05 - Bloody Art

60 3 5
                                    

(Third Person's POV)

Habang naglalakad ang grupong PrincessTrio ay nakabungguan ni Tamara si Karl na abalang abala sa kakakuha ng picture sa paligid.
"Ouch! What the-- ahh... sorry Karl. Hehe" tinignan lang siya ni Karl saka nagpatuloy sa pangunguha ng litrato.
"Mukhang bad mood siya ngayon, anyare kaya?" tanong ni Tamara sakanyang natitirang kaibigan.
"Kasi binangga mo" sabi ni Cath kaya hinampas siya ni Tamara.
"Che! Edi wow nalang sayo Cath, una na ako sa canteen" naglakad ito ng mabilis kaya hinabol niya ito.

Samantala, habang busy sa pangunguha ng litrato si Karl ay aksidente niyang nakuhanan ng litrato ang tindera ng canteen na may hawak-hawak na putol na kamay ng tao. Dahil sa takot ay agad niyang pinatay ang camera at tumakbo pabalik sa kanilang room.

"Oh Karl? Nangyare sayo? Mukha kang nakakita ng multo?" tatawa-tawang tanong ng kanyang kakambal nang makita siya nito, hindi niya na lang pinansin ang kakambal at pumasok na sa loob ng classroom. Nakita naman siya ni Riley kaya nilapitan siya nito.
"Ayos ka lang Karl?" tanong ni Riley sa kaklase.
"A-ayos lang, wag niyo na akong intindihin" tumango nalang si Riley saka ito nagpaalam.

Gulung-gulo si Karl sa nakita kanina, takot agad ang namuo sa kanyang isipan nang makita ang putol na kamay ng tao. Puno ng tanong ang isip, hindi siya mapakali.
"Sh*t lang. Ano ba to?" inis na bulong nito saka huminga ng malalim, nagpalipas na lamang siya sa loob ng classroom habang nagtatanong sa sarili kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng nakita niya.

(Brian Antonio's POV)

"Grabe naman yung nangyari kay Eric. Magbabayad talaga sila Arden sa ginawa nila" sabi ni David nung lumabas siya mula sa faculty ng mga teachers.
"Hayy, magbabayad talaga sila. Wala tuloy akong kalaro sa Dota ngayon" sabi naman ni Niro kaya binatukan siya ni David.
"G*go ka talaga. Dota parin talaga iniisip nito kesa sa sariling kaibigan" sabi ni David kay Niro, napailing nalang ako sakanilang dalawa. Ang kulit talaga nila.
"Mas mabuti pa pumunta nalang tayo ng canteen" sabi ko sabay batok nilang dalawa sakin, problema nun?!

Kainis.

*

"Ang ingay sa loob, boses agad ni Percival yung naririnig ay" sabi ni David habang papasok kami sa canteen, oo nga maingay sa loob ng canteen. Nagsisigawan, nagtitilian. Parang mga nakawala sa kural.

"Hoy guys tama na! Wag kayong maingay!" sigaw ni Geisha habang pinapatahimik yung mga kaklase namin.
"Wala kang pake! Kita mong nagrereklamo kami dahil sa mga pagkain na binili namin!" rinig kong sigaw ni Percival, nilapitan naman ni David silang dalawa.

"Ano bang problema niyo? Ba't kayo nagsisigawan?" tanong ni David.
"Pano ba naman kasi? May mga buhok ay kuko yung binili namin na sandwich, eh pano kung magkasakit kami?" ano daw? Kuko at buhok? Imposible naman ata yun.
"Weh? Tingin?" pinakita ni Percival ang sandwich niya kay David at nakita namin ang mga buhok at kuko sa sandwich, nakakadiri!
"Oh? Sino ba naman ang hindi mandidiri at magrereklamo dito?" tanong ni Percival.

"Guys! Tama na! Parating na yung principal! Tahimik na guys!" rinig kong sigaw ni Jenny, yung matalino sa klase namin. Maya maya pa ay dumating yung principal namin tapos lumapit yung mga kaklase namin sakanya at saka nagreklamo.

"Okay, okay. Everyone, calm down. Kakausapin ko yung tindera at irereport natin to sa pulis, is it okay?" tanong ni Mam Principal tapos pumayag naman sila, agad na hinanap ni Mam Principal yung tindera ng canteen.
"Wala na ata Mam, tumakas na" sabi ng isa naming kaklase kaya pinasok nila yung kusina ata dito sa canteen, yung kung saan nagluluto yung mga tindera.
"Oh my God...aaaaahhhhhhh!!!" agad kaming nagsilapit sa kaklase naming sumigaw, nakisingit ako saka ko nakita ang duguang tindera ng canteen.
"Oh my, sinong may gawa nito?" tanong ng principal tapos agad siyang nagpatawag ng pulis, may dumating naman agad na dalawang pulis saka nilagyan ng yellow tape yung paligid ng pinangyarihan ng crimen.

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon