Tamara's POV
"Mahal kita Dane, kaya please... tumakbo ka na bago ka pa mahuli" ito ang mga salitang tumatak sa isip ko bago mawala sa paningin ko si Patrick. T-totoo ba yun?
"Patrick... mag-iingat ka" bulong ko at saka ako tumakbo papunta sa high way, alam kong may malapit na police station dito at sana makarating ako doon ng buhay pa.
"May isa dito! Haha, yari ka sakin ngayon!" rinig kong sigaw ng isang lalaki kaya napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaking naka-itim na maskara kaya natakot ako at tumakbo sa talahiban, kahit na nasusugatan ako dahil sa talahib ay tuloy tuloy ako sa pagtakbo. Wala akong pake kung ano pang sugat ang matamo ko, ang mahalaga magawa ko ang utos ni Patrick.
"Mahal din kita Patrick... promise, magiging ligtas din tayong lahat" bulong ko saka ako tumakbo ng mabilis, kaso dahil sa pagmamadali ko ay napaapak ako sa isang bato kaya ako nadapa.Masakit man sa tuhod ay pinilit kong manahimik dahil alam kong nakasunod parin sakin yung lalaki.
"Mukhang gusto mo pang makipaglaro sakin ha" rinig kong sabi niya kaya nagtakip ako ng bibig ko, yung kanan nasa nagdudugong tuhod tapos yung kaliwa nakatakip sa bibig ko.God... please help me. Tulungan niyo akong makalayo sa lalaking to. Ayoko pang mamatay, ngayon pang nalaman kong mahal din ako ng best friend ko.
"Alam kong nandito ka lang, makikita din kita" agad akong kinilabutan nang marinig ko yung boses nung lalaki, sobrang lapit niya na sakin dahil naririnig ko din yung mga talahib.
"Huli ka!!"
"AAAAAAAHHHH!!" hindi na ako nakatakbo dahil sa sakit ng tuhod ko at nahawakan niya na rin yung buhok ko.
"Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!" pilit ko siyang hinahampas pero hindi siya maabot ng mga kamay ko.
"Sumama ka sakin kung ayaw mo pang mamatay!" nagpumiglas ako pero sa lakas niya ay nahihila niya ako, sobrang sakit na ng ulo ko dahil buhok ko yung pinanghihila niya sakin.
"Please stop it! Bitawan mo na ako!" sigaw ko, naluluha nalang ako habang nagpupumilit na kumawala."Sabing bitawan mo siya eh!" nagulat ako nang biglang bumagsak yung lalaking nanghihila sakin. Nang tumingin ako sa tumulong sakin ay nagulat ako nang makita ko si Naira.
"Tumayo ka diyan" utos niya pero umiling ako at tumingin sa nagdudugong tuhod ko, nadumihan na siya dahil sa mga alikabok.
"Pero... may sugat ako" lumuhod siya sa tapat ko at pinunit yung laylayan ng shirt niya at hinugasan ng mineral water yung sugat ko, nung una nasaktan ako dahil binigla niya.
"Hindi na tayo pwedeng magtagal dito kaya pilitin mo yung sarili mong tumayo at maglakad" seryosong sabi niya kaya tumango nalang ako.
"Pano ka nakatakas?" tanong ko habang tinatalian niya ng tela yung sugat ko.
"Hindi ako tumakas. Hindi lang talaga ako sumama sa inyong maligo" sabi niya kaya naalala kong hindi nga pala siya kasama nung naligo kami sa lake.
"Kung ganon, pano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko.
"I heard those jerks na may nakatakas sa mga kaklase natin, so naghanap ako. And luckily, I found you" sabi niya saka tumayo, tapos na pala siya sa pagtakop ng sugat ko.
"Sila Patrick? Nakita mo ba sila?" tanong ko pero di niya ako sinagot at naglakad paalis, kaya naman agad akong tumayo at sumunod sakanya kahit na masakit parin yung tuhod ko."Sabi ni Patrick humingi tayo ng tulong sa mga pulis, matutulungan nila tayo" sabi ko habang naglalakad kami papunta sa highway, tumingin siya saglit sakin at binalik muli yung tingin sa dinadaanan namin.
"Police won't help us. Nasa side siya ng killer" napahinto ako sa sinabi niya.
"W-what? Pero hindi pwede yun!" huminto siya at sinamaan ako ng tingin.
"Kung gusto mo pang mabuhay, wag kang hihingi ng tulong sa mga pulis" pagkasabi niya nun ay umalis na siya at iniwan akong mag-isa.Pano kung totoo nga yung sinabi niya? Pano ko matutulungan yung mga kaklase ko?
Riley's POV
Minulat ko yung mga mata ko at tumingin sa paligid. Nasa loob ako ng isang kwartong maliit, at alam kong wala ako sa kwarto ko dahil malaki yun at hindi ganito kaliit.
"Sh*t, nasan ba ko?" sinubukan kong tumayo pero ngayon ko lang narealize na nakatali pala ang buong katawan ko.
"P-pakawalan niyo ko dito!! Mga hayop!! Pakawalan niyo ko!!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakatali ng katawan, pero hindi ko rin nagawa dahil matibay ang pagkakatali sakin. Maya maya pa ay nakarinig ako ng tatlong palakpak na nagmumula sa pinto ng kwarto, napatingin ako doon at laking gulat ko nang makita kung sino ang naroon.
"Walanghiya ka!! Traydor!! Plastik ka!! Mamamatay tao!!" galit na galit ako, all this time isa rin pala siya sa mga killers? Ang galing niyang umarte grabe. Pwede nang bigyan ng Oscars award.
"Thank you Riley" ngumiti siya ng nakakaloko kaya mas lalo akong nainis.
"Tsk. Tsk. Nakakaawa ka naman, nakatali ang buong katawan habang nakahiga sa isang salamin na mamaya lang ay mababasag na" pagkasabi niya nun ay nakarinig ako ng mahinang crack, noon ko lang napagtanto na salamin nga ito at hindi lang basta salamin. Malapit na itong mabasag.
"P-pakawalan mo ko dito! Hayop ka!" sigaw ko habang nakatingin sakanya, pero tinawanan lang ako at mukhang tuwang tuwa pa sa nangyayari.
"Nakakatawa ka talaga! Papakawalan din naman kita eh, yun ay kung magagawa mo ang inuutos ko" biglang nagseryoso yung mukha niya at nawala ang ngiti sa labi niya."Ipagsunud-sunurin mo ang mga kaklase nating namatay. Isang mali lang ay mahuhulog ka sa mga kutsilyong nasa ilalim mo" nanlaki yung mga mata ko, h-hindi ko alam ang pagkakasunud-sunod ng pagkamatay ng mga kaklase ko!
"H-hindi ko alam" yun ang tanging ibinulong ko at saka naluha.
"Pwes madaliin na din nating yang buhay mo" pagkasabi niya nun ay may nilabas siyang martilyo, at saan niya nakuha yon?!?
"Paalam Riley! Magkita nalang tayo sa impyerno! Hahahaha!" hinampas niya ng malakas ang salamin na hinihigaan ko, sa isang iglap ay nabasag ito at nalaglag ako. Naramdaman ko ang malalim na pagtusok ng mga kutsilyo sa mga parte ng katawan ko, tanging sigaw at iyak lang ang nagawa ko sa sobrang sakit ng dinaranas ko ngayon."Goodbye Riley! Mag-enjoy ka lang diyan" nakita ko pa ang nakakalokong ngisi sa labi niya bago siya lumabas ng kwarto.
Mamamatay ka rin! Traydor ng 4-A.
BINABASA MO ANG
The School Of Terror
Mystery / ThrillerStarted: August 4, 2016 Completed: August 25, 2017 Paano kung pumasok ka sa isang school na puno ng malagim na sikreto? Madugo... Madilim... At nakakatakot. Makaka-graduate ka kaya ng buhay sa eskwelahang ito o maaga kang mamamaalam sa pamilya at ka...