08.2 - Guitar Strings

35 3 0
                                    

Third Person's POV

Sa loob ng classroom ng 4-A ay puro daldalan ang tanging makikita dito, wala kasing pumasok na teacher sa period nila dahil absent ang teacher nilang si Sir Joseph. Habang nag-iingay ang mga ibang estudyante, nag-iisa naman si Naira sa sulok habang nagguguhit sa kanyang notebook. Nang makita siya ni Percival ay napahinto ito at napatitig sa guhit ni Naira.

"Oh my gosh ateng wit yan? Ang creepey!" takot na sabi ni Percival nang makita ito, nagsilapitan naman ang ibang mga estudyante at nagkumpulan. Tinitignan nila ang ginagawa ni Naira.
"Siya na ang susunod...siya na...mawawala na ang isa sakanila" wika nito habang nagguguhit, nagkaroon naman ng kuryosidad ang mga kaklase niyang nakarinig sa kanya.
"Sinong susunod? Sinong mawawala?" tanong ni Shawn kay Naira.
"Mawawala na siya. Mamamatay na siya..." nagulat si Shawn sa narinig kaya kinuha niya ang notebook ni Naira saka pinunit ang ginuhit nito.
"May mamamatay ba?" tanong ng isa sa mga kaklase nila at sunod sunod na tanong na ang narinig nila.

"Look guys, wag muna kayong magconclude na may mamamatay! Please calm down! Everyone!" sabi ni Shawn habang pinapatahimik ang mga kaklase.
"Oo nga guys! Wag na kayong maingay!" sabi rin ni Jay Kim pero wala rin silang nagawa dahil sobrang ingay na sa loob ng room.

"Ano ba! Nasan ba yung president ng class natin?!" inis na tanong ni Jay Karl.
"Pumunta siya ng canteen para magxerox ng activity natin kasama si Arden" sagot ni Allison habang abala sa pagbabasa ng paboritong libro.
"Yung secretary? Jenny ikaw yung secretary diba? Maglista ka" sabi ni Jay Kim kay Jenny nang makita itong nagsusulat ng notes, napatingin naman ito kay Jay Kim saka naka-irap nalang ng mata at naglabas ng isang papel para maglista.

"Hoy manahimik na daw! May maglilista na! Jumbagin ko kayo diyan eh" sabi ni Percival saka umupo sa upuan at nagpaypay.
"Oh ayan na Jay Kim naglilista na ko, abala pa sa pagkopya ko sa notes eh. Tss" masungit na sabi ni Jenny kay Jay Kim habang pinapakita ang papel na pinaglilistahan niya ng mga maingay.
"Sino sino ba yung mga lumabas? Baka mamaya may magreklamo nanaman eh" tanong ni Jenny sa kaklase.
"Ah, si Geisha at Arden nagpaxerox, si Mack kakausapin si Mam Principal, si David at Niro pumunta sa canteen, tapos si Desiree nagpuntang cr" sabi ni Riley habang nagsusulat ng lyrics ng kantang ni-compose niya.

Sa kabilang banda ng room ay nananahimik lang si Tamara habang pinapakiramdaman ang mga kaklase, nakita naman siya ni Shawn noong nagtapon ito sa basurahan kaya tinanong siya nito.
"Dane, are you alright? Masama ba pakiramdam mo?" tanong nito sa kaibigan, mula preschool palang ay magkaibigan na sila kaya ayos lang kay Tamara na tawagin siya nitong Dane.
"Yep, don't worry about me" sabi nito kaya umalis na si Shawn papunta sa kanyang upuan.

"Mabubuking ko din kayong mga killers. Ipaghihiganti ko yung mga kaibigan ko" bulong nito sa sarili saka sinipa ang upuan na nasa harapan niya dahilan para matahimik ang mga kaklase niya.
"Oh? What's the matter? Stop staring at me, bullsh*ts" sabi nito saka tumayo at lumabas ng room.

