindi ako tumitingin sakanya. Ayokong nakikita siya dahil naaalala ko si Angelica."Ay mga iho at iha, magsasara na kami. Sa ibang canteen nalang kayo" rinig kong sabi ng tindera kaya umalis na kami, hinanap ko naman si Tamara kaso wala na siya. Nang-injan pa. Bwisit.
"Ay guys una na pala kami ni Mack, may practice pala kami. Next time nalang ha? Bye guys!" paalam nila Mack at Arden tapos umalis na sila, nagpaalam na din si Desiree kaya dalawa nalang kami ni Geisha ang magkasama. So naglakad kami papunta sa kabilang canteen kaso bigla nalang may nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko, pagkatapos nun, nawalan na ako ng malay.
***
"Antagal naman magising nito oh" rinig kong boses galing sa tabi ko, sinubukan kong imulat yung mata ko kaso wala akong makita. Ngayon ko lang na-realize na may takip pala yung mata ko kaya sumigaw ako. Eto ba yung dahilan kung bakit kinakabahan ako?
"Tulong! Tulong! Pakawalan niyo ko!" sigaw ko saka ako nagsimulang umiyak, narinig kong tumawa yung katabi ko kaya sinubukan ko siyang harapin kaso nakatali yung mga kamay at paa ko pati na yung tyan ko kaya hindi ako nakagalaw.
"Tss. As if na may tutulong sayo. Bitch" rinig kong sabi ng katabi ko, agad kong nabosesan yun kaya nagsisigaw ako.
"Walang hiya ka! Akala ko mabait ka! F*ck you!" sigaw ko habang lumuluha, narinig ko naman yung mga halakhak niya. Gusto ko siyang patayin, siguro siya din yung pumatay kay Angelica!"Hmm. Looks can be deceiving nga eh diba? Ang t*nga mo naman" sabi niya tapos narinig kong gumalaw siya.
"Ikaw ang t*nga! Hindi ka ba sinisikmura sa mga ginagawa mo?!" sigaw ko.
"Hindi naman. I love it nga eh, hahaha!" mukhang may sayad na to sa ulo, gusto pa niyang pumapatay?!
"Isa kang b*tch!" sigaw ko tapos bigla akong nakuryente, mas lalo akong naluha nang naramdaman kong may tumusok sa paa ko.
"AAAAAHHHHH!! F*ck ka talaga!" sigaw ko habang lumuluha sa sakit, pero siya tumatawa lang na parang demonyo. Hayop siya! Mamamatay siya at mapupunta sa hell!!!"Hahahaha! Masakit ba Ms. Popular? Hahaha!" tawa siya ng tawa tapos tinanggal niya yung takip sa mata ko.
"Ikaw!! You're going to f*cking hell! B*tch!" sigaw ko sakanya pero mukhang may sayad na talaga siya.
"Ooh, try mo nga. Hahaha!" sabay sinaksak niya ako ng ilang ulit, ramdam na ramdam ko ang sobrang sakit ng mga saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Nakita ko pa siyang may kinuha sa isang tabi, nang makita ko yung hawak hawak niya ay mas lalo akong natakot.
"Kita mo to? Alam mo bang magandang prize to sa pagiging Ms. Popular mo?" tanong niya saka niya inipit yung dalawang alligator clip sa mga paa ko, saka siya ngumiti na parang bata. Pumunta siya sa isang tabi saka inangat yung hinahawakan niya, ngumiti pa siya bago itinaas ang volt saka ako nakuryente."Aaaaaaaahhhhhhhhh! T-tama na! Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!" sigaw ko, rinig na rinig ko yung mga halakhak niya habang nakukuryente ako. Unti unti ay nararamdaman ko nang mawawalan na ako ng hininga, Tamara...sorry kung iiwanan kita. Mukhang gusto na ni Angelica na magkasama kami eh, pasensya na.
"Goodbye Lana. See you in hell, b*tch" huling naramdaman ko ang pagsaksak ng ilang beses sa mukha ko saka ako nawalan ng hininga.
Killer's POV
"Okay na ba?" tanong ng kasama ko habang pinapanood niya ang napakagandang pagkamatay ni Lana.
"Yeah. Binigyan ko na rin siya ng trophy, sinaksak ko dun sa tiyan niya" sabi ko saka ako tumawa, grabe talaga yung hitsura niya.
"Tama lang yun, paepal kasi siya. Masyadong mataray, mahina naman pala. Tsaka kala mo kung sinong maganda. Tss. Tignan nalang natin kung anong magiging reaksyon nila kay Lana" natatawang sabi ng kasama ko saka kami nag-apir.Ms. Popular's done, who's next?

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...