13 - Envied

22 3 1
                                    

Killer's POV

Sigurado naman tulog na silang lahat no? Tss. Bwisit sila, pagbintangan bang isa sa aming tatlo ang killer? Well tama naman sila, ang galing niyo! At magsisisi kayo sa ginawa niyo sakin! Lalo na sayo Jenny, bwisit ka. Akala mo kung sinong magaling, porket top 1 ka akala mo matalino ka? Sus! Tamad ka naman, pinapagawa mo lang lahat kay Shawn! Kaya si Shawn dapat ang maging top 1. Bwisit ka, ikaw na ang isusunod ko.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at naglakad ng dahan dahan at baka may magising ako, kinuha ko yung gamit ko at nanguha ng isang kutsilyo. Nang maramdaman kong gumalaw tong katabi ko ay agad akong napabalik sa higaan ko.
"Oh? Di ka ba makatulog ng maayos?" tanong niya, umiling ako at hinigpitan ang hawak hawak kong kutsilyo. Hindi ko muna siya papatayin, si Jenny muna. Papatayin ko muna siya, yug bwisit na bintangerang yun.
"Sayo nalang yung unan ko, sanay naman akong di nag-uunan" binigay niya sakin yung unan niya tapos natulog na ulit siya, naghintay nalang ako ng limang minuto bago kumilos. Tinignan ko yung relo ko, 2 am. Siguro naman mahimbing na yung tulog nun ano?

Syempre bago ako umalis nilagay ko muna yung unan sa ilalim ng kumot, di naman mahahalata na di ako yun diba? Hayy! Talino ko talaga!

Jenny's POV

Nagising ako dahil naalimpungatan ako sa phone ko, nagpapatugtog pa pala ako. Baka bukas malowbatt pa to kaya patayin ko nalang.

Bago ko patayin yung phone ko ay tinignan ko yung picture ko last year noong recognition namin, top 1 ako pero hindi pumunta sila dad at mom. Di kasi sila naniniwala na top 1 ako, ang sabi pa nga nila dapat si Shawn ang top 1 dahil siya yung lagi kong pinapagawa ng mga outputs ko na hanggang ngayon ay di ko maiwasang gawin. I was hurt, kaya nagkaroon ako ng sama ng loob kay Shawn. Puro nalang siya yung bukam-bibig nila mom at dad, tapos puro masasama yung sinasabi nila sakin. At hindi ako papayag na ganunin ako nila mom, kaya naman ngayon...papatayin ko siya.

Tumayo ako at lumapit sa bag ko, kinuha ko yung pocket knife sa bulsa nun at saka ako lumabas. Nakita ko naman si Shawn na umiinom ng tubig kaya nilapitan ko siya.
"Shawn, gising ka pa pala?" tanong ko sakanya kaya napatingin siya sakin.
"Oh? Ikaw pala yan Jenny, gusto mong tubig?" alok niya sakin ng tubig pero tumanggi ako, syempre di ko muna siya papatayin. Gusto ko sa labas.
"Hindi, gusto mo sa labas tayo? Magpapahangin lang" tanong ko, pumayag naman siya pero huminto din.
"Pwede ba yun? Baka pagalitan tayo" sabi niya, tss. Sure namana kong mahimbing ang tulog nila dahil pagod sa byahe, di sila magigising.
"Pwede yan, tsaka miss ko na ang fresh air. Tara sa labas" pag-aaya ko, sa huli ay pumayag siya tapos tahimik kaming lumabas. Bumaba kami sa tree house tapos pumunta kami sa isang bench dun sa gilid ng malaking puno.
"Anlayo natin ha, haha" sige, tumawa ka pa habang buhay ka pa dahil mamaya mamamatay ka na.
"Ganun talaga, para di nila tayo marinig" sabi ko kaya napatawa ulit siya.
"Haha. Ikaw kamo, anyway ang lamig pala dito no?" magiging kasing lamig mo yung nararamdaman mo pag namatay ka na.