Mack's POV

"Wag! T-tama na! Please!" sigaw ko habang dinadaing ang mga bawat saksak ng strings ng gitara ko sa mga braso ko, puno na ko ng dugo pero di pa sila tumitigil.
"He! Manahimik ka, matapos mong pumatay ng mga inosente ganyan ka makapagmakaawa? Ulul ka" sabi ng isa sakanila saka ko naramdaman ang pagtusok ng isang string sa kaliwang braso ko, ramdam kong mainit pa to kaya naman napasigaw ako sa sakit.
"G-ginawa...ko lang...n-naman yun d-dahil...AAAAAAHHHHHH!" naramdaman kong kinuryente nila ako kaya naman sigaw ako ng sigaw sa sakin, ayoko na! Gusto kong patayin na nila ako!
"Dahil ano Mack?! Sabihin mo!!" sigaw ng isa sakanila, di ako makapagsalita dahil sa pagkuryente nila sakin. Tanging pagluha nalang yung nagawa ko.
"Bobo. Isa pa! Pag di mo sinabi kukuryentehin kita!" sigaw niya kaya naman sumigaw ako.
"Dahil papatayin niyo yung kapatid ko pag di ako pumatay!" sigaw ko saka ako kinuryente ulit, sigaw ako ng sigaw sa sakit. Ayoko na talaga.
"Ano pang dahilan?" tanong ulit niya saka ko naramdaman ang biglaang paghugot ng isang string sa kaliwang braso ko kaya napasigaw ulit ako.
"Aaaaaaahhhhh! Tama na! Please! Patayin niyo na ako!" sigaw ko, di ko na kaya yung mga sakit na nararamdaman ko.
"Sabihin mo muna yung mga dahilan" sabi ng isa ulit sakanila kaya tuluyan nang tumulo yung mga luha ko, mabuti nalang nakapiring yung mata ko kaya di nila mapapansin na umiiyak na ako.

"P-papatayin niyo...y-yung...mama ko" sabi ko saka hinila ulit nila yung isang string sa kaliwang braso ko.
"Please tama n-na!" pagmamakaawa ko pero tawa lang sila ng tawa.
"Sige magmakaawa ka pa, hahaha!" para silang mga demonyong sobrang saya sa mga ginagawa nila.
"Oh eto naman, sabihin mo yung mga pangalan ng kaklase nating pinatay mo" sabi niya kaya mas lalo akong nagsisi.
"Please stop...ayoko na...patayin niyo nalang ako...end this f*cking torture! Tama na!" sigaw ko saka ko naramdaman yung kuryente, siguro may mga sunog na akong balat dahil sa kuryente. Ayoko na talaga, susuko na ako. Pero kahit na gusto ko nang mamatay parang ayaw pa ata tumigil sa pagtibok tong pusong to.

"Sabihin mo yung pangalan ng mga pinatay mo at kung pano mo sila pinatay!" sigaw ng babae kaya tumango ako.
"S-si Eric...s-sinadya kong...i-itapon sakanya yung...pinaghalo-halo naming c-chamicals...t-tapos si...B-brian...s-sinugatan ko y-yung mga...b-braso niya...tapos...ginawa k-kong pintura...yung d-dugo niya...tapos...s-sinaksak ko siya...sa dibdib" nanghihina kong sabi sakanila tapos nakarinig ako ng palakpakan, tapos na ba sila? Papatayin na ba nila ako?

"Very good Mack, ngayon isesend ko tong video sa mga kaklase natin. Tignan lang natin yung magiging reaksyon nila" sabi niya kaya napailing nalang ako, dadating din yung araw na matutulad kayo sakin...mamamatay din kayo...bababuyin din kayo...mas baboy pa kesa sa ginawa niyo sakin.
"Pagbabayarin niyo to..." bulong ko habang nanghihina.
"Ano? Anong sabi mo?" tanong ng isa sakanila, nung naramdaman ko yung kamay niya na nakahawak sa baba ko dinuraan ko siya.
"Pagbabayaran niyo to...pagbabayaran niyo tong ginawa niyo sakin D-- *bang*"

"F*ck you Mack. See you in hell"

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon