Third Person's POV
"San na sila Cath?" tanong ni Tamara nang makitang wala nang tao sa canteen na pinaroroonan nila Catherine kanina.
"Mukhang umuwi na" sabi nito at akmang aalis na nang may narinig siyang malakas na sigaw mula sa isang lugar sa loob ng campus.
"Huh? Sino ba yun?" tanong nito sa sarili at hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon.Patuloy niyang naririnig ang pagsigaw at paghalakhak, kada lumalakas ang mga ito ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya dahil nararamdaman niyang palapit na siya ng palapit sa lugar ng pinanggagalingan ng mga sigaw at halakhak.
Nang malapit na siya sa isang lumang classroom na malayo sa mga bagong classroom ay may nakita siyang tatlong estudyante na nasa tapat ng room na pinanggagalingan ng mga ingay, agad siyang nagtago sa gilid ng lumang classroom kung saan may mga nakatambak na sirang upuan.
"Antagal naman oh, di pa ba tapos yun?" tanong ng isang estudyante sa kasama nito, nagtataka naman si Tamara kung bakit may tatlong estudyante doon.
"Tss. Syempre papahirapan muna niya si Lana no, ano yun? One hit kill agad? Di pwede yun. Kelangan munang itorture, nako naman tol. Di ka ba naglalaro ng mga larong patayan sa computer?" agad na napatakip ng bibig si Tamara sa mga narinig at nagdasal, habang nagsa-sign of the cross siya ay natabig niya ang isang upuan kaya bumagsak ito kaya mas lalo siyang kinabahan na baka siya ang isunod."Teka, may tao ata! Tignan mo nga tol!" rinig niya kaya agad siyang naghanap ng matataguan.
"God please save us, save Lana and me...please God" paulit ulit nitong dasal habang nagtatago sa isang karton na nakita niya.
"Tol wala naman eh, baka pusa lang yun. Alam mo naman, maraming pusa dito" rinig ni Tamara kaya nakahinga siya ng maluwag.
"Syempre alangan daga, anlakas naman niya para makabagsak ng upuan. Eto t*nga" sabi ng isang estudyante, may lumabas naman na isa pang estudyante mula sa lumang classroom habang nakangiti.
"Oh ano? Tapos mo na ba?" tanong nito sa lumabas na estudyante.
"Oo naman, ako pa ba? Pero narinig ko yung usapan niyo kanina, may ibang tao pa ba dito bukod satin?" tanong nito kaya agad na kinabahan si Tamara na baka mahanap siya nito.
"Wala, sabi ko kasi kay tol na baka pusa lang yun. Pero check mo rin, isunod mo na pag nakita mo" pagkasabi niya ay agad na kinutuban si Tamara na baka isunod nga siya nito, nagdasal siya ulit habang pinapakiramdaman ang killer."F*ck pag nakita lang kita, I'll kill you with my bare hands" rinig ni Tamara na bulong ng killer kaya mas lalo siyang kinabahan, sobrang bilis ng tibok ng puso niya habang may tumutulong luha mula sa mga mata niya. Nang maramdaman niyang umalis ang killer ay medyo lumuwag ang paghinga niya pero di parin nawala ang takot sakanya.
"Wala naman, tara na at magbibihis pa ako" sabi ng killer saka sila umalis, naghintay pa ng isang minuto si Tamara bago ito lumabas mula sa pinagtataguan. Pumasok siya sa loob ng lumang classroom at nakita ang kalunos-lunos na sinapit ng kaibigan."C-cath...I'm sorry kung natagalan ako...ako nanaman yung dahilan kung bakit ka namatay...I'm sorry bes...sana di ko nalang sinagot yung tawag ng boyfriend ko. Promise, ipaghihiganti ko kayo ni Angelica. Hindi ako sure sa mga hinala ko pero sana tama ako, bes, as I promise. Hindi ko ipagsasawalang bahala tong nangyari sainyo, pagbabayaran nila tong ginawa nila sainyo ni Angelica" sabi nito habang umiiyak at hawak hawak ang kamay ng kaibigan, tinanggal niya ang trophy na nakatusok sa tiyan ni Lana saka niya ito niyakap kahit na puro dugo ito.
the next day...
Allison Chloe's POV
"Oh? Anong problema niyo David?" tanong ko kila David nung makita ko sila Niro at David na nakaupo sa isang tabi na para bang malalim yung iniisip.
"Si Brian kasi, sabi ng mama niya di pa daw siya umuuwi magmula kahapon. Kinakabahan ako kasi hindi ko siya mahanap kahapon" sabi ni David kaya nagtaka ako, si Brian? Nawawala?
"Pero ang alam ko nag-stay siya sa loob ng Arts room, pero ilang oras na yung lumipas, di parin namin siya nakikita" sabi ni Niro kaya kinutuban na ako, mukhang siya na yung sumunod.
"Hayy, sana hindi totoo yung hinala ko" sabi ni David, nakita ko naman si Tamara na naglalakad mag-isa. Himala at hindi niya kasama si Lana, magmula kasi nung nawala si Angelica, si Lana na yung lagi niyang kasama. Kaya tinawag ko siya, FC na ako pero gusto ko siyang tanungin."Uh Tamara! Pwede ka bang matanong?" tanong ko sakanya kaya lumingon siya sakin, pagkakita ko sakanya, mugtong mugto yung mga mata niya. Parang kakaiyak niya palang.
"W-wala na si Cath. Wala na siya...iniwan na niya ako" agad akong napahinto...wala na si Lana? P-pero...pano nangyari yun?
"What?! Pero..." hindi ako makapaniwala, bakit ba ang galing ng killer?!
"Alam ko na kung sino yung mga kille--...no, hindi ko dapat sabihin. I don't trust you!" sigaw niya tapos tumakbo siya palayo sakin, teka, alam na niya yung mga killer? So hindi nag-iisa ang killer?Nakita ko naman si Mack na kasabay si Arden kaya tinignan ko silang dalawa, nag-uusap lang sila habang papunta sa room. Nandito pa kasi kami sa labas.
"Sino ba talaga yung killer? At bakit niya tayo iniisa isa?" tanong ko saka tumigin sa loob ng room, sino ka ba talaga? At sino yung mga kasama mo?"Teka, may naalala ako. Diba kahapon nakita natin si Mack?" rinig kong tanong ni Niro kaya tumingin ako sakanila.
"Tapos?" tanong ni David kaya lumapit ako sakanilang dalawa ni Niro.
"May nakita akong pulang mantsa sa laylayan ng uniform ni Mack. Tapos madaling madali siya, hindi ba nakakapagtaka yun?" tanong niya kaya nag-isip ako, so is he saying na maaaring killer si Mack?
"Sino naman sa tingin mo ang pinatay niya?" tanong ko.
"Si Brian, kasi nakita kong galing siya sa hallway kung saan malapit yung Arts room. Eh diba sa ibang building pa yung Music room? At hindi konektado ang hallway ng Building A sa Building C" sabi ni Niro kaya nagkaroon ako ng hint na baka isa sa mga killers si Mack.
"Pwede mong i-conclude yan pero wala tayong proof, except sa pulang mantsa sa laylayan ng damit niya. Malay mo, pumasok siya sa Arts room at nadikit ang damit sa isang table na may red paint?" tanong ko, napahawak naman siya sa chin niya saka nag-isip.
"Pwede rin, kasi nung pumasok kami sa Arts room, may painting na puro red lang ang ginamit. Siguro pumasok siya para tignan yun tapos aksidenteng nalagyan yung damit niya ng red paint. Pero nakakapagtaka kasi" sabi ni David, kahit ako. Pero at least may onti na akong alam tungkol sa nangyayari samin.Could it be...si Mack Homer ay isa sa mga killer?
=====
So guys, wala munang patayan ngayon. Hehe, pahinga muna. Isip isip muna kung sino ba talaga ang killer, malay mo ikaw pala yun. MWAHAHAHA! Charot.
- Author

BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...