Ngumiti ako at hinigpitan ang hawak kong pocket knife sa kamay ko.
"Alam mo ang galing mo kanina, nahulaan mo kung sino yung killer" pagkasabi niya nun ay mas lalong nadagdagan yung inis ko sakanya, pero pigil pigil muna Jenny, mamaya ka na umarangkada.
"Syempre, tsaka para wala nang mamamatay satin" ikaw nalang dahil ako ang papatay sayo.
"Oo nga, pero di ako makapaniwala sa sinabi ni Dane. Nandun pala siya nung pinatay nila si Lana" sabi niya saka tumingin sa langit.
"Nakakamiss pala yung mga kaklase nating namatay no?" malungkot niyang tanong habang nakatingala.
"Bakit naman?" tanong ko sakanya.
"Wala, kasi di na buo yung 4-A. Tsaka naaalala ko pa kapag naglalaban yung band namin saka band nila Arden, yung mga kaklase natin laging nag-aaway kung sino yung susuportahan nila lalo na sila Lana at Angelica" masayang sabi niya kaya napangisi ako.
"Oh, ganun ba? Eh ikaw? Gusto mo bang ma-miss ka din namin?" tanong ko kaya napatingin siya sakin.
"Huh? What do you mean?" pagtataka niya, ngumiti ako saka pinakita ang pocket knife. Napatayo naman siya, dapat lang! Matakot ka!
"Kelangan mo nang mamatay, lagi nalang ikaw yung magaling pagdating sa mga magulang ko! Kaya papatayin nalang kita para sakin naman sila maging proud!" sigaw ko saka tumulo yung mga luha sa mata ko, agad ko siyang sinugod at nasugatan ko siya sa braso niya. Agad namang nagdugo yun kaya napaupo siya.

"T-traydor ka Jenny! Kaya pala pinagbintangan mo sila David na sila ang killer pero ang totoo, ikaw ang killer!" matapang niyang sigaw habang lumalayo.
"Hindi naman sa ganun, diba nga matalino ako? And hindi na kita kailangan kaya dapat ka nang mamatay!" sinaksak ko siya pero sinalag yun ng kamay niya kaya nasugatan ulit yung kamay niya, nanlaki naman yung mata niya nang tinignan niya ako.
"J-jenny...l-lumayo ka...lumayo ka na!" oh? Ako pa pinapalayo mo? Pwes, magkakamatayan muna tayo!
"Tumakbo ka na habang maaga pa Shawn" sabi ko sakanya, napatayo naman siya saka ko siya sinubukan saksakin nang naramdaman kong may tumusok sa tagiliran ko. Nabitawan ko yung pocket knife ko at tinignan ang taong sumaksak sakin. Naka-hood niya kaya di ko makita yung buong mukha niya.
"Oh ano? Natatakot ka ba?" tanong niya saka ngumiti ng nakakaloko.
"Sinasabi ko na nga ba ikaw ang killer!" sigaw ko saka ko siya dinuraan sa mukha, nang mapabitaw siya sakin ay nagkaroon ako ng chance na makatakbo kaso natisod ako sa bato kaya natumba ako. Nakita ko naman si Shawn na nakatago sa likod ng isang puno kaya tinawag ko siya.
"Shawn! H-help me!" pagmamakaawa ko, tatayo na sana ako nang may sumaksak sa mga paa ko kaya agad akong napasigaw.
"Ahhh! Wag mo kong papatayin! Please!" pagmamakaawa ko, ayoko pang mamatay!
"Para ano? Para mapatay mo yung kaibigan mo? Bintangera ka na nga, traydor ka pa. Tse" dinuraan niya din ako kaya sinipa ko siya, hindi rin ako makatayo dahil sa saksak sa paa ko ka naramdaman kong hinila niya ako at saka ako pinagsasaksak sa likod. Sigaw ako ng sigaw habang lumuluha at nagmamakaawa na wag akong patayin kahit na alam kong mamamatay na ako dahil sa mga natamo ko.

"Bwisit ka ha, sinipa mo pa ako. Maganda siguro kung ibitin kita? Paepal ka eh" rinig kong sabi niya saka ko naramdaman na tinalian niya ako sa paa ko, maya maya pa ay naramdaman kong umaangat ako ng paa ang nasa itaas.
"Pagbabayaran mo tong ginawa mo sa akin at sa mga pinatay mo...magbabayad ka" sabi ko sakanya, ngumiti naman siya at hinawakan ang ulo ko.
"Lagi kong naririnig yung line na yan, well lagi namang ganyan eh. Sige, magbabayad ako. Magkano ba?" pang-aasar niya saka siya tumawa, hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa dami ng dugong nawala sakin at nakatiwarik pa ako. Tingin ko mamamatay na rin naman ako kaya tanggapin ko na, eto siguro ang karma ko sa pagtatangka ko kay Shawn.

"And now, makakasama mo na yung mga walang kwenta mong kaklase sa impyerno" binitawan niya yung ulo ko at umalis na, napaluha nalang ako nang nararamdamab kong mapuputulan na ako ng hininga. Sana naman kahit sa huling sandali ng buhay ko, maging proud sakin yung mga magulang ko dahil wala na ako. Para kay Shawn at sa mga kaibigan ko, sana mag-ingat sila at malaman kung sino ba talaga ang totoong killer. At para sa killer, dadating din ang karma at magbabayad ka. Hanggang sa huli, paalam na 4-A...

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon