Allison Chloe's POV
Nagulat ako nang makita sa loob ng salamin sila Jay Karl at Jay Kim... h-hindi.
"Oh ano? Nagustuhan mo ba ang surprise ko sayo, Allison?" tanong sakin ni Desiree na may halong pang-aasar, gusto ko siyang lapitan at sapakin.
"Wag mo silang sasaktan!" sigaw ko at kinalampag ang salamin, hinihiling na sana mabasag ko yon.
"Don't worry, hindi ko sila sasaktan. Pero nakadepende sayo kung sino ang gusto mong mabuhay...Ang boyfriend mo o ang mahal niyang kambal"
Nagimbal ako sa sinabi niya... p-papaanong nalaman niya ang tungkol samin?
"Malamang sa ngayon nagtataka ka kung pano ko nalaman. Well, natuklasan ko yun nung bago tayo magpunta sa camp. Palihim kayong nagkita at swerte ko dahil naroon ako habang naglalandian kayong dalawa" napayukom ako ng kamao.
"Ang galing mong umarte no? Nerd sa harap ng iba pero malanding babae pag kaharap ang boyfriend, tignan nalang natin kung ano ang magiging reaksyon ng kuya mo kapag nalaman niya ang tungkol sa inyo" tumawa siya na parang bata at lumapit sa salamin, pinakita niya ang cellphone niya na may picture namin ni Jay Karl noong gabing bago kami pumunta sa camp. Tinignan ko yung sunod na ginawa niya, sinend niya kay kuya yung picture. Halos mabasag ko na yung salamin dahil sa inis, pero wala akong nagawa kundi ang umiyak. Alam kong magagalit sakin si kuya kapag sinabi ko... pero yung mga sinabi ni Desiree... hindi totoo yun. Hindi totoong umaarte ako. Dahil all this time, siya ang nagpapanggap at umaarte!Tila napahinto ako sa pag-iyak nang nakita kong gumalaw si Karl, napansin naman yun ni Desiree kaya ngumiti siya sakin ng nakakaloko at dahan dahang lumapit sakanya.
"A-allison..." hinang hina yung boses niya, pero kinakabahan ako sa maaaring gawin ni Desiree.Nilapitan niya si Karl at tumingin sakin, hindi parin nawawala yung nakakalokong ngiti niya.
"Tignan lang natin kung magugustuhan mo tong gagawin ko" yumuko siya at dahan dahang nilapit ang mukha sa mukha ni Karl, gumilid pa siya para makita ang ginagawa nilang paghahalikan sa harapan ko.
"Fck!!! Itigil niyo yan!!!" nakakagalit, nakakainis. Wala akong magawa kundi ang sumigaw at panoorin sila, pero nakikita kong pinipigilan ni Karl si Desiree dahil iniilag niya yung mukha niya. Sa huli ay nagalit si Desiree at binigyan ng malutong na sampal si Karl.
"Fck you!!" sigaw niya rito pero tumawa lang siya at tumingin sakin.
"Pano ba yan? Magugustuhan mo pa ba si Jay Karl? Ha Allison?" saka siya tumawa na parang baliw, kitang kita ko kung pano magpumiglas si Karl dahil sa galit. May tiwala ako sakanya, at ganun din siya sa akin.
"P*tang*na!! Itigil mo na tong kalokohan mo Desiree!!" sigaw ni Jay Kim kaya napatingin kami sakanya, alam kong pagod na pagod na siya dahil sa tagal niyang nakabitin at puro pasa pa yung katawan niya.
"Ooh, nandiyan ka pa pala Jay Kim. Nakalimutan ko, sorryyy" hindi ko mapigilang hindi mapairap kay Desiree, ngayong nalaman ko yung totoong siya, parang ayoko nang makita pa o malapitan siya.
"Well, oo nga pala. Kelangan na nating simulan ang laro. Simple lang naman ang mechanics ng game, pipili ka sa dalawang to kung sino ang ililigtas mo" parang nanghina ako nang sinabi niya iyon, pinagmasdan ko si Karl. Umiling siya, napailing ako. Sunod kong tinignan si Jay Kim.
"Please, iligtas mo na si Karl" kahit mahina ay narinig ko parin ang sinabi niya, hinang hina na siya.Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sakanila. Kung pipiliin ko si Karl, ako lang ang magiging masaya at hindi siya dahil alam ko kung gano niya kamahal ang kambal niya. Pero kung si Jay Kim ang pipiliin ko, alam ko ring hindi siya sasaya dahil wala si Karl.
"Pick one Allison" rinig kong sabi ni Desiree kaya napakagat ako ng labi, pumikit ako at huminga ng malalim.
"Allison please iligtas mo si Karl! Kelangan mo siya!" sigaw ni Jay Kim.
"Hindi! Iligtas mo si Kim! Wag mo na akong piliin! Sapat nang malaman mong mahal kita kaya please, iligtas mo ang kambal ko!" sigaw naman ni Karl.
"Wag Allison! Alam kong mas magiging masaya ka kung si Karl ang pipiliin mo!" umiling ako, oo magiging masaya ako pero... pano si Karl?
"Masaya na akong naging tayo Allison pero hindi kakayanin ng kunsensya ko na wala ang kambal ko, please... I'm begging you" napaluha ako sa sitwasyon naming tatlo, hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Ayokong saktan ang isa sakanila.
"Wala akong pipiliin ni isa sakanila! Ako! Ako ang patayin mo!" sigaw ko kaya bakas sa mukha ng kambal ang gulat pero tuwa at galak naman ang kay Desiree.
"Ha ha ha. Pinapatawa mo ba ako Allison? Akala ko ba matalino ka? Boba. Wala ka sa pagpipilian! Pumili ka ng maayos!" galit niyang sigaw saka naglabas ng baril, natakot ako sa maaari niyang gawin. Hindi ko alam... hindi ko alam kung sino.
"Allison! Ayos lang sa akin kung hindi ako ang pipiliin mo. Please, alam kong mahal mo ang kambal ko kaya siya ang piliin mo. Karl please, pumayag ka na. Tandaan mo, lagi akong nasa tabi mo" mangiyak-ngiyak na sabi ni Kim, maski ako naiyak na rin.
"No... hindi" napayuko na lang si Karl at alam kong umiiyak na siya, napakahirap. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong piliin.
"Allison... tanggap ko na. Tanggap ko nang mamamatay ako, kaya please, I'm begging you... piliin mo si Karl" kalma pero puno ng lungkot ang boses ni Kim.
"Karl... ayokong masaktan ka..." tumingin ako kay Karl na nakayuko parin hanggang ngayon.
"Just go, piliin mo si Karl" parang... tanggap niya na talaga.
"Oh c'mon! Sabihin mo na kung sino yung pipiliin mo at nang mapatay ko na ang isa sakanila!" inip na sigaw ni Desiree kaya napayuko ako. I'm sorry Karl, ayokong saktan ka.
"Kim... patawad" tinignan niya ako at ngumiti ng mapait.
"Si Karl ang pipiliin ko" halos pabulong kong sinabi yun, agad na napangiti si Desiree sa desisyon ko.
"Goodbye" hindi na ako tumingin pa kay Kim nang marinig ko ang putok ng baril, galit na galit si Karl. I'm sorry... I have no choice... hindi ko gusto to.
"PAPATAYIN KITA DESIREE!!!" galit na sigaw ni Karl habang nagpupumiglas, I'm sorry Karl... I'm sorry... patawarin niyo ako...
BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Misterio / SuspensoStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